Saturday of the 17th Week in OT
August 1, 2015
Hango sa karanasan, isa sa mga bagay na hindi madalas matanggap ng maraming tao ay ang mapaalalahanan tungkol sa pagkukulang at pagkakamali. Minsan nagrarason tayo. Kung minsan nagagalit tayo sa nagpapaalala sa atin. Madalas di natin pinapansin…
Ito rin ang narinig natin sa Ebanghelyo sa kwento ni Herodes, narinig niya ngunit hindi niya pinansin…
Manalangin tayo…
Panginoon Jesu-Kristo tulungan po ninyo ako na maging bukas sa mga paalala ng mga tao sa paligid ko lalo na ang kanilang pagtulong upang makita ko ang aking mga pagkukulang at pagkakamali.
Panginoon, tulungan nyo rin po ako na maging mapagkumbaba upang matanggap ko ang aking mga kahinaan ng sa gayon ito ay aking mabago sa tulong ng iyong mahal na grasya.
Amen.
Kanin at Tinapay
18th Sunday in OT
August 2, 2015
“Life is nothing without rice.” This is one of the common joke we share when we were seminarians. Kaya nga kahit konti ang ulam basta marami ang kanin solve na ang maghapon namin.
Noong pumunta ako sa ibang bansa para sa aking mission appeal ito rin ang nakita ko. Bitin ang kain ng maraming pinoy kung walang kanin. Sa isang parokya nga napuntahan ko narinig ko ang isang Italianong pari, ang kuraparoko ng parokya na iyon na nagrereklamo… sabi niya, “whats wrong with you Filipinos… you always eat rice… rice in the morning, lunch and even evening…”
Para sa atin ang kanin ay mahalaga sapagkat para sa atin ito ang makapagpapabusog sa atin at nagbibigay sa atin ng lakas para sa buong maghapon.
Mga kapatid, ito rin sana ang makita natin… kung gaano kahalaga ang kanin sa ating buhay, makita din natin na mahalaga din sa atin ang Eukaristiya na MAHALAGANG-MAHALAGANG bahagi ng ating buhay. Bakit mahalaga? Sapagkat ayon sa ating Pangnioong Jesu-Kristo na ipinahayag sa ating Ebanghelyo, ang tinapay na ito ay mula sa Diyos…Ang tinapay na ito ay siya mismo… Ang tinapay na ito ay nagbibigay buhay na walang hanggan… kaya nga mahalagang manawaan natin na napakahalaga nito sa ating mga buhay.
Sana katulad ng matinding paghahangad natin sa kanin ay hangarin din natin si Jesus at matanggap siya ng mas madalas upang tayo ay mapalakas nito, mapalapit sa Diyos at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Tandaan natin ang sinabi ni Jesus, ang tinapay/pagkaing ito ay si Jesus na nagbibigay ng buhay sa ating lahat.
Sa pagpapatuloy ng ating misa ipanalangin natin na maunawaan natin ang kahalagaan nito upang mas madalas nating hangarin ang pagtanggap kay Jesus sa Sakramento ng Eukaristiya upang magkamit tayo ng lakas, ginhawa at buhay na walang hanggan.
Amen.
Pray
August 3, 2015
One thing Jesus would always do is to pray.
No matter how busy he may be…
No matter what happened…
He always has a time for prayer (he went to a deserted place to pray)…
This is also what Jesus wants us to learn…
He wanted us to always have a time for prayer.
No matter how busy we may be, like him we need to reserve a time for God.
One of my Spiritual Directors told me,
Pray first thing in the morning because the rest of the day for sure you will be pre-occupied with many things.
Tuloy po Jesus
Wednesday of the 18 Week in OT
August 5, 2015
Noong nakaraang buwan, ilang tao ang sinugod sa simbahan sapagkat ang mga ito ay inaalihan ng demonyo o ng masamang espiritu…
Ayon sa panayam sa kanila, sila ay mga taong hindi masyado nagsisimba, nangungumpisal at nangungumunyon. Ito ang isang katotohanan na dapat nating makita… kapag hindi natin tinatanggap ang Diyos sa buhay natin ay tiyak na mananatili tayo sa kawalan at binubuksan natin ang ating sarili sa kapahamakan.
Tandaan natin na ang pamumuhay sa kasalanan ay ang pagtanggap o pagbubukas ng sarili hindi sa Diyos kundi sa masama. Hindi natin pinatutuloy si Jesus bagkos hinahayaan din nating manahan ang masama sa ating buhay.
Tularan natin ang babaeng Cananea na lumapit sa ating Panginoong Jesus. Hingin natin sa kanya ang kagalingang pangkatawan at gayundin kagalingang pangkaluluwa upang ng sa gayon matutunan nating iwasan ang masama at patuluyin si Jesus sa ating mga buhay.
Transfiguration
August 6, 2015
Jesus went up to Mt. Tabor to pray…
He invited three of his disciples to be with him…
He intended to bring them with him for them to have a glimpse of his true identity or for them to know him more.
This is also the same invitation of Jesus to everyone.
He wanted us to spend more time for prayer in order for us to know him more.
This very important because only in knowing him can we believe in him, appreciate him more, follow him and love him more.
Amen.
Friday of the 18th Week in OT
August 7, 2015
Isa sa mga dahilan ng ating mga pagkakasala ay ang sobra pagpapahalaga sa ating sarili. Makikita ito sa sobra nating pagtatanggol, pagcomfort sa ating sarili.
Isang halimbawa ay ang pagsisinungaling… ginagawa natin ito para matakpan ang ating mga sarili mula sa maling pagkilos na ginawa natin.
Sa ating ebanghelyo sinasabi sa atin ni Jesus na sundan natin siya ngunit ang unang-unang requirement nito ay ang i-deny mo ang sarili.
Do not Forget the Lord
Saturday of the 18th Week in OT
August 8, 2015
I remembered a song that says;
“O ang tao kapag walang pera ay naprapraning, hindi alam ang gagawin, tatawag siya sa Diyos. Samba dito, samba doon, O Diyos ko tulungan mo po ako. Ngunit kapag nandyan na ang maraming pera wala na ang Diyos paano nalunod na sa diyos-diyosang pera.”
This song shows us the reality that there are times that we call God only when we need something but when blessed we tend to forget/neglect him.
In the 1st reading, we heard that Moses is reminding the Israelites in advance so that it wont happen to them. He said “take care not to forget the Lord, who brought you out of the Land of Egypt, the place of slavery.”
In the same way, our reading is reminding us that we should not only recognize God in times of need but rather recognize him and all him at all times whether you are in need, happy or in good situation.
Let us pray
Dearest Jesus, I beg you to help us see the reality that all the blessings we receive comes from you. Help me also to remain with you not only in difficult moments but more so in blessed moments.
Amen.
19th Sunday in OT
August 9, 2015
Sa oras ng pagkomunyon, sinasabi ng pari ang mga katagang “ang Katawan ni Kristo.” Ang tamang katugunan dito ay ang salitang “Amen” na nangangahulugan ng pagsang-ayon at gayundin pananampalataya na ang Tinapay na yaon ay tunay na si Jesus. Ngunit nakalulungkot na sa oras ng komunyon ang salitang “amen” ay hindi mabigkas ng maayos ng mga taong nangungumunyon. Ngunit mas matindi bakit kaya marami pa din ang hindi tumatanggap sa kanya. Ano kaya ang dahilan?
a. Nahihiya kaya?
Kung ito ay si Jesus at minamahal mo si Jesus, ikahihiya mo ba siya? Ikinahihiya ba ninyo ang minamahal ninyo?
b. Alam ba niya at naniniwala ba sila?
Marahil ito ang tunay na dahilan kaya magandang linawin nga ito.
Sa ating Ebanghelyo sinabi ni Jesus na siya ang pagkaing na nagmula sa Langit. Sinabi rin niya na siya ang pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan at sinabi rin niya na siya ang tinapay na ito.
Kung babasahin natin ang Mateo 26:26 sinabi ni Jesus sa huling hapunan na siya nga ito. Sinabi niya na tanggapin natin at kainin ang tinapay na ito sapagkat ito ang kanyang laman na nagkakaloob ng buhay.
Sinabi rin ni San Pablo sa kanyang ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto (11:23-24) ang kanyang natutunan at tinanggap, na tunay na ang tinapay na iyon ay si Jesus na dapat alalahanin palagai at tanggapin upang magkaroon ng buhay.
Malinaw na malinaw na ipinapahayag sa atin ng Bibliya na ito ay mula at ipinahayag mismo ni Jesus, marapat lamang na ito ay panmpalatayanan at gayundin tanggapin.
Mahal mo ba si Jesus? Totoo ba ang pagmamahal mo sa kanya? Maipakikita mo ito sa iyong paghahanda ng iyong sarili (kumpisal) upang siya ay matangap. Maipakikita mo ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanya ng may pananampalataya. At maipakikita mo ito sa iyong pag-aasam na siya tanggaping muli.
Manalangin tayo…
Panginoon salamat po sa pagkakaloob mo sa amin ng iyong sarili. Salamat po sa pagkakaloob mo sa amin ng tinapay na nagbibigay ng lakas at buhay. Nawa sa pamamagitan ng mga biyayang ito kami ay patuloy na makasunod sa iyo hanggang sa makamit naming ang buhay na iyong ibinibigay.
Amen.
St. Lawrence the Deacon
August 10, 2015
St. Lawrence is one of the seven Deacons of Rome in the time of Pope Sixtus II. He was martyred in August 10, 258, four days after Pope Sixtus was martyred together with four other Deacons.
During the Valerian persecution, after Pope Sixtus II was killed, the persecutors asked him to surrender the all treasures of the church to them. Instead of surrendering the treasure, he distributed them to the needy. When in front of the persecutor he said that the true treasure of the church is its people… especially the crippled, the blind, and the indigent.
One thing we can learn from him is his high regard to his neighbor because he saw them as his true treasure and the true treasure of the church.
My dear brothers and sisters, we too are called to be like St. Lawrence who has high regard to his neighbor. May we see our neighbors as precious treasures just as St. Lawrence did.
May we imitate St. Lawrence by respecting and loving our neighbors. May we learn to understand and forgive. Let us serve them as we ougth to. On the other hand, itigil na ang panlalamang, chismis/paninira, pananakit, etc.
Let us pray
Lord may we recognize you in our neighbors that we may value them and treat them as we ought to.
May we be like St. Lawrence love them and serve them.
Amen.
Tuesday of the 19th Week in OT
August 11, 2015
Many people think na “pinababayaan sila ng Diyos.” They have this notion because of the many challenges that comes into their lives. Does God leave us? Does he forget us? Is he punishing us?
Brothers and sister, the challenges that we experience in life most often than not are the effects of our wrong decisions and actions and/or the wrong decision and actions of the people around us that affect us but not from God. He loves us so much and all he wants is our wellbeing.
This is what we can see in our 1st reading as Moses bid goodbye to the Israelites before they enter in the Promised Land. He told them that God will bless them and continue to journey with them.
If you are in difficult situations, always remember this saying “GOD NEVER SENDS YOU INTO A SITUATION ALONE. GOD GOES BEFORE YOU. HE STANDS BESIDES YOU. HE WALKS BEHIND YOU. WHATEVER SITUATION YOU HAVE RIGHT NOW, BE CONFIDENT, GOD IS WITH YOU.
Amen.
Maging Gabay at Magpagabay
Wednesday of the 19th Week in OT
August 12, 2015
(Mt. 18:15-20)
Isa mga misyon na inaatang sa atin bilang mga Binyagan ay ang pagtulong sa ating mga kapatid na nangangailangan ng gabay (erring brothers and sisters).
Hindi tayo dapat na magsawalang-kibo kung nagkakamali ang ating kapwa lalo na ang mga taong malapit sa atin.
