Kapit (January 27, 2020)

Monday, 3rd Week in Ordinary Time

Di naman nangako ang Diyos na kapag tinanggap natin Siya ay di na tayo magkakaproblema, na di na tayo magkakasakit o kung ano pa man. Pero ang sigurado, sinabi niya, “AKO’Y KASAMA NINYO HANGGANG SA WAKAS NG PANAHON.” Ibig sabihin sasamahan Niya tayo sa pagharap kung ano man darating sa atin, sa hirap man yan o ginhawa.

Ito ang karanasan ni David. Lagi Siyang nakakapit/nakasandal/nagtitiwala sa Diyos kaya naman kahit nagkamali at nagkasala Siya, patuloy Siyang pinagpapala ng Diyos.

Kaya nga ang ating unang pagbasa ay paanyaya sa atin na manatiling kumapit, sumandal at magtiwala sa Diyos katulad ng ginawa ni David ng tayo din ay Kanyang pagpalain.

Amen.

Salita (January 26, 2020)

3rd Sunday in Ordinary Time

Ang Linggong ito ay LINGGO NG SALITA NG DIYOS.

Gaano nga ba kahalaga ang Salita ng Diyos? 

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain (2 Tim 3:16-17).

Kaya na nga mahalangang basahin o pakinggan ang Salita ng Diyos, unawain ito upang matanggap at maipahayag ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito.

Panginoon buksan mo ang aking tainga at isipan, pati na rin ang aming puso upang matanggap namin ang Salita ng Diyos.

Amen.

Tawag (January 25, 2020)

Feast of the Conversion of St. Paul

Dalawang mahalagang mensahe ang ibinibigay sa atin ng ating kapistahan gayundin ng ang mga pagbasa ngayon.

Una ay ang tawag sa pagbabago. Lahat naman tayo may mga kahinaan at mga pagkukulang. Lahat naman tayo nagkakamali at nagkakasala ngunit paanyaya sa atin na sana ay MAKITA natin ang mga ito at MAGBAGO tayo. We need conversion not only today but everyday. Araw-araw na pagtugon sa Diyos.

Ikalawa, ang tawag na magpahayag ng Salita ng Diyos. Lahat tayo ay inaanyayahan na magpakalat ng Mabuting Balita. Pero tandaan natin ang kasabihang “Action speaks louder than Words.” Ito ay panawagan sa atin na gawin ang pagpangalat ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabuti at maayos na pamumuhay na maaring magsilbing halimbawa para sa iba.

Tanungin natin ang ating mga sarili… 
Una, ano pa nga ba ang nga bagay na dapat kong baguhin sa aking buhay? 
Ikalawa, ano kaya ang mabuting pwede kong gawin sa araw na ito?

Panginoon, tulungan mo po kaming matularan si San Pablo sa pagsunod sa iyo.

Amen.

Insecure (January 23, 2020)

Thursday, 2nd Week in Ordinary Time

Madami na ako nakilalang mga insecure at mga selosong tao. Dalawang bagay ang napansin ko sa kanila…

Una, sinisira nila ang kanilang sarili dahil sa sobrang pag-iisip ng mga bagay na walang kwenta at pagseselos na di naman kailangan.
Ikalawa, sinisira at nasisira nila ang kanilang relasyon sa kapwa. (kaibigan/kasintahan/asawa/pamilya, maging sa taong pinagseselosan nila.)

Ito ang makikita natin sa ating unang pagbasa ngayon sa katauhan ni Haring Saul na lubos na naging insecure at nagseselos kay David. Dahil nga sa kanyang insecurity at pagseselos nasira ang kanilang relasyon to the point na nakapag-isip pa siya ng masama kay David… ninais niyang mapahamak/patayin siya.

Mga kapatid, huwag sana nating hayaan na maging insecure sa ating kapwa at maging seloso. Tandaan natin na pinagpala tayo ng Diyos sa maraming paraan. Binigyan niya tayo ng angking talino, galing at mga kakayahan. Hindi natin kailangan ikumpara ang ating sarili sa iba ni ang ating pakikitungo sa iba. Bagkos magandang isipin natin kung paano pa linangin ang mga kaloob sa atin at ng mapakinabangan ang mga ito. Gayundin paano natin maayos ang ating pakikitungo sa kapwa.
Sahalip na maging insecure sa iba mas mainam na isipin ang maaring gawing maganda para sa kapwa. Gamitin natin ang mga kaloob sa atin sa paggawa ng mabuti at gamitin natin ito para sa ating mas maayos na pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

Panginoon, tulungan mo po kaming makita ang magagandang biyaya mo sa amin. Sa halip na magkumpara ay turuan mo po kaming gamitin ang mga kaloob mo sa amin upang makatulong ito sa aming paglago at paglago ng aming ugnayan sa iyo at sa aming kapwa.

