Pasasalamat (December 31, 2019)
7th Day of Chistmas
Sa ating Ebanghelyo, napag-usapan si Juan Bautista. Ito ang ipinangalan sa magiging tagapagpahayag at tagapaghanda sa pagdating ng Panginoon.
Ang Pangalang Juan ay nangangahulugang “ANG DIYOS AY MAPAGPALA.” Ito ay totoo at tayo mismo ang makapagpapatunay nito.
Sa huling araw ng taong 2019, marapat at matuwid na alalahanin natin ang napakaraming biyaya ng Diyos sa atin. Makita natin at mapahalagahan natin ito at gayundin ay MAKAPAGPASALAMAT tayo sa Diyos dahil sa Kanyang kabutihan sa atin. Kasama ng pasasalamat ay ang patuloy na pagdulog sa Kanya ng biyayang kailangan natin na makatutulong sa paglago natin sa ating pananampalataya at pag-unlad sa buhay.
PANGINOON, SALAMAT po sa iyong walang sawang pagpapala.
Amen.