Hindi rin tama na ipagkalat o ipagsabi kung kani-kanino ang pagkakamali ng ating kapwa (chismis na yan).
Bilang mga binyagan na naatasan ni Jesus na “Ibigin ang Kapwa,” mahalagang gumawa tayo ng paraan upang matulungan sila at ating magabayan. Kailangang matawag ang kanilang pansin ngunit ang pagtulong sa kanila ay dapat gawin sa maayos na pamamaraan. Sabi nga “right way, right time, right place and with the right intention.”
Sa kabilang dako, sana ay maging bukas din naman tayo sa mga paalala ng ating kapwa. Huwag tayong magalit kapag tinawag ang ating pansin bagkos pagnilayan ang kanilang paalala baka nga kasi meron tayong hindi magandang gawi na dapat ayusin na hindi natin makita. Lagi nating alalahanin na hindi tayo perpekto kaya nga sana ay maging mapagkumbaba tayo at matuto rin tayong makinig sa kanilang mga paalala.
Manalangin tayo:
Panginoon turuan mo po akong magkaroon ng mababang-loob upang makinig sa paalala sa aking kapwa. Tulungan po ninyo ako na baguhin ang aking mga pagkakamali. At gayundin katulad ng ninanais ninyo, ako po sana ay makatulong din sa aking kapwa na nangangailangan ng gabay.
Forgive
Thursday of the 19th Week in OT
August 13, 2015
(Mat 18:21-19:1)
Some people do not know how to forgive.
But this is what Jesus is asking from us “FORGIVE.” In the story he said “I cancelled all your debts when you pleaded me. Should you not have dealt mercifully with your fellow servant, as I dwelt with you?” And when he said “forgive not seven times but seventy time seven.”
My dear brothers and sisters, always remember this:
God has been very patient, understanding and forgiving to us. May we also learn to be patient, understanding and forgiving to others.
Yes, to forgive is not an easy task but it is possible. Ask God’s grace and you will be able to do it.
Let us pray,
Lord, teach me to become patient, understanding, and forgiving to our neighbor as you are to me. We ask this through Christ.
Amen.
Word of God
Friday in the 19th Week in OT
August 14, 2015
(Mt. 19:3-12)
One of the disturbing issues that we have is the legalization of the same-sex marriage in US.
Is this moral? Is this in accordance with God’s will/design?
Our reading for today somehow responds to this issue. According to the gospel and I quote “at the beginning the Creator made them male and female and declared, for this reason a man shall leave his father and mother and cling to his wife, and the two shall become as one.” In here, it is clear that Jesus is recognizing the man and the woman as husband and wife and their inseparability when joined into marriage. He is also indirectly telling us that marriage is for man and a woman and said nothing about man clinging with fellow man and woman clinging to a fellow woman.
What is the reason behind the legalization?
This is due to too much emphasis on ones RIGHT, too much emphasis in what the people WANT and others in the OPINION of the many and the DISREGARD of the Will of God or the design of God or what God says so that is very important.
Brothers and sisters, the WORD OF GOD is our guide and help.
Without it we will loose our way. May we never exclude the word of God in our lives but rather may we learn to listen to it, reflect upon it and live it. May the Word of God truly be our guide and help.
Amen.
The Assumption of the Blessed Virgin Mary
August 15, 2015
Today we commemorate the Assumption of the Blessed Virgin Mary. What can we learn from this?
1. The goodness of the Lord
2. The faithfulness of Mary
As we continue our celebration may realize that the calling to us is always to have and faith/believe in the goodness of God and also to become like Mary who followed her Son even until the end and thus was blessed.
Let us pray
Lord God, help me to always recognize your goodness in my life and like Mary help me to always follow you and remain faithful to you our true only God.
Amen.
20th Sunday in OT
August 16, 2015
Our first reading said… “Forsake foolishness; advance in the way of understanding…”
The second reading is telling us “do not continue in ignorance, but try to discern the will of the Lord.”
To overcome foolishness and have understanding…
To overcome ignorance and be able to discern the will of God,
we need;
to study that we may know and understand…
to read the bible where the Word of God is written.
to read books on catechisms and listen to catechesis as our guide.
In reality, we spend a lot of time reading pocketbooks…
We spend a lot of time playing…
We spend a lot of time browsing our facebook, Viber, Tnaggo accounts…
We spend a lot of time hanging with friends…
We spend a lot of time watching television…
We spend a lot of time working… etc.
But how about studying our faith…
Do you have time to read the Bible?
Do you have time to reflect upon the Word of God?
Do you spend time to read books on catechism?
Do you have time to understand them?
Do you have time to listen to catechesis?
Do you have time to go to mass?
Brothers and sisters, the readings for today are inviting us to overcome foolishness and ignorance. May we learn to allot time for studying, reading the bible, listening and praying
Amen.
Baals
Monday of the 20th Week in OT
August 17, 2015
(Judges 2:11-19/Mt. 19:16-22)
In the 1st reading we heard that the Israelites have many baals or false gods. These hinder them from following Yahweh and remaining faithful to him…
Today we also have many baals/many false gods that hinders us from responding to him every day. What are these false gods that hinders us from responding to his call?
• Money/Career – we tend to work hard, spend all our energy to be promoted and to earn more but sacrifice everything including the time for God…
• Gadgets – We spend time in front of our gadgets playing games such as candy crush, clash of clans and others but sacrifice the time for prayer, reading the bible and books of catechism etc…
• Internet – we spend time browsing the internet, facebook, viber but sacrice our time to do our duties…
Etc…
Let us pray
Dearest Lord, teach me and guide me so that I may be able to respond to your will everyday. Do not let me be enslaved by these idols/false gods, we ask you through Christ our Lord…
Amen.
Gideon
Tuesday of the 20th Week in OT
August 18, 2015
(Judges 6:11-24/Matthew 19:23-30)
Marami tayong hinahangaan at inspirasyon sa ating buhay, ngayong araw na ito hayaan nating si Gideon an hangaan at maging inspirasyon natin.
What can we learn from Gideon?
There are 3 things we can learn and imitate from Gideon:
1. His humility… he accepted who he is and the social situation of his family saying that his family is the meanest in Manasseh.
2. His Faith and trust in God… He believed in what God said through the angel and entrust himself to Him.
3. His service… He allowed himself to become God’s instrument to bring the good news and to save God’s people.
May we learn from Gideon and may we imitate his humility, faith and trust and also his service for the greater Glory of God
Amen.
Wednesday of the 20th Week in OT
August 19, 2015
(Judges 9:6-15/Matthew 20:1;16)
Two important things we can learn from our gospel for today is:
1. Our GOD is a generous God…
2. We have to look at and count the blessings we received and be thankful to it and not to look and count the blessing of our neighbors; otherwise we will/might end up envying them.
Let us Pray
Lord Thank you for the many blessings you have given to us and the many blessing that you will surely bestow upon us. We ask this
Thursday of the 20th Week in OT
August 20, 2015
Isa sa mga organisasyon na kung saan ako ay nakabilang ay ang Boy Scout of the Philippines. Isa sa mga bagay na magpasahanggang ngayon na kapaki-pakinabang sa akin ay ang kasabihan o motto nitong “Laging Handa.”
Ito ay totoo sa ating buhay kaya nga mahalagang
mag-aral ng mabuti para sa malawak na kaalaman namakatutulong sa maayos na hinharap.
maghanap ng maayos na trabaho at mag-ipon para sa pamilya. Etc…
Ang paghahanda ay mahalaga para sa ating maayos na hinaharap.
Totoo din ito sa ating pananampalataya na hindi naman hiwalay sa ating pangaraw araw-na buhay.
Kung gusto mo ng maayos na buhay, maginhawang kalagayan ng pamilya, may makahulugang buhay at buhay na walang hanggan… mhalagang magdasal, magsimba, magnilay sa salita ng Diyos, isabuhay ang mga aral mula sa salita ng Diyos, tumanggap ng mga sakramento lalo na ng sakramento ng Pagbabalik loob at Eukaristiya, etc. Sa ganitong paraan maihahanda mo ang isang maayos na buhay dito at sa kabila.
Nawa matuto tayo sa panawagan ng Ebanghelyo na maging laging Handa.
Amen.
Word of Life
21st Sunday in OT
August 23, 2015
One of the messages that stuck me most is the response of the Peter. “You have the Words of Eternal Life”
Two days ago I was invited to facilitated a recollection in Antipolo. One of the points that we discussed there was the WORD of GOD. In this recollection I allowed them to share about what they know on the Word of God what are their experiences with it. They had a beautiful sharing actually and I was really touched with the many stories they had. I said to myself, indeed the WORD is truly alive. Indeed God is speaking on these WORDS we read and heard because speaks to us.
But not all have experiences like them. Some of them and indeed many of the Catholics for sure do not really know the Word of God or do not have concrete eperience with it. For some reading the Bible is boring. Ang iba pa nga ginagawang sleeping pills ang Bible.
One of the books I saw was the book “Rediscover Catholicism” by Matthew Kelly.
According to him, for us to benefit in the WOG, we, the readers should pay attention to the following:
– STORIES
– QUESTIONS
– PRAYERS
1. STORIES – to get involved…not merely an observer… allow the words to penertrate our hearts. He added that every single character put in the bible is there to serve us. They provide this invaluable service by acting as mirrors. Stories in the bible are stories of hundreds of men and women and their struggles to walk with God, to make the journey of the soul, to surrender and allow God to save them. Its speaks of the people who draw near to God only to abandon his ways; then from the anguish of the brokenness and emptiness of sin, they once again draw near to God and return to his ways.
Stories have a very powerful impact on our lives… it can conquer the hearts, heal, reform. It could be our light and darkness
2. QUESTIONS: questions are an integral part of the Spiritual journey. The temptation is to despise questions and the uncertainty it represents. But uncertainty is a spiritual gift designed to help us grow… learn to love the questions. The questions are life.
The Bible is full of questions. Every person we experience in the SS is asking questions, explicitly or implicitly, of life, of God, of themselves… as you pass by the books, be mindful of the questions being asked.
3. PRAYERS: when confused and troubled, weary or distracted and finding it difficult to concentrate during prayers, use the prayers in the SS. Use the psalm. The Bible is the richest treasury of prayers.
As we continue the mass let us ask God to help us appreciate the Bible that contains the WOG. Let us ask him to inspire us to read it more and be able to see his Words in our lives thru the stories, questions and prayers found in it.
Bar Tolmai
Monday of the 21st Week in OT
August 24, 2015
Today we celebrate the feast of Nathanael also known as Bartholomew.
Why/How come he was called Bartholomew if his name is Nathanael?
Bartholomew in its original language is Bar Tolmai.
He is Nathanael Bar Tolmai or Nathanael son of Tolmai.
This means that Nathanael is the Son of Tolmai.
What can we learn from him?
There are 2 things that we could learn from him:
1. Jesus saw him under the fig tree. The fig tree for the Jews stood for Prayers and Meditation. It means that Bartholomew is a man of prayer.
2. His confession of faith and acceptance of Jesus in his life. “You are the Son of God, you are the King of Israel.” When he met Jesus he began to believe and confess that indeed he is the Son of God. After accepting Jesus in his life he followed him and offer his life to his service.
Brothers and sisters let us ask the Lord to inspire us that we too like Bar Tolmai may become prayerful and meditative. That like him, we too may know who Jesus is and confess our faith to him. And like him, we too may follow him and serve him.
Amen.
Tuesday of the 21st Week in OT
August 25, 2015
The Gospel said, “Never neglect the weightier matters of the Law… Justice, Mercy and Good Faith.” At first it seems that Jesus is calling the attention of the Pharisees and Scribes but looking and reflecting upon it we can see and realize that he is actually reminding all of us…
Priests…
Leaders in the Government…
Bosses…
Parents…
Older brothers and sister…
Definitely all of us are called to promote justice, called to be merciful and called to always speak and act in good faith especially in dealing with our neighbors.