Amen.

Tiwala (January 22, 2020)

Wednesday, 2nd Week in Ordinary Time

Tiwala sa sarili at tiwala sa Diyos; ito ang pormula o sikreto ng mga taong umaasenso.

Ito din ang makikita natin kay David nang harapin niya si Goliath. May tiwala siya sa kanyang kakayanan at buo ang tiwala niya sa Diyos kaya nagtagumpay siya laban sa kaaway.

Mga kapatid, sana magtiwala din tayo sa likas na talino at galing na kaloob sa atin ng Panginoong Diyos. Gayundin, lagi tayong dumulog sa ating Diyos sapagkat kapag kasama at katulong natin Siya, ang lahat ay magiging maayos.

Panginoon, salamat po sa Iyong mga kaloob sa amig talino at galing. Patuloy mo po sana kaming gabayan upang di masayang ang mga ito bagkos mapakinabangan namin ito. 

Amen.

Porma (January 21, 2020)

Tuesday, 2nd Week in Ordinary Time

Minsan puro tayo porma. Nagdadamit tayo ng maaayos at magaganda.
Kaya nga patok na patok ang mga salon na kung saan nagpapaayos at nagpapaganda ang marami. Patok na patok din ang mga produktong nakapag-paputi at nakapagpapaganda.

Wala namang masama dito. Dapat naman talagang pangalagaan ang kaloob ng Diyos- ang ating katawan. Ngunit huwag lamang sana tayong nakafocus sa ating porma at sa panlabas na kaanyuan. Mahalagang-mahalaga din na pagandahin natin ang ating mga kalooban- ang ating pag-uugali.

Mga kapatid, sa unang pagbasa ay sinabi ng Diyos kay Samuel, “Not as man sees does God see, because he sees the appearance but the LORD looks into the heart.” Paalala din sa atin ito na hindi lamang sa panlabas na kaanyuan nakatingin ang Diyos. Sa Panginoon, hindi lang porma at ganda kundi ang kabusilakan ng ating mga puso. Manatili nawa nating pakinggan ang Salita ng Diyos, tanggapin ito at sundin araw-araw

Panginoon tulungan mo po akong manatiling tapat at masusurin sa iyong kalooban.

Amen.

Obey (January 20, 2020)

Monday, 2nd Week in Ordinary Time

Masaya tayo kung nagagawa natin ang gusto natin. Pero hindi lahat ng gusto natin ay tama at mabuti kaya hindi lahat ng gusto natin ay dapat nating gawin o sundin.

Ang Salita o Utos ng Diyos ay ibinibigay sa atin upang maging basehan ng tama, mabuti at kalugod-lugod kaya nga marapat na ito ay unawain, tanggapin at sundin. Ito ang paalala sa atin ng unang pagbasa lalo na ng sabihin ni Samuel kay Saul, “Obedience is better than sacrifice.”

Panginoon turuan at tulungan mo po kaming unahin at sundin ang Iyong kalooban.

Amen.

Gabay (January 11, 2020)

Saturday After Epiphany

Si San Juan Bautista sa ating Ebanghelyo ay nagsisilbing gabay upang makilala ng mga tao ang Panginoong Hesus. Itinuro, ipinaliwanag at ipinakilala Niya kung sino Siya. Kaya tayo bilang mananampalataya ay dapat maging sensitibo sa sa mga gabay na ibinibigay sa atin ng Diyos upang tayo ay mas mapalapit sa Kanya.

Mga kapatid, dalawang bagay ang idulog natin sa Panginoon:

Una, hingin natin sa Diyos na magpadala pa siya ng mga gabay na tutulong sa atin upang mas mapalapit pa tayo sa Diyos.

Ikalawa, tulungan Niya tayong mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban at maging GABAY din sa ibang tao upang makilala at mas mapalapit sila sa Diyos.

Amen.

Jesus Cares and So Cures (January 10, 2020)

by: Rev. Fr. Philip Ibasco
Friday after Epiphany

The Lord Jesus met a leper in today’s Gospel story (Luke 5:12-16). Jesus cured him because He cared for him. The Law of Moses rendered the leper ritually impure. A first consequence of this was that he could not offer sacrifices in the Temple nor join the services in the synagogue; he was “isolated from God” and his relationship with God was strained. Another consequence was that the leper was “isolated from others” because the Law forbade any leper to come near and be in touch with others; his relationship with others was constrained. Jesus broke through that barrier of isolation: He touched the leper and talked with him. The Lord’s desire and will was not only to cure the man of his physical disease but also, and more importantly, to heal his relationship with God and with others. Jesus cared for the leper and so He cured him. On the part of the leper, he reached out to the Lord by his humble prostration and trustful prayer. The Lord could never be indifferent to a humble and sincere heart and so Jesus, who cared, cured the man.

Let us REFLECT: In what way are we like the leper in today’s Gospel story? How are we ISOLATED FROM GOD and ALIENATED FROM OTHERS? In any case, we need to reach out to the Lord who cares and cures; we are in need of Jesus’ healing touch. Jesus constantly and earnestly invites us to be humble enough to accept our need and to be trustful as we ask to be blessed. He also asks us to reach out to others in friendship and solidarity as well as to stretch out our hands to share and to serve just as Jesus did. In us and through us, Jesus wants to continue to break through into the lives of isolated people as He desires to care and to cure.

Let us PRAY: “Lord, change our hearts and lives so that, like You, we will also care and cure. Amen.”

Halimbawa (January 9, 2020)

Thursday after Epiphany

Anu-ano pa nga ba ang dapat nating gawin upang mas maging makahulugan ang taong 2020?

Kung pagninilayan natin ang ating Ebanghelyo, ipinakikita sa atin ng Panginoong Hesus ang isa sa mga mahalagang dapat nating gawin; yan ay ang PAGSISIMBA at PAGDARASAL/PAGNINILAY SA SALITA NG DIYOS.
Sa Ebanghelyo natin ngayon, ipinakikita ang kinaugalian ng Panginoon; ang tumungo sa sinagoga tuwing Sabat at magnilay sa Salita ng Diyos kaya naman may malalim Siyang kaalaman at ugnayan sa Diyos.

Tayo din sana ay magkaroon ng panahon sa pagsimba, pagdarasal at pagninilay sa Salita ng Diyos. Huwag sanang makita ito bilang obligasyon lamang bagkos bilang pagpapahayag ng pag-ibig sa Kanya o personal na pakikipag-ugnayan sa kanya.

Mga kapatid, ang halimbawa sana ng Panginoon ay tularan natin sa lalong ikalalalim ng ating ugnayan sa Diyos.

Amen.

Courage (January 8, 2020)

Wednesday After Epiphany

“Take courage, it is I, do not be afraid.”

Ito ang ipinahayag ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad. Ito rin ang nais Niyang ipaabot sa ating lahat. HINDI NATIN KAILANGANG MATAKOT. HINDI NATIN KINAKAILANGANG MAGTAGO. HINDI TAYO DAPAT SUMUKO dahil nariyan SIya para sa atin. Kaya kumapit tayo sa Kanya at huwag bibitaw.

Kung nag-aalinlangan ka sa katotohanang ito, balikan mo ang mga nakaraang taon mo na dumaan ka sa iba’t-ibang mga pagsubok. Hindi ba ang lahat ng iyon ay nalampasan mo sa tulong ng biyaya ng Diyos? Kaya nga sa pagharap mo sa isa na namang taon, tandaan mo na kasama mo ang Panginoon na nagsasabing, HUWAG KANG MATAKOT, AKO ITO at NARITO AKO para sa iyo.

Panginoon, salamat po sa napakaraming biyaya na ipinagkaloob Mo sa amin. Patuloy Mo po sana kaming pagpalain araw-araw.

Amen.

Simula (January 7, 2020)

Tuesday after the Epiphany

GOD IS LOVE sabi ng unang pag-basa natin ngayon. Ito ay konkreto namang ipinahayag sa Ebanghelyo ngayon nang bigyang pansin ng Panginoong Hesus ang mga taong natitipon at pakanin Niya sila ng Mabuting Balita at tinapay at isda.