As we continue our celebration, we ask the intercession of St. Louis of France who is a just and holy King and who according to testimony who live a life of prayer and service most especially to the poor and needy, that like him we may be able to respond to what Jesus is asking in our gospel for today.
Amen.
Wednesday of the 21st Week in OT
August 26, 2015
While reading the gospel, all I can say was ooouuuccchhhh… ang sakit.
Why? Because it made me see the bad side of me.
But when I started reflecting, I also realized that it is good din pala to see my bad side so that I may be able to change it.
Tama naman, the first step towards repentance according to St. John Chrysostom is to see the sins, to admit and to repent.
I believe this is one of the invitations to us by Jesus in our gospel for today.
He is inviting us to look at ourselves and see our bad side and after seeing it do something about it.
While doing so, stop rationalizing, stop looking at others otherwise you will just make them as your escape goat or excuse that will prevent you from seeing yourselves erring or admitting that you are erring.
Let us pray…
Dearest Lord, help me see my bad side…
Give me humility so that I may be able to admit my sins…
And also give me enough grace, so that I may be able change them and live what is according to your will.
We ask this through Christ.
Amen.
Pagmamahal o Takot
Thursday of the 21st Week in OT
August 26, 2015
(1 Thes 3:7-13/Mt. 24:42-51)
Marami ang natatakot sa impiyerno sapagkat ito ay pang-habambuhay na sakit dahil sa pagkahiwalay sa Diyos. Kadalasan ito ay inihahalintulad sa naglalagablab na apoy na siyang magpapahirap sa mga makakasalanan.
Ang tungkol dito ay lalong nabigyang pansin ng ating Ebanghelyo ng banggitin nito ang mga sumusunod na mga kataga:
“Buong higpit na paparusahan ng Panginoon…
Doo’y tatangis siya at mangangalit ang kanyang ngipin.”
Ngunit sa kabila ng paalalang ito, sana’y hindi lamang tayo lumapit sa Diyos at kumilos nang mabuti dahil sa takot. Bagkos dahil sa ating PAGMAMAHAL SA DIYOS.
Manalangin tayo
Panginoon, gabayan mo po ako sa aking paglalakbay…
Tanggalin mo po ang takot sa aking puso bagkos turuan nyo po akong ibigin ka ng taos…
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon.
Amen.
Negligence
Friday of the 21st Week in OT
August 28, 2015
(1 Thessalonians 4:1-8/Mt. 25:1-13)
Many of the Catholics neglect their obligation to know their faith.
This is the very reason why there are many cases of conversion from Catholicism to other sects/religion.
There’s nothing wrong with the Catholic religion actually, we just don’t spend enough time to understand it.
Our gospel for today is telling us that negligence, just as what the 5 virgins experienced could cause a lot. In the gospel they failed to enter the wedding banquet after waiting for it for a long time. Our negligence could cause us a lot too, nasa tamang relehiyon ka na tapos ihihiwalay mo pa sarili mo dito dahil sa hindi ito inuunawa at nakumbinsi ng iba sa kanilang paniniwala.
Today we remember St. Augustine. One of the things that we can learn from him is his effort to really seek God by understanding his faith.
May we imitate St. Augustine who spent time and effort to understand his faith.
St. Augustine of Hippo… Pray for Us
Amen.
Saturday of the 21st Week in OT
August 29, 2015
One of the things that we learned in the seminary is Fraternal Correction. Fraternal correction in simple words is reminding/correcting an erring brother in a brotherly way or in a prudent way.
This is also one of the things we can see in our gospel for today. Like St. John the Baptist we must allow God to make us his instruments to help our erring brothers and sisters. But in doing so, may we be reminded to be more prudent, that is doing it in the right time, right place and right way. In our case, if we are being corrected we have to pause for a while and try to examine ourselves and not to react. We should not be offended rather be thankful because these people are God’s instrument to help us.
Let us ask God to give us his gift of knowledge, courage and prudence that we may be able to help our erring brothers and sisters.
Let us thank God for sending us people who guide us and help us.
St. John the Baptist…
Pray for us
Amen.
22nd Sunday in OT
August 30, 2015
A friend of mine came and asked me, Fr. O, pls pray for me naman.
My immediate reaction was to ask… Bakit? Ano nangyayari sa iyo?
Then he told me, pagdasal mo naman ako kse makasalanan na talaga akong mabuti… gusto ko na nga talagang magbago kaya lang hindi nangyayari kse naman napakadaming tukso sa paligid.
And then told him, pare, remember this, temptation will always be there…But remember this, temptation is not the one that makes a person sinner but rather the choice… the choice to give in to the temptation.
Kaya nga tama yung sinabi ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na hindi ang galing sa labas ang makapagpapadumi sa atin bagkos iyong nasasaloob natin. “From within people, from their hearts come evil thought, etc… all these evil come from within and they defile.” Therefore temptation do not make us sinners or unclean but the desire of our hearts. Kaya nga dapat bantayan natin ang hinahangad ng ating mga puso. Madali kasing sabihin na mahal ang Diyos but the question is, siya ba talaga ang hinahangad ng ating puso… baka sa salita lamang ito.
That is why as we continue our celebration, let us ask God to help us and guide us.
Let us ask him to purify the desires of our hearts.
Let us ask him to mold our hearts unto his heart.
Amen.
Favorite Sin
Monday of the 22nd Week in OT
August 31, 2015
(1 Thessalonians. 4:13-18/Luke 4:16-30)
We have this what we call favorite sin/s.
This is/are the sin/s wherein we usually fall.
This is/are the sin/s that we confess over and over again.
If you happen to find yourselves in this situation, remember this… you are the sin/s’ slaves… if you try to look at it whether you like it or not, whether you accept it or not, this/these sin/s enslaves or own you. But fear not. You can free yourself/yourselves from this situation. Remember these things;
1. Firm decision to change.
2. Identify the sin. Know the situations wherein you are being triggered to commit the sin. Avoid these situations or persons.
3. In the gospel Jesus mentioned his mission through the a passage according to Isaiah. One of these missions is to “liberate the captives.” So Believe in Jesus. Entrust yourselves to him. Ask his help that he may free you from the enslavement of this sin that destroys you.
Let us pray
Lord we accept that we are weak that is why we usually fall into sin.
Strengthen us with your grace and with your power release us from anything or anyone that enslaves us.
Amen.
Wednesday of the 22nd Week in OT
September 2, 2015
Si Jesus ay mabilis na nakilala sa maraming lugar dahil sa kanyang pang-gagamot…
Dahil dito, lumalapit sa kanya ang mga tao lalo na ang mga maysakit…
Ngunit, kung pupunain natin at magtatanong tayo, bakit nga kaya pagkatapos ng pagpapagaling niya sa mga tao ay hinahabol-habol pa din siya nito?
Marahil nakita nila, naramdaman nila at natuklasan nila na si Jesus ay hindi lamang basta manggagamot. Kaya nga sa Ebanghelyo ngayon, siya ay hinanap nila at ng matagpuan ay pilit nilang pinatitigil sa kanilang bayan upang makapiling siya.
Ito din sana ang makita nating lahat. Nawa makilala natin si Jesus hindi lamang bilang HINGIAN ng mga pangangailangan bagkos bilang tunay na DIYOS na dapat nating MAHALIN AT SUNDIN sa araw araw ng ating buhay.
Manalangin tayo
Panginoon tulungan mo po kami na makilala ka namin ng lubos upang mas lumalim pa ang pananampalataya namin at pagsunod sa iyo.
Amen.
Be Fishers of Men
Thursday of the 22nd Week in OT
September 3, 2015
(Colossians 1:9-14/Luke 5:1-11)
I will make you “Fishers of Men.”
This is one of Jesus’ invitation not only to the disciples but also to all of us. Whether you are student, a parent, a priest or not, single or married, you are called to become Jesus’ instrument to bring people back to God.
Can you be one?
Can you be one of God’s instruments?
Be one of us now and begin in your homes.
Let us pray…
Lord our God, without you we can do nothing.
We ask you dear Lord to give us the enough to faith and courage to be one of your instrument.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.
Friday of the 22nd Week in OT
September 4, 2015
Isa sa mga katrabaho ko sa isang proyekto ang kinatutuwaan ko…
Kapag tinitingnan ko siya ay nakaka-inspire siya.
Kapag tiningnan ko siya, iniisip ko na tila ba wala siyang problema.
Noong namatay siya, tinungo ko ang kanilang tahanan upang makiramay.
Doon nakita ko napakapayak na pamumuhay niya.
Sa mga kwentuhan narinig ko ang mga pinagdaraanan niya.
Nasabi ko sa sarili ko… “hindi naman pala ganoon smooth ang kanyang buhay, marami pala siyang pinagdadaanan ngunit bakit ganoon, mararamdaman mo sa kanya ang katiwasayan, ang kapayapaan at pag-asa.”
Pagkatapos ng misa para sa kanyang libing, napakwento ako sa mga pari na kasama niya sa parokya at doon nabanggit nila kung paanong ibinibigay niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Diyos. At bigla kong nasabi sa aking sarili, “iyon pala ang dahilan ng kakaibang aura niya… ang pagtanggap niya kay Jesus at paglilingkod niya sa kanya.”
Ito din naman ang sinasabi ni Jesus sa ebanghelyo… nagkakainan ang mga disipulo ni Jesus at umiinom, sa madaling salita nagdiriwang sila dahil sa Kanya (ang kakasaling lalaki). Ito naman talaga ang katotohanan… “ang dulot ng presensya ng Diyos sa isang tao ay katiwasayan, ang kapayapaan at ang pag-asa.
Mga kapatid nawa ay tanggapin din natin si Jesus sa ating mga buhay. Hingiin natin sa kanya na pagkalooban nga niya tayo ng kanyang biyaya tulad ng katiwasayan, kapayapaan at pag-asa lalo na sa panahon ng pagsubok…
Amen.
23rd Sunday in OT
September 6, 2015
Maging Dukha
Sa ikalawang pagbasa, binigyan diin dito ang sitwasyon ng mga dukha. Hayaan ninyong sa mga dukha umikot ang pagninilay na ito.
Sa loob ng isang taon inalala at binigyan diin ang mga maralita o dukha sa buong mundo. Tinawag natin ang taon na ito bilang “year of the POOR.” Ito ay isinaginawa upang maging aware tayong lahat na maraming tao ang nangangailangan at gayon din maipaunawa sa bawat isa na mayroon tayong magagawa para sa kanila. Maliit man o malaki ang mahalaga ay may magawa tayo para makatulong.
Ang taon ng dukha ay hindi lang naman para sa kanila, bagkos para din sa atin. Kung pagninilayan natin ng mabuti, sila ay nag-papaalala sa atin. Ipinaaalala nila sa atin ang espiritwalidad na dapat mayroon tayo o ang tamang disposisyon natin patungo sa Diyos… at iyon ay ang maging mga dukha… “na nangangailangan tayo.”
Isang pari ang kausap ko at nagsabi. Isa sa mga nakakatakot na sitwasyon ay ang matagpuan natin ang ating sarili na supisyente na. Iyong hindi na nangangailangan pa o hindi na natin kailangan ang ibang tao o ang Diyos. Sabi niya, dapat nating makita ang ating mga sarili bilang mga dukha… nangangailang lalong lalo na ng biyaya ng Diyos.
Mga kapatid, hingiin natin sa Diyos ang biyaya ng kapakumbabaan upang matanggap natin ang ating karukhaan sa harap niya at matuto tayong patuloy na dumulog sa kanya.
Amen.
23rd Sunday in OT
September 6, 2015
Maging Dukha
Sa ikalawang pagbasa, binigyan diin dito ang sitwasyon ng mga dukha. Hayaan ninyong sa mga dukha umikot ang pagninilay na ito.
Sa loob ng isang taon inalala at binigyan diin ang mga maralita o dukha sa buong mundo. Tinawag natin ang taon na ito bilang “year of the POOR.” Ito ay isinaginawa upang maging aware tayong lahat na maraming tao ang nangangailangan at gayon din maipaunawa sa bawat isa na mayroon tayong magagawa para sa kanila. Maliit man o malaki ang mahalaga ay may magawa tayo para makatulong.
Ang taon ng dukha ay hindi lang naman para sa kanila, bagkos para din sa atin. Kung pagninilayan natin ng mabuti, sila ay nag-papaalala sa atin. Ipinaaalala nila sa atin ang espiritwalidad na dapat mayroon tayo o ang tamang disposisyon natin patungo sa Diyos… at iyon ay ang maging mga dukha… “na nangangailangan tayo.”
Isang pari ang kausap ko at nagsabi. Isa sa mga nakakatakot na sitwasyon ay ang matagpuan natin ang ating sarili na supisyente na. Iyong hindi na nangangailangan pa o hindi na natin kailangan ang ibang tao o ang Diyos. Sabi niya, dapat nating makita ang ating mga sarili bilang mga dukha… nangangailang lalong lalo na ng biyaya ng Diyos.
Mga kapatid, hingiin natin sa Diyos ang biyaya ng kapakumbabaan upang matanggap natin ang ating karukhaan sa harap niya at matuto tayong patuloy na dumulog sa kanya.
Amen.
Monday of the 23rd Week in OT
September 7, 2015
Isang hapon kasama ko ang ilan sa mga kaibigan ko, habang kami’y nagkakatuwaan sa tabi ng kalsada, isang matandang babae ang napasigaw sapagkat napunit ang plastic na dala niya na may lamang bigas. Nang makita namin ito mula sa aming kinalalagyan, ang nasabi na lang naming ay “kawawa naman ang ale” ngunit wala kami ginawa. Mula sa karatig naming grupo ay biglang tumayo ang isang kaibigan at agad itong naghanap ng plastic, tumakbo sa matanda at tinulungan siya.
Dalawang bagay mula sa pangyayaring ito…
Una, naroon ang pakiramdam na nahihiya ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa kahit na alam kong kaya ko namang makatulong.
Ikalawa, tila ba sinasabi ng sitwasyon na iyon na ang paggawa ng mabuti ay walang pinipiling oras. Na kapag nariyan na at may kakayanan kang tumulong ay dapat gawin ito.
Sinasabi ko ito sapagkat ito ang makikita natin sa Ebanghelyo. Ipinakita ni Jesus sa mga pariseo na hindi dapat maging hadlang sa paggawa ng mabuti ang Sabat bagkos sinasabi ni Jesus na gumawa ng mabuti palagi sapagkat ito ang nararapat at kalugod lugod sa paningin ng Diyos.
Manalangin tayo…
Panginoon turuan mo po akong maging matulungin.
Tulungan mo po akong ibahagi ang mga biyayang aking natanggap mula sa iyo.
Amen.
Mama Mary
Feast of the Birth of Blessed Virgin Mary
September 8, 2015
My mom told me… “alam nyo ba kapag nangangailangan tayo…kapag kinakapos tayo…kapag dumadaan tayo sa pagsubok wala akong ibang dinidulugan kundi si Mama Mary at laging dumarating ang tulong…”
We tend to call her INA or Mama Mary because we know she is truly a mother for us. More than any other mothers, she does everything to help us through her prayers. She does everything so that God may grant us the graces that we need. And She does everything to protect us by her maternal protection.
Today as we remember her birthday, let us thank God for giving us Mama Mary to be our own INA/Mother. Let us also thank Mama Mary for helping us with her prayers and protecting us from harm through her maternal protection.
Amen.
Mapalad
Wednesday of the 23rd Week in OT
September 9, 2015
(Col 3:1-11/Luke 6:20-26)
Mga kapatid, isang katotohanan na ipinaaalaala sa atin ng ating ebanghelyo ngayon at hindi dapat kalilimutan ay ang katotohanang tayo ay MAPALAD.
Mapalad tayo sapagkat may pamilya tayo.
Mapalad tayo sapagkat may mga kaibigan tayo.
Mapalad tayo sapagkat may pagkain tayo sa ating hapagkainan.
Mapalad tayo sapagkat tuwing umaga bumabangon pa din tayo.
Mapalad tayo sapagkat gaano man tayo kasama tayo ay patuloy na binibiyayayaan.
Ngunit higit sa lahat mapalad tayo sapagkat may Diyos tayong nagmamahal.
Mapalad tayo sapagkat nariyan siya, hindi tayo pinababayaan at sinasamahan tayo sa oras ng pagsubok.
Manalangin tayo
Panginoon salamat po sa napakaraming biyaya na iyong ipinagkaloob. Tulungan nyo po na mapakinabangan naming ito ng lubos. Paumanhin po sa mga pagkakataong hindi namin ito napapansin at hindi kmi nakapagpapasalamat.
Panginoon ipagpatuloy nyo po ang pagkakaloob ng iyong piling-piling mga kaloob para sa aming ikabubuti.
Amen.
Friday of the 23rd Week in OT
September 11, 2015
Nakiisa ako sa isang konsyerto na ginanap sa bayan ng Daet.
Isa sa napansin ko ay ang kagalakan ng napakaraming tao na nakiisa dito.
Isa sa hindi ko makalimutang karanasan dito ay ang malakas na hiyaw ng mga tao lalo na nga mga kabataan kapag sumisigaw ang mang-aawit na bista ng “I love You Daet… I love you very much.” Sa totoo lang tumayo ang balahibo sa lakas ng hiyawan sa kagalakan ng mga tao.
Ito ang itinatanong ko sa sarili ko habang papauwi ako sa kalagitnaan ng konsiyerto. Ano kaya ang dating sa mga tao kapag nababasa ang mga kataga sa Bibliya o kaya naman ipinapahayag ang mga salitang “I love you,” “Pinatatawad kita mula sa kasalanan” at marami pang magagandang pananalita sa sinabi ni Jesus. May dating din nga ba ito o may impak din nga ba ito sa ating mga tao? Sumisigaw rin ba sa tuwa ang ating mga puso at napapasigaw tayo sa kagalakan ng mga katagang ito?
Mga kapatid sinasabi ko ito sapagkat ito ang makikita sa unang pagbasa. Inaalala ni San Pablo noong siya ay pinahayagan ni Jesus ng pag-ibig at pagpapatawad? Ipinapahayag din niya na ito ay nagkaroon ng napakalaking impak sa kanya. Ito ang siyang naging dahilan ng kanyang paglilingkod niya sa Diyos. Sana katulad ni San Pablo tayo rin ay maapektuhan ng mga mga pahayag ni Jesus at ito rin sana ang tumulak sa atin na paglingkuran ng higit ang Diyos.
Wala namang masama na matuwa sa sinasabi ng tao at ikatuwa ito, tanda ito ng pagpapahalaga sa kanila… ngunit sana higit sa mga salita ng tao, mapahalagahan natin ang mga Salita ng Diyos at magkaroon ito ng malaking impak sa mga buhay natin.
Amen.
24th Sunday in OT
September 13, 2015
Lahat naman tayo ay nanunuod ng telebisyon.
Kung titingnan nati maraming kumpanya at mga produkto ang tumatawag sa atin at umaanyaya upang pagkatiwalaan natin sila upang maging maayos ang buhay o ang ating hinaharap.
Sabi nila…
Banco de Oro (BDO) – “We find ways.”
GMA Channel 7 Network – “Kapuso ng Bawat Pilipino“
Meralco – “May liwanag ang buhay.”
Metrobank – “You’re in good hands.”
ABS-CBN Network – “In the Service of the Filipino”, “Kapamilya”
Metrobank – “You’re in good hands.”
I could say wala namang masama na tangilikin sila. But always remember that these companies can only give and serve/help us as much. Limited ang kanilang maitutulong at maibibigay sa atin… Kung maghahanap tayo ng tunay na magbibigay ng maayos na buhay at at katiyan sa buhay tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay nito sa atin kasama ng ating sipag at tiyaga. Siya ang tanging maasahan.
Sinabi ko ito sapagkat ito ang mga katotohanan na dapat nating malaman…
na si Jesus ay tunay at tanging maasahan natin…
na sa kanya tayo ay kapuso at kapamilya…
na sa kanya tayo ay nasa mabuting kamay…
na sa kanya magagawan ng paraan ang lahat dahil sa siya ang ating Diyos…
at sabi nga malalaman lamang natin ito kung lubos nating kikilalanin si Jesus. Makikita natin na ito sa ating ebanghelyo… nais talaga ni Jesus na kilalanin siya ng lahat kaya nga itinanong niya ang tanong na sino siya para sa kanila… upang makilala siya at matutong magtiwala at ipagkatiwala ang sarili sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng misa, idalangin natin sa kanya na tulungan niya tayo na makilala siya ng sa mas lalo pa tayong mapalapit sa kanya.
Amen.
Feast of the Exaltation of the Cross
September 14, 2015
One of my professors told us that the easiest way to explain the mystery of the cross is to make use of its horizontal and vertical line.
The vertical line can be understood as the coming of Jesus from heaven to earth. “Ang pagdating niya mula sa itaas pababa sa mundo.” This is to re-establish the communion between God and man broken because of sin.
The horizontal line could be understood as the act of opening of Jesus’ arms to embrace and to save everyone. This is God’s manifestation of love… the Father gave us his only son because of his love and the Son gave up his very life by stretching his arms on the cross to save everyone.
Reflecting on this mystery, I realized that this is also the calling to each and every one of us. We are also called to become God’s instrument to lead our erring brothers back to God by guiding them…we are called to become his vertical line for others. Then again we are also called to become his horizontal line by welcoming our brothers and sisters and by caring for them especially those who are poor and in need. May we remind them of God’s embrace and love by our care for them.
Let us pray
Lord make me like you.
Make me and use me as your instrument of love and reconciliation.
Amen.
Our Lady of Sorrows
September 15, 2015
Mary was called the Our Lady of Sorrows because of the events of sorrows in her life. The most sorrowful event that happened to her is the death of Jesus and his burial.
Today, we continue to recognize her as the Lady of Sorrows but her sorrow is not because of Jesus anymore but because of us. Remember she is our mother. We heard in our gospel for today that Jesus gave his mother to his disciples and to us to be our true mother. And we know mothers; they suffer seeing their children suffering. Just as mothers suffer, Mary also suffers seeing us suffering and loosing our way that is why we can see, base from the testimony of the many, that her intercession is really there and true. She continuously intercedes for us to God so that we may receive the grace we need to live a better life.
Let us pray,
Dearest Mary,
Stay with us and always be with us in this journey through your prayers for us so that we may be able to have a better journey in this world.
Amen.
Reklamo (late post)
Wednesday of the 24th Week in OT
September 16, 2015
(Luke 7:31-35)
Marami sa atin ang reklamador.
Kung papansinin natin ito ang isa sa mga sakit natin.
Reklamo dito, reklamo doon.
Marami akong mga taong nakilalang reklamador at marami sa kanila ang hindi umasenso dahil kadalasan puro sila reklamo. Reklamo sa pag-aaral, sa trabaho at sa mga tao sa paligid nila.