Katulad ng ating Panginoon, maging mapagmahal din tayo. Mahalin natin ang Diyos at kapwa sa pamamagitan ng:

L -eave our sinful ways behind

O -bey God’s commandment

V -irtues must be practiced everyday and everyway

E -mpathy towards neighbor.

Sa pagsimula ng taon, hingiin natin sa ating Panginoon na tulungan at turuan Niya din tayong maging mapagmahal.

Amen.

3 Hari/Pantas (January 5, 2020)

Ephipany of the Lord

Happy Three Kings. Ito ang kadalasang batian sa mga panahong ito ngunit kung titingnan natin ang ating pagdiriwang, ito ay di naman naka-sentro sa kanila bagkos sa kapahayagan kung SINO ANG SANGGOL NA ISINILANG. Kaya nga dapat ang pagbati natin ay hindi Happy Three Kings kundi HAPPY EPHIPANY.

Sa Linggong ito, bagamat naka-sentro sa ating Panginoon, magandang pagnilayan din natin ang ginawa ng mga Pantas. HINANAP NILA ANG PANGINOON, KINILALA, TINANGGAP at SINAMBA NIYA Siya. Naniniwala ako na kung meron man tayong dapat una at palagiang gawin ay ang hanapin ang Panginoon, kilalanin at tanggapin Siya upang lumalim ang ating ugnayan sa Kanya at matuto tayong sambahin at mahalin Siya.

Sa pagsimula ng taong 2020, tularan nawa natin ang mga Pantas na nagsakripisyo at masigasig na naghanap sa Panginoon.

Amen.

Good Start (January 3, 2020)

Kung gusto natin ng maayos at magandang taon, KAILANGAN NATIN ITONG SIMULAN NG MAAYOS AT MABUTI.

Ang ating Ebanghelyo ay nagsusugest sa atin kung paano natin magandang simulan ang taon. Paano?

Katulad ni Juan Bautista, mahalagang kilalanin natin at tanggapin natin ang pagdating ng ating Panginoong Hesus sa ating buhay. Syempre, kasama ng pakilala sa Kanya ay ang pakikinig at pagsasabuhay ng Kanyang kalooban. Tandaan, di tayo magkakamali kapag sumunod tayo bagkos pagpapalain pa Niya.

Panginoon tulungan mo po akong tanggapin, sundin at mahalin Kang lalo sa taong ito.

Amen.

New Year (January 1, 2020)

Solemnity of the Motherhood of Mary

“GOD LOVES US, EVEN THE WORSTS OF US.”

Ito ang mensahe ng Santo Papa noong Christmas Eve. Ito din san ang dapat nating mabigyang diin upang sa pagsimula ng Taong 2020.

Una, MAHAL TAYO NG DIYOS. Ang pagmamahal Niya simula’t simula ay di kailanman magbabago. Kaya nga dapat sa pagsisimula ng taon maging positibo ang ating pananaw at maging una sa mga target ngayong taon ayy kung PAANO NAMAN NATIN MAIPAPAKITA SA DIYOS ANG ATING PAGMAMAHAL.

Ikalawa, “EVEN THE WORST OF US.” Sana sa pagtalikod ng taong 2019, nakita sana natin ang mga bagay na hindi maganda, Ng mga pangit sa buhay natin, tanggapin ito, makapagsisi at sa pagpasok ng taon at gaein ang lahat upang sa taong 2020 ay magkaroon ng pagbabago (transformation) sa buhay natin. ANG MAS MAPALAPIT SA DIYOS AT MAS SUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN.

Ikatlo, “MAHAL NA BIRHEN, INA NG DIYOS.” Ang January 1 ay hindi lamang basta Bagong Taon bagkos ito ay pinatutungkol sa Mahal na Birhen na Ina ng Diyos. Sana makita natin ang pagdiriwang ng araw na ito na sa PAGBABABAGONG TAON, matularan natin ang Mahal na Birhen na mas maging bukas tayo sa Diyos at tanggapin siya ng may kagalakan sa pamamagitan ng ating MAS MAAYOS AT MABUTING PAMUMUHAY.

Panginoon, turuan mo po akong ibigin kang tunay at maipakita ko ito sa pag-iwan sa mga pangit sa buhay ko at gawing maging mas malalim ang aking PAKIKIPAG-UGNAYAN sa Iyo, PAGBABAHAGI NG MAARING MAAIBAHAGI para sa Iyo at PAGLAKBAY TUNGO SA KABANALAN.

Amen.