Ganito rin ang mapapansin natin sa sinasabi ni Jesus, ipinadala si Juan sinabihang inaalihan ng masamang espiritu sapagkat hindi kumakain ng tinapay maging uminom. Sa pagdating naman niya nagrereklamo sila na siya ay matakaw at manginginom… muli wala na namang mapuntahan. Paano matatanggap ang biyaya kung puro tayo reklamo.
Sa misa, ipanalangin hingin natin sa Diyos na dahan-dahan nating mabago sa atin ang pagiging reklamador bagkos matuto tayong tanggapin ang sitwasyon na kung saan tayo naroroon at magsikap na kumilos kasama ang katotohanang kasama natin at Diyos at hindi niya tayo pababayaan. Sa tulong ng Diyos ang lahat makakayanan.
Kapag tayo ay tumigil sa karereklamo sa Diyos at matutong umasa sa kanya, tiyak dadaloy ang biyaya na kanyang kaloob. Sabi nga kahit sa pinakamahirap at pangit na karanasan ay may biyaya. Maging bukas ka lamang.
Amen.
Best Offering
Wednesday of the 24th Week in OT
September 17, 2015
(Luke 7:36-50)
A jar of perfume is expensive at the time of Jesus, but the woman though expensive brought it to Jesus as his offering to him.
What can we offer to him? What can we give to him?
Let us pray
Jesus, help me to imitate the woman who approached you and offered to you what she has as her expression of his love for you? May I too offer to you the best offering I can give as my expression of love for you.
Amen.
Good News ka ba? (late post)
Friday of the 24th Week in OT
September 18, 2015
(Luke 8: 1-3)
Bilang isang tao, dumarating ang mga pagkakataon na maiinis ako sa ilang tao. Kapag dumarating sila, bagamat wala naman silang ginagawa masama, nababadtrip na ako agad. Naniniwala ako na marami sa atin ang may ganitong mga karanasan din.
But instead of dwelling on them, I would usually ask myself this question… “ako kaya, kapag dumarating ako, natutuwa kaya sila o hindi? Inspired ba sila o hindi? Mabuting Balita ba ako sa kanila o hindi.
Nababanggit ko ito sapagkat sa ating ebanghelyo makikita natin si Jesus na sinusundan-sundan ng maraming tao at nakikinig sila sa kanya kapag siya ay dumarating… Mabuting Balita kasi siya sa kanila at natutuwa at naiinspire sila sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng ating pagninilay, hingiin din natin sa ating Panginoon na si Jesus na tulungan niya tayo na magbago at sundin lagi ang kalooban ng AMA ng sa gayun, tayong lahat, katulad ni Jesus ay maging Mabuting Balita din sa ating mga kapwa at maging dahilan din ng kaligayahan at inspoirasyon ating mga kapwa.
Amen.
Jesus is Teaching (late post)
Saturday of the 24th Week in OT
September 19, 2015
(Luke 8:4-15)
We heard from the gospel today that Jesus is teaching the people around him.
Reflecting on this thought, we can see that even until today, Jesus kept on teaching us. When he returned to his Father, he did not stop teaching us but rather sent someone to continue what he has began.
He continuously teach us through the church…
He continuously teach us through our parents…
He continuously teach us through our neighbors…
The only question is this: Do we allow his words to affect or lead us?
As we continue our mass, let us ask God to bless us with open minds and hearts and allow God to lead us towards Him.
Amen.
Feast of Our Lady of Penafrancia
September 20, 2015
Marami ang bumabatikos tungkol sa ating pagkilala kay Ina, ang Birhen ng Penafrancia. Makikita kasi na ang Bicol ay nagagalak kasama ng marami pang mga deboto nito.
Marapat ba na tayo ay magalak at kilalanin ang ating Inang si Maria? Kung pinakinggan nating mabuti ang ating Ebanghelyo makikita natin ang kasagutan sa katanungang ito. Sa Bibliya mismo, sa ating Ebanghelyo ngayon kinilala si Jesus bilang babaeng bukod na pinagpala… kinilala siya bilang Ina ng Panginoon. Ang mga unang taong kumilala kay Ina? Una ay ang kanyang pinsan na si Elisabeth na kung saan nagalak at kinilala siya bilang Ina ng Diyos noong siya ay bisitahin niya. Ikalawa ay ang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang pinsan na si Juan Bautista na lumukso sa tuwa ng marinig ang kanyang tinig.
Sa dalawang ito makikita natin na marapat na ikatuwa/ikaligaya ang presensya ni Ina sa ating mga buhay bilang mga mananampalataya ng Diyos.
Ngunit bukod dito dapat ikatuwa ang Inang Maria, at kilalanin sapagkat patuloy niya tayong inilalapit sa Diyos. Narinig din natin sa Ebanghelyo ang kanyang awit ng papuri niya sa Diyos na kung saan ipinahahayag sa atin na dakila ang Diyos at ang lahat ng pagpapala ay nagmumula sa kanya. Ipinakikilala sa atin ni Ina kung sino ang Diyos ayon sa kanyang karanasan upang ng sa gayon ay makilala natin siya at katulad niya matutong ibigay ang sarili sa paglilingkod sa kanya…
Sa pagpapatuloy ng Misa, pasalamatan natin ang Diyos sa pagkakaloob sa atin ng Ina na siyang patuloy na kumakalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagdarasal para sa atin at gayundin naman, hingin natin sa Diyos na tulungan niya tayo na katulad ni Ina, makita ang mabubuting bagay na ibinigay ng Diyos sa atin ng sa gayon mapapurihan at mapasalamatan natin siya…
Amen.
Feast of St. Matthew the Apostle
September 21, 2015
Weeks ago, isang college student lumapit at nag-abot ng isang sulat sa akin. Pagkatapos niya ito inabot ay umalis na agad siya ng walang ibang sinabi kundi salamat po.
Binasa ko ang sulat niya… ikinuwento niya ang iba’t ibang pangyayari sa buhay niya. Sinabi niya sa sulat na sa pakiramdam niya siya ay isang lubhang makasalanang tao. Sabi niya nalilito siya kung ano ang dapat niyang gawin. Sabi niya hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
Isang nakapakalaking panghihinayang nga lamang sapagkat hindi na siya bumalik pagkatapos, hindi ko man lang sa kanya nabanggit na lumapit siya sa Diyos. Hindi ko man lang naipaliwanag ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa pag-ibig ng Diyos para sa ating mga makakasalanan.
Mga kapatid, kung sakaling may makilala kayong tao na natatakot, nalilito at nahihirapang lumapit sa Diyos dahil sa laki ng kanilang mga kasalanan nagawa, ikwento natin ang ebanghelyo natin ngayon at mahalagang mabigyang diin ang mga mahahalagang puntong ito;
Una, Walang pinipili ang Diyos… mahal tayo ng Diyos maging sino man tayo.
Ikalawa, hindi niya pinababayaan ang mga makakasalanang tulad natin, hinahanap niya at ninananais niya itong makabalik sa kanya sapagkat ito ang kalooban ng kanyang Ama.
Ikatlo, Habag ang dala dala niya at hindi paghuhusga katulad ng karanasan ni San Mateo. Siya ay kinahabagan, pinatawad at gayundin pinagpala.
Nawa ang kwento ni San Mateo ang magbigay sa atin ng inpirasyon upang bumalik tayo sa ating Diyos na mapagmahal at mapagpatawad. Ito rin sana ang magsilbing inspirasyon natin upang akayin ang ating mga kapwa pabalik sa Ama.
Amen.
Tuesday of the 25th Week in OT
September 22, 2015
Marami akong kaibigan mula sa ibang relehiyon.
Sa isang pagtitipon naming magkakaibigan, biglang nagsabi ang isa sa amin, mabuti pa magkaroon tayo debate. Isa semenarista at isang Jehovah.
Sabi ng kaibigan mula sa ibang reehiyon, huwag na lang… di lang tayo mag-eenjoy na magkakasama kasi magtatalo talo lang tayo. Kayo di papatalo at ako man hindi rin. Igalang na lang natin ang bawat isa.
From that time on, hindi ko na ito nakalimutan. Maging nung ako ay pari na, nauunawaan at isinasagaw ko pa din ang pag-unawa at pagbibigay respeto sa mga tao mula sa ibang relehiyon… May nagturo kase sa akin e at surprisingly, ang unang nagturo pa sa akin nito ay mula sa ibang relehiyon.
Mga Kapatid, sinasabi ko ito sapagkat ito ang makikita natin sa ating unang pagbasa. Ito ay ang patungkol kay Haring Darius ng Persia. Tinawag ng Diyos upang mapanumbalik at mabuo muli ang bayan ng Diyos kasama ang templo nito. Hindi naman Hudyo ngunit may malaking ginampanan sa bayan ng Diyos.
Lagi nating tatandaan, ang pagtulong ng Diyos, ang pag-aaruga at paggabay sa atin ay nangyayari sa iba’t ibang pamamaraan. Ito ay marahil sa mga tao, katoliko man o hindi, sa mga pangyayari, maganda man o pangit, at marami pang iba. Ito ay nangyayari upang turuan, gabayan at biyayaan tayo ng Diyos.
Manalangin tayo
Panginoon buksan mo po ang aking mga mata upang makilala ko ang iyong pagtulong at paggabay sa amin sa pamamagitan ng mga tao man o pangyayari.
Gayundin gawin mo po akong kasangkapan mo upang makatulong at makagabay din sa iba patungo sa iyo.
Amen.
Wednesday of the 25th Week in OT
September 22, 2015
A woman approached me and said to me. Father I have a son who does not want to get married in the church. I kept on telling him the importance of this sacraments but he just ignore me. I felt guilty because I cannot even convince my own son.
One of our missions is to guide our brothers and sisters towards God. But one thing we can see in this life is the reality that we cannot please and convince everyone. This is what we can see in the gospel. Even Jesus recognized the reality that not all will receive him, his teachings and his disciples that is why he mentioned to them something about the people who will not receive them. But noticed that Jesus urge them to continue their mission and not to stop.
Reflecting on it we can understand that Jesus is telling us, that rejection should not stop us from doing our mission. Rather we must continue to do our mission as Jesus and his disciples did.
Let us pray
Lord help me to do my mission, that is to proclaim the good news…
Lord guide me while doing my mission…
Lord may my mission befulfilled through your inspiration and help.
Through Christ our Lord.
Amen.
Thursday of the 25th Week in OT (late post)
Temple of God
September 24, 2015
(Haggai 1:1-8)
Prophet Haggai in the 1st reading is calling the attention of the people to rebuild God’s Temple… He urges them not to be contented in their well-built houses because the temple of God is still in ruins.
This is also the reminder of Prophet Haggai to each and every one of us. We too are called to rebuild God’s temple and must not be contented that it remain in ruins…
Which temple? More that the churches and chapels that we have, we are called to rebuild ourselves who is truly God’s temple and where the Holy Spirit dwells (1 Corinthians 3:16 “Do you not know that you are a temple of God and that the Spirit of God dwells in you?”) Yes we must rebuild ourselves because we know that this temple is destroyed by the sins that we committed.
How can we rebuild ourselves as God’s temple?
a. Confession is necessary… we have to ask God’s forgiveness,
turn away from sin and live a holy life.
b. We have to attend mass and receive the Word of God and his
Body and Blood in the Eucharist.
c. We also need to serve and love our neighbor as God loves
them.
Etc…
Let us pray
Lord Jesus, send us your Holy Spirit to guide us. Help us to humble ourselves, accept our sinfulness and return to you through the sacrament of reconciliation. Help us to receive you and allow you to dwell in our lives…
Amen.
Rejection
Friday of the 25th Week in OT
September 25, 2015
In our Gospel for today Jesus mentioned that he will be rejected by the elders, chief priests and the teachers of the law that happened and that led to his death.
Today, Jesus is still being rejected but not by the elders, chief priest and the teachers of the law anymore but rather by each and every one of us who continuously choose to sin. We must remember, “SIN is a personal rejection of a love relationship with God (CFC 769).” Therefore whenever we sin, we reject God and we reject his love for us.
Let us pray
Lord, guide us as you guide the saints.
Help us to choose you and your love.
Help us to reject sin by following/obeying your will everyday of our lives.
All these we ask through Jesus our Lord.
Amen.
Saturday of the 25th Week in OT
September 26, 2015
Maraming mga tao ang dumarating sa punto na bumibigay/sumusuko dahil sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay. Minsan, pati ang pananampalatay ay isinusuko. Kapag may mga taong lumalapit sa akin at ganito ang isinasabi na nangyayari sa kanila, sinasabi ko sa kanila… ang taong may problema ay parang nakasakay sa Bangka na nabagbag sa gitna na karagatan at ang tanging nahahawakan na lamang upang makaligtas ay ang salbabida. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, bibitiwan mo pa ba ang tanging instrumento na tumutulong sa iyo para makaligtas? Katulad din ito ng ating pananampalataya sa Diyos. Kapag tayo ay nasa gitna ng pagsubok, huwag tayong bibitaw lalo na sa Diyos sapagkat tiyak na tayo ay kanyang tutulungan upang malampasan sa mga pagsubok na ito.
Sinasabi ko ito sapagkat ito ang sinasabi ng ating Salmo Responsorio. Sabi nito, ang Panginoon ay Pastol na kumukupkop at Diyos na gumagabay.
Manalangin tayo
Panginoon, turuan mo po kaming magtiwala sa iyo…
Turuan mo po kaming magpakupkop sa iyo at magpagabay sa iyo ng sa gayon, malampasan po namin ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa aming buhay.
Feast of San Lorenzo Ruiz
September 28, 2015
Ngayon, inaalala natin si San Lorenzo Ruiz. Siya ay ang unang Santong Pilipino na tinaguriang Santo sa pamamagitan ni Pope John Paul II noong October 18, 1987. Ano ang matututunan natin mula sa kanya? Magandang pagnilayan ang sinabi niya na nagpapakita ng kanyang paninindigan bilang isang tunay na mananampalataya. Sinabi niya, “I am a Christian. I shall die for God and for him I would give many thousand lives.” Ito ay napatunayan niya ng siya ay sumama sa misyon sa Japan. Lalo niya itong pinatunayan ng hindi niya itinanggi ang kanyang pananampalataya at pinili niyang mamatay. Siya ay pinatay sa Nagasaki, Japan in 1637.
Tayo din ay inaanyayahan na tularan ang kanyang pananampalataya. Bilang mga Kristiyano tinatawag din tayo na ialay natin ang ating mga buhay sa Diyos. Hindi naman natin kailangan maghirap at mamatay katulad ng dinanas ni San Lorenzo. Tayo ay tinatawag na mamatay sa ating pagkamakasarili at matutong buksan ang ating sarili sa Diyos. Tayo ay tinatawag na mag-alay ng panahon para sa Diyos araw-araw at gayundin matutong maglingkod sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan sa paraang kaya natin.
Manalangin tayo
Panginoon, bigyan mo po kami ng matatag na pananampalataya na tulad ng kay San Lorenzo. Tulungan mo po kami na matutong ibigay ang aming buhay sa paglilingkod sa iyo at maipakita naming ito sa paglaan ng oras sa panalangin at sa pamamagitan ng paglilingkod namin sa aming mga kapwa.
The Feast of the Archangels
September 29, 2015
Today we celebrate the feast of the Archangels Michael, Gabriel and Raphael.
They are ministering spirits sent by God to watch over us and care for us. Going through the scriptures we can see that God sent St. Michael because wanted us to be protected from the evil one. St Gabriel was sent bring the Good News to everyone and God wanted to heal us then he sent St. Raphael.
We too could be God’s angels in this world by imitating these archangels. We too can be like St. Michael by leading our brothers and sisters towards what is good and pleasing to God. We too could be like St. Gabriel by proclaiming God’s words wherever we may be both in words and in action. We too could be like St. Raphael if we could be with our brothers and sisters, who need a shoulder to lean and cry on, ears that could listen, etc.
Let us pray
Lord we ask you to bless us always.
May we be like your angels who always praise, glorify and serve you.
May we be like them who watch over and take care of our brothers and sisters.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.
Wednesday of the 26th Week in OT
September 30, 2015
(Lukas 9:57-62)
Ang Salita ng Diyos na mababasa sa Bibliya ay sadyang napakahalaga para sa ating mga Kristiyano. Ito ay daan upang makilala natin si Jesus na ating Panginoon at maunawaan din natin ang kalooban ng Diyos. Sabi nga ni San Geronimo, “ignorance of the scripture is ignorance of Jesus.
Mahalaga ang katotohanang ito lalo na kung pagninilayan natin ang Ebanghelyo. Sa Ebanghelyo natin ngayon narinig natin ang isang lalaking nagpahayag ng kanyang pagnanais na sumunod kay Jesus. Ito din naman ang panawagan sa atin sa araw araw, ang sundan si Jesus, ngunit paano natin masusundan si Jesus? Masusundan natin si Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos na matatagpuan sa Bibliya. Wala namang iba paraan kundi simulant dito sapagkat sa bibliya katulad ng sinabi ni San Geronimo ay matatagpuan natin ang tungkol sa pagdating ni Jesus, ang kanyang misyon at gayundin ang kanyang mga tagubilin na siyang dapat nating isabuhay.
Manalangin tayo
Panginoon Jesus, tulungan mo po kaming mapahalagahan namin ang Banal na Bibliya. Tulungan mo po kami na lubos ka pa naming makilala sa pamamagitan nito at gayundin tulungan mo po kaming maisabuhay naming ang mga katuruan at tagubilin na iyong inihayag dito.
Amen.
St. Therese of the Child Jesus
October 1, 2015
Today we celebrate the Feast day of St. Therese of the Child Jesus.
Allow me to share to you my story and my journey with St. Therese.
Last year, I was sent by the bishop to do the mission appeal abroad.
To tell you honestly, I am not that confident to do it but I obeyed the bishop anyway.
During the mission I most of the time felt pressured of the presence of the parishioners and also by the parish priest who would always remind me and instruct me what to do and not to do… what to say and what not to say, etc.
One thing I noticed in that mission appeal, I always see St. Therese if not in all parishes but in most of the parishes I visited. Whenever I saw her, I was reminded of her teaching “to do everything with love.” That is “to do ordinary things in an extraordinary manner.” Because of it I felt welcomed, and I felt they appreciated the message whenever I go. But more than that is the experience of joy I had during the mission appeal. That is why, that mission appeal was indeed a memorable and grace-filled time for me.
Brothers and sisters, God is inviting us through St. Therese to really do ordinary things in an extra ordinary manner. Let us do everything with love especially in serving our neighbor and also in everything we do for God.
Let us pray
St. Therese, pray for us to God that we may be able to develop a childlike heart that you have so that we too may be able to put love in everything we do and through this may be pleasing to God.
Amen.
Guardian Angels
October 2, 2015
Today we remember the guardian angels.
According to St. Basil, “beside each believer, stands an angel and protector and shepherd leading him to life. (CFC 337)
Meaning, all of us has a guardian angel. This guardian angel is our protector and our shepherd leading us to God.
My dear brothers and sister, let us give thanks to God for giving each of us a protector and guide who help and accompany us in our journey on earth. We may never see them with our eyes but we must never neglect. In times of confusion they are with us to guide us. In times of difficulties they are with us encouraging us. In times of temptation they are with us to help us overcome the different temptation and lead us to the path that will save us.
As God’s faithful, we too are called to become guardian angels. We too are called to help one another and to take care of one another. We too are called to protect one another and lead one another towards Christ. May we listen to this call and respond to it always.
Amen.
Saturday in the 26th Week in OT
Rejoice in the Lord
October 3, 2015
(Luke 10:17-24)
One thing noticeable to us is to keep on asking for more blessings even though we received already.
At times, because of so much focus on wanting for more, we tend to overlook the graces in front of us.
Today we heard from the gospel that those sent by Jesus is rejoicing. They were rejoicing because of the graces they receive and witnessed in their apostolate. This should also remind us that we too no matter how big or small the grace or graces we receive, we must be thankful to the Lord and rejoice in his goodness
Let us pray
Lord let us see and recognize your blessing to us
May we learn to thank you and rejoice for the many graces we received.
Amen.
27th Sunday in OT
October 4, 2015
(Gen. 2:18-24/Mark 10:2-12)
Kahapon, ako ay nakipag-concelebrate sa isang kasalan na ginanap sa Vinsons.
Isa sa mga binigyang diin ng preacher ng kasalang iyon ay ang three magic words na mula kay Pope Francis na sabi niya tandaan sapagkat ito daw ay makatutulong sa buhay ng mag-asawa. Gayundin ang narinig ko kanina ng ako ay makipag-concelebrate sa misa sa Talisay dahil pista doon ngayon sa karangalan ni San Francisco ng Asisi
Sabi ko sa sarili ko hindi na ito aksidente, naniniwala ko na ito ay paulit-ulit kong narinig sapagkat ito ang mahalagang mensahe para sa araw na ito na kung saan ang binibigyang diin ang kasal o ang pag-aasawa.
Hayaan ninyong ibahagi ko ang tatlong mga salitang ito na mula kay Pope Francis sa kanyang General Audience noong April 2, 2014. Ang mga salitang ito ay ang mga sumusunod…
a. Please (so as not to become intrusive)
b. Thank you (appreciation of the goodness done no matter how
big or small it may be)
c. Sorry (because we commit mistakes)
Nawa’y matuto nating gamitin ng madalas ang mga salitang ito at makatulong nawa sa atin ito kasama ng mga panalangin para sa mga mag-aasawa.
Monday of the 27th Week in OT
Who is my Neighbor?
October 5, 2015
(Luke 10:25-37)
Binibigyang diin sa ating pagbasa ay ang katanungang ito; sino nga ba ang aking Kapwa? Ipinakita ni Jesus na ang tinutukoy niyang kapwa ay HINDI lamang ang mga kapamilya natin, o kaya naman sa mga kaibigan o kakilala kundi ang lahat. Kaya nga mahalaga na ang lahat ay pahalagahan, irespeto at mahalin.
Tanungin natin ang ating sarili…
Kumusta ba ang aking pakikitungo sa aking mga kapwa?
Kumusta ba ang pakikitungo ko sa mga sumusunod;
Janitor?
mga gwardiya?
mga waiter and waitress?
mga cook?
mga paralimos?
Etc…
Naigagalang ba natin sila? O pinagmamalupitan ba natin sila?
Isa sa mga kaibigan ko ang nagsabi… “makikita mo kung tunay na may mabuting puso ang isang tao kapag kaharap niya ang maliliit sa kanya sa ordinaryong pagkakataon.
Manalangin tayo
Panginoon turuan mo po akong magkaroon ng busilak na puso. Palaguin mo pa po ang pag-ibig ko sa aking kapwa lalo na sa mga karaniwang tao at mga nangangailangan.
Amen.
Tuesday of the 27th Week in OT
Mahalaga
October 6, 2015
(Luke 10:38-42)
May mga nagpapaliban ng pagsimba o pagdarasal dahil sa sinasabi nila busy sila at may mahalaga silang ginagawa o dapat gawin. Ang tanong ko lamang ay ito…”bakit, hindi ba mahalaga ang Diyos sa kanila? Bakit mas mahalaga ba ang mga ito sa Diyos? Bakit, hindi ba dapat pagkaabalahan natin ang Diyos na nagbibigay ng biyaya sa atin?
Mga kapatid, ito ang ipinaaalaala sa atin ni Jesus sa ating Ebanghelyo ngayon. Tinawag niya ang pansin ni Martha na labis na nag-aalala at labis na naliligalig ng mga gawain samantalang naroroon siya samantalang ang kanyang kapatid ay naroon sa paanan at nakikinig sa kanya. Tila ba sinasabi ni Jesus may panahon para jan, bakit hindi mo ilaan ang iyong panahon habang sa akin narito ako at nagsasalita. Bakit di mo tularan si Maria na pinili niya ang mas nakabubuti?
Mga kaptid, bantayan natin ang ating sarili upang huwag maipagpalit ang Diyos sa mga bagay bagay o gawain sa mundong ito. Tandaan natin may panahon para sa paghanapbuhay, may panahon sa paglilibang at gayundin may panahon sa pamamahinga. Sana mailaan natin sa Diyos ang araw na itinakda para sa kanya.
Manalangin tayo
Panginoon, patawarin mo po ako sa mga pagkakataon na ipinagpalit kita sa iba’t-ibang gawain o mga bagay.
Turuan mo po ako mapahalagahan kang tunay.
Turuan mo po akong bigyan ka ng prioridad kaysa mga bagay sa mundong ito.
Amen.
Our Lady of the Holy Rosary
October 7, 2015
Some say there’s no Rosary in the Bible therefore we should not accept or stop praying it.
Is it really in the bible? I should say No and Yes?
No in the sense that you really cannot find the word ROSARY in the Bible but Yes, because what it contains, what is being meditated upon is in the Bible.
The Creed, which is the summary of the faith, is in the bible.
The Our Father is in the bible.
The Hail Mary is in the bible.
The Mysteries of the Holy Rosary is in the bible…
For instance the joyful mysteries:
Annunciation – Luke 1:30-38
Visitation – Luke 1:42, 45-55
Nativity – 2:7-11
Presentation – 2:22, 28-35
Finding of Jesus in the temple – Luke 2:46-52
The Joyful Mysteries and all other Mysteries of the Rosary are taken from the Bible. The rosary therefore is biblical, why then should we stop or neglect praying it?
Pray your Rosary everyday. Meditate on the life of Jesus everyday through the inspiration of the Blessed Virgin Mary. By praying it, Mama Mary will help us know Jesus and love Jesus more.
Amen.
Thursday of the 27th Week in OT
October 8, 2015
An old woman approached me and asked me.
“Father is it true that when you are old, you are exempted in serving the Lord? This is what my son told me and he said that the Lord would understand me already. But still, whatever my son said I want to serve Him.”
I answered her question but deep inside me was the admiration for her willingness/zeal to serve even in her old age.
Brothers and sisters, we too are called to serve the Lord. May we heed to the call of our first reading to serve the Lord… May we imitate this old woman who even in her old age is eager to serve the Lord.
Let us pray
Lord, teach us to serve you.
May we learn to give and offer you our time, talent and treasure.
May this be a sign of our love for you.
Amen.
Friday of the 27th Week in OT
October 9, 2015
Bilang pari, dinadala sa amin ang maraming pronblema ng mga tao. Isa na ditto ang mga kaso ng mga taong sinasaniban ng masasamang espiritu.
Ngayon, araw na ito, mababasa natin sa Ebanghelyo ang tungkol sa pagpapalayas ng ni Jesus sa masamang espiritu na nagpapahirap sa tao. Ano nga ba ang makukuha natin mula dito…
Una, totoo ang demonyo o masasamang espiritu na gumagala upang dalahin tayo sa kapahamakan.
Ikalawa, meron tayong Diyos na lubos na makapangyarihan kaysa sa demonyo. Siya ang ating proteksiyon at siya ang ating tagapagligtas sa lahat ng kapahamakan na dulot ng demonyo.
Ikatlo, mahalagang lumapit tayo sa Diyos, seryosohin natin ang ating pananampalataya sa kanya, magkumpisal tayo ng madalas upang manatiling malinis tayo at umasa tayong lagi sa tulong at gabay ng Diyos.
Manalangin tayo
Panginoon, sa pamamagitan ng iyong biyaya, himukin mo po akong lumapit sa iyo at manatili sa iyo. Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan iadya mo po ako mula sa kapahamakan na dulot ng demonyo at panatilihing nasa maayos na kalagayan sa pamamagitan ni Jesu-Kristong aming Panginoon.
Amen.
Saturday of the 27th Week in OT
October 10, 2015
In the Gospel we heard Jesus being praised by a woman through her mother. Jesus responded by saying Blest are they who hear the word of God and keep it.
One of the best examples and a true model of following Jesus is Mary. She followed her Son even at the foot of the Cross.
Let us ask ourselves, do I really give myself to Jesus whenever I go to mass?
Do I really focus on the WORD being read and shared in the Mass?
Do I really focus on Jesus in the bread and the wine being offered and blessed?
Do I get something out of the mass?
Do I live the words learned in the mass?
If not let us ask Mary to help us.
She is our Mother ready to help us and lead us to Jesus.
Her powerful intercession will lead us to a deeper understanding and appreciation of the Word of God.
Let us Pray
Dearest Lord, we ask you through the intercession of the Blessed Mother to be attentive to you Word. We ask you that like her we may learn to really keep your words in our hearts so that we may be able to live it.
Amen.
28th Sunday in OT
Tamali
October 11, 2015
(Wisdom 7:7-11)
May mga pagkakataon sa mundong ito na akala natin na tama pero mali pala at gayundin minsan naman, akala natin mali pero tama naman. Halimbawa ang hindi pakikisama sa mga barakda sa pagbibisyo, parang mali sapagkat hindi ka nakikisama o kaya naman parang tama sapagkat pakikisama ito. Halimbawa live-in, parang tama sapagkat ito na yung uso at marami gumagawa nito. Ang Same-Sex Union akala ng marami tama ito pero sa makikita natin na ito ay kontra natura at hindi maunawaan ng marami. Ang extra-marital relationship na sa Pilipinas ay parang okay lang sa mga kalalakihan at nakakadagdag pa ito ng kanilang pagkalalaki at hindi naman okay sa mga kababaihan at marami pang ibang. Ngunit ano nga ba ang tama at ano nga ba ang mali. Ito ay madalas nakakalito na rin dahil sa mga nakikita at kinalalakihan natin.
Mga kapatid sa Unang Pagbasa narinig natin ang nagpapahayag na siya lumapit sa ating Panginoong Diyos. Siya ay humihingi ng karunungan. Siya ay humihingi ng pangunawa upang ng sa gayon maunawaan niya at malaman niya kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos
Ito rin mga kapatid ang dapat nating gawin. Ang lumapit sa Diyos at hingiin ang kanyang tulong. Ang lumapit sa kanya upang humingi ng karunungan na malaman natin ang mabuti at hindi at ng sa gayun maiwasan ang mali at maisabuhay ang tama.
Amen.
Monday of the 28th Sunday in OT
Sign
October 1, 2015
Jesus spoke of Jonah as a sign… he led the Ninevites back to God…
He also spoke of Solomon as a sign… he led his people Israel to God…
What could Jesus be asking now from us?
Tama, he is also asking each and eveyone of us to become a sign also. A sign like Solomon and Jonah that would lead people back to God.
Let us Pray
Lord, make us and use us as your less unworthy servants in leading people to you through Christ our Lord.
Amen.
Tuesday of the 28th Week in OT (late post)
Our Lady of Fatima
October 13, 2015
Malinis ang panlabas ngunit marumi ang ang panloob… ganito ni Jesus tinawag ang mga Pariseo. Mga mapag-imbabaw… mapagkunwari…
Ngunit sa kabila nito, hindi naman isinasara ni Jesus ang kanyang pagmamahal sa mga pariseo.
Kung minsan, tayo din ay nagiging mga pariseo. Masyado nakafocus sa kamalian ng iba ngunit kulang ng pagtingin sa ating mga sariling pagkukulang. Kung minsan pa nga pinagdidiinan pa ang ibang tao para di masilip at mapansin ang sariling kamalian. Kahit na ganito, bukas pa din sa atin ang Diyos. Di niya tayo tatalikuran. Isa sa mga tanda niyo ay ang Birheng Maria.
Si Ina ay ibinigay sa atin upang iparamdam sa atin ang kanyang pagmamamahal. Ikalawa upang ipakita sa atin na kayang mabuhay ng may malinis na panlabas at gayundin kalooban. Ito ang panawagan sa atin at ito ang hinihingi sa atin kaya nga mahalagang dagdagan pa natin ang ating mga effort para dito.
Manalangin tayo
Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo po kami ng sa gayun kami ay maging matatatag sa pagsunod sa iyong minamahal na Anak. Ipanalangin mo po kami upang kami ay patuloy na makatugon sa panawagan ng Diyos na mamuhay ng may kalinisan…
Amen.
Wednesday of the 28th Week in OT
Pabigat
October 14, 2015
In one of my apostolate, i saw myself angry with someone because of two things…
First, When i asked her to help because she was the leader, she refused… (ok pa ako dito, thinking that she knew that she cannot do the job)
Second, she is speaking against me and the group (nainis na ako kase, di na nga tumulong sinisiraan pa kami)
Brothers and sister, in our gospel, Jesus is also calling the attention of the scholars of the law… because the law which they imposed that was supposed to be for the good and benefit of them ay nagiging burden pa for them.
Tayo kaya… in the family, community, offices, or wherever we may be… ano kaya tayo sa kanila na nakakasalamuha natin? Pabigat lamang sa buhay nila o nakatutulong sa kanila. Hopefuly maging aware tayo ng mga bagay na ito. Let us not be a burden to our neighbor but rather a grace to them because this is what we are and are made of and called for.
Let us pray
Bless me Lord with a renewed heart so that i may be able to become a grace rather than a burden innthe lives of my brothers and sisters.
Amen.
Thursday of the 28th Week in OT
Tinamaan
October 15, 2015
May mga pagkakataon na pagkatapos ng misa ay may lumalapit sa akin at nagsasabi sa akin… aray ko padre, tinamaan ata ako dun. Katulad ng aking sagot sa bawat isang lumalapit, sinasasabi ko “huwag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa sapagkat bago ko nasabi yan nasaktan din muna ako. Gayundin tandaan mo maswerte ka sapagkat nagpapaalala sa iyo ang Diyos at nararamdaman mo ito.
Mga kapatid, ito din ang makikita natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw. Si Jesus na pinaaalalahanan ang mga Pariseo at mga Eskriba. Maganda ang unang nangyari sapagkat naunawaan nila ang sinasabi ni Jesus ngunit ang tugon nila ay negatibo sapagkat sa halip na tanggapin at magbago, ang inisip pa nila ay kung papaano sisiluin si Jesus.
Tandaan po natin, ang Salita ng Diyos ay nagpapaalala sa atin ng maraming bagay. Ito ay hindi pagsira sa ating pagkatao o dignidad bagkos pawang pagpapaalala upang muli nating maunawaan kalooban ng Diyos at dapat nating gawin. Katulad ng mga Pariseo at Eskriba maunawaan sana natin ito ngunit huwag natin silang tularan sa tugon. Sundin natin ang paalala sa atin o mga realisasyon na dulot sa atin nito sapagkat ito ay para sa ating kabutihan.
Amen.
Friday of the 28th Week in OT
Right Turn
October 16, 2015
When you are driving, you need to always stay focus. You have to know the right tract. You have to take the right turn. Doing this will help you save time and energy and will be able to reach your destination with ease.
Same thing in our life-journey. Yes, there’s no easy journey. Along the way we will certainly encounter different challenges but all we need is to focus and follow the right tract and the right turn.
What is the right turn? What is the right tract… the responsorial psalm is telling us: the Lord
29th Sunday in OT
Unawa
October 18, 2015
I jokingly told my friend, hindi ka na naman nagsimba… Ano ka ba?
My friend suddenly told me, “alam ko nauunawaan ako ng Diyos?” huwag kang masyadong judgmental father.
Kung pagninilayan natin ang ating mga pagbasa makikita natin na ito ay patungkol sa Diyos na dumating upang ipakita sa atin ang kanyang pagmamalasakit at pang-unawa. Sa ikalawang pagbasa, nabanggit dito na si Jesus na dakilang pari ay naparito upang pagmalasakitan tayo sapagkat nauunawaan niya tayo. Ito naman ang katotothanan tungkol sa Diyos natin. Ang walang kamatayang pag-unawa niya sa atin sa kabila ng ating mga pagkukulang. Actually, ang dahilan ng patuloy na pag-iral ng simbahan ay dahil sa pag-ibig ng Diyos at pag-unawa sa atin.
Mula sa Old Testament, ito na ang matutunan natin. Tunay nga na inuunawa niya tayo at patuloy pa niyang uunawain hanggang sa huli.
Ngunit ang tanong naman para sa atin ay ito. “Tayo naman, kalian naman natin uunawain ang Diyos at ang kanyang mga sinasabi o itinuturo.”
Isa kasi sa mga problema sa atin ay ang katotohanan na gusto lamang natin na tayo ang laging uunawain ng Diyos. Kailan nga kaya darating ang panahon upang maunawaan natin ang Diyos at tumugon tayo sa kanyang mga paanyaya?
Monday of the 29th Week in OT
October 19, 2015
Sa CAT at ROTC sabi nila Obey first before you complain.
Kay LORD, Obey and you will see the wondrous things I prepared for you.
Ito ang matutunan natin sa unang pagbasa kay Abraham?
Nakinig siya sa paanyaya, naniwala siya, at sumunod siya kaya nga pinagpala siya ng higit pa sa kanyang inaasahan.
Ito rin ang panawagan sa atin. Makinig tayo sa paanyaya ni Lord, maniwala tayo at sumunod tayo sa kanya ng makita ang mga bagay na inihanda niya para sa atin.
Tuesday of the 29th Week in OT
October 20, 2015
Luke 12:35-38
Jesus speaks of the master of the house who arrives and knocks at the door.
Question… Why does he need to knock?
Can he not just enter into his house?
I read a commentary about this. The commentary said and I quote “this is symbolic of God’s treatment to us… he does not force himself into our lives, he respects our free will…” Yes, though God own us, we belong to him for we are from him, he does not force himself to us… he just knocks and waits for us to open our lives to him.
Let us pray
Lord, help us to be sensitive to your call and respond to it positively.
Help us to open our lives to you.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.
Wednesday of the 29th Week in OT
October 21, 2015
(Roman 6:12-18)
Isa sa mga napapansin ko sa maraming tao ang palagiang pagsabi ng mga katagang ito… “padre, hindi ko po baga maiwasan o kaya naman hindi na po kasi maiiwasan na gawin ang ganitong kasalanan e.”
Unang punto, makikita natin sa ganitong mga kataga ang pagsuko agad sa paggawa ng kasalanan. Sabi nga kulang ng pagresist sa pagkahulog sa pagkakasala.
Ikalawa, nakakalungkot sapagkat hindi nila makita na ang biyaya ng Diyos na higit pa sa kahit na anong tentasyon o kasalanan.
Nakakatakot ang ganitong mga pagkakataon sapagkat sa halip na piliing maging matatag laban sa tukso at hingiin ang biyaya ng Diyos ay sumusuko na at sinasabing hindi na maiiwasan.
Mga kapatid, sa ating ikalawang pagbasa, sinasabi dito ni San Pablo na mapalad tayo sapagkat sa pamamagitan ni Jesus, tayo ay naging malaya na mula sa pagka-alipin sa kasalanan. Mga kapatid, ito sana ang makita natin… na ang biyaya ng Diyos ay patuloy na ibinibigay sa atin. Nawa’y makita natin ang biyayang ito bilang kalakasang ibinibigay sa atin ng Diyos upang mabuhay ng matuwid. Nawa’y mapahalagahan natin ito. Manalangin tayo
Panginoon, tulungan mo po na makita ko ang biyayang iyong kaloob.
Tulungan mo po na makita naming na kami ay malaya na kasalanan at may lakas upang malampasan ang tukso na dumarating sa buhay. Sa pamamagitan ng iyong biyaya, maging matatag nawa kami laban sa lahat ng tukso na dumarating sa aking buhay.
Amen.
Thursday of the 29th Week in OT
October 22, 2015
(Luke 12: 49-53)
Sabi ni Jesus sa Ebanghelyo “Do you think I have come to established peace here on the earth? I have come for division.”
Dumating ba si Jesus para manggulo? Dumating ba si Jesus upang sirain ang kapayapaan?
Ang katotohanan ay dumating si Jesus upang sirain at guluhin ang pagiging kumportable natin sa kasalanan at sa mali at ito ay nagdulot ng pagkakahati-hati (division).
Ito ang nangyayari ngayon sa pamamagitan ng simbahan na itinatag ni Jesus. Ang simbahan na tila ba kontrabida sa maraming tao dahil sa pagkontra nito sa mga isyung moral katulad ng corruption, isyu sa diborsyo, isyu sa kontrasepsyon at marami pang iba… Ngunit kung titingnan at pagninilayan ito ay pawang pagbantay at pagtutuwid ng maling paniniwala ng mga tao na nagdudulot ng pagkakahati-hati (division).
Makita sana nating lahat na hindi porke gusto natin at sa palagay natin ay tama ay tama na. Dapat nating tandaan ang katuruang moral ng ating Panginoon. Dapat tayong magising nito ng sa gayun hindi tayo makuntento sa gusto natin at mali bagkus magising sa katotohanan at matuwid.
Manalangin tayo
Panginoon gisingin mo po kmi at guluhin mo po kami sa aming pagiging kuntento sa mali at makasalanan ng sa gayun magising kami sa katotohan na ninanais mo…
Amen.
Friday of the 29th Week in OT
October 23, 2015
(Romans 7:18-25a)
Isa sa mga paborito kong kanta noong bata pa ako na nagpapakita ng katotohanan sa ating buhay ay ang kanta ni Andrew E. na nagsasabing “Gusto kong bumait pero di ko magawa… nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.”
Kung titingnan natin ito din ang sinasabi ni San Pablo sa unang pagbasa. Sinasabi niya na ang gusto niyang gawin ay ang mabuti ngunit sa kasawiang-palad nakikita niya ang kanyang sarili na ang ginagawa ay hindi ang nais niyang mabuting gawin kundi kung ano iyong hindi niya ninanais. Ngunit sa bandang huli sinabi rin niya kung sino ang tutulong sa kanya at ito ay ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus.
Mga kapatid madalas ito rin ang sitwasyon natin. Nakikita natin ang sarili natin na ginagawa ang mga bagay na ayaw naman talaga nating gawin dahil sa ito ay masama at ang mabuti lugod ay hindi natin nagagawa. Ngunit sa kabila nito huwag sana tayong panghinaan at mawalan ng loob sa pagpapakabuti sapagkat tinuturo sa atin ni San Pablo na may tutulong sa atin. Walang iba kundi ang ating Panginoong Jesu-Kristo. Totoo nga naman, kung aasahan lamang natin ang ating sariling effort mahihirapan tayo ngunit kung ang Diyos ang lalapitan natin at hihingian natin ng tulong, tiyak malalampasan natin ang mga bagay na ito.
Manalangin tayo
Panginoong Jesu-kristo, tulungan mo po kaming tularan si San Pablo na lumapit sa iyo at humingi ng tulong upang mabago niya ang kanyang mga maling pagkilos. Ipagkaloob mo din po sa amin ang biyaya upang matuto kaming na maging bukas sa iyong tulong at magtiwala sa iyo upang maging matatag kami laban sa tukso.
Amen.
Saturday of the 29th Week in OT
October 24, 2015
(Luke 13:1-9)
Jesus said this twice in the Gospel “unless you CHANGE YOUR WAYS, you will all perish.”
Let us pray
Lord, help me see what I need to change in me so that I may be able to change it through your grace. We ask this through Christ our Lord.
Amen.
30th Sunday in OT
October 25, 2015
(Mark 10:46-52)
Points for Reflection
1. Bartimeus calling Jesus…
He shouted louder so that he may be heard
There are times that we feel like we are not heard by Jesus… Let us imitate Bartimeus who did not loose hope. Although people around him scolded him he continued calling Jesus thus he was heard and was blessed.
2. People scolding Bartimeus and telling him to be quiet…
The people around Bartimeus are not really helping him. They were actually the source of discouragement for Bartimeus. Instead of encouraging him and helping him to reach Jesus they ask him to stop calling Jesus. Brothers and sisters may we become God’s instruments to lead our neighbors to Jesus. May we be the source of encouragement to others so that they may know Him and trust Him.
3. Jesus stopped and called him…
This is the best news for us… that Jesus will always be there for us. We heard in Matthew 28:20 that Jesus promised that he will always be there for us until the end of time. He is there for us in good times and bad times because he loves us. We only need to approach him and allow him to work in our lives.
4. Bartimeus immediately jumped up and went to Jesus…
We as God’s people should be sensitive to the miracles of Jesus to us everyday. We must acknowledge them and hopefully we could thank God for these miracles. May we imitate Bartimeus who jumped up and approach the Lord because of joy. Our responsorial psalm is very true because it “The Lord has done good things for us; for this we are filled with joy.”
Monday in the 30th Week in OT
October 26, 2015
In the gospel, we heard of a crippled woman. She was crippled because of the evil spirit who kept her bent for eighteen years… This is how the evil spirit could affect us.
Reflecting on our gospel for today, I remembered a young lady who told me that she cannot sleep for some months already because of the nightmares that she had been experiencing and which is getting worse. According to her, she could see in her dreams a figure of a devil that really frightens her. This is how evil spirit could affect us, they could frighten us, they could disturb us and they could break us.
I asked her some questions for me to know the cause of this disturbance. She ends up saying that for the past three years, “hindi na siya nangungumpisal.”
Dearest brothers and sisters, remember that we should not give the devil a chance to work in us. Let us make sure that we are always in the state of grace. Let us humble ourselves and admit our sinfulness and then approach the sacrament of Confession. The more we remain in the state of sin, the more we give the evil spirit to work in us.
Let us pray
Protect us Lord with your loving grace.
Protect us from the evil spirits who prowl about the world.
Never let them harm us in any way.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.
Tuesday of the 30th Week in OT
Paano Kung Walang Langit?
October 27, 2015
(Luke 13:18-21)
Bakit nagpapari ka?
Bakit masyado kang nagpapakabait?
Paano kung walang langit?
Lugi kayo…
Ito ang ilan sa mga tanong na itinatanong sa amin noong kami ay mga semenarista pa lang na kung saan sinasagot naman namin ng mga katagang ito… “paano kung meron, e di lugi kayo at kawawa kayo.”
May langit nga bang naghihintay sa atin?
Kung nakinig tayo sa ating ebanghelyo direktang ipinahayag ni Jesus ang katotohanan ng kalangitan.
Dahil sa ito ay ipinahayag ni Jesus kaya marapat na ito ay tanggapin sapagkat si Jesus na mismo ang nagsasabi na meron. Tandaan natin, sinabi niya sa atin na siya ang katotohanan(John 14:6).
Manalangin tayo
Panginoon, tanggapin sana namin ang katotohanan tungkol sa iyong kaharian na tinatawag na langit. Sa tulong ng iyong grasya ito nawa ay hangarin namin at sa pamamagitan po ng iyong awa at pagmamahal, dalahin mo po sana kami doon upang ikaw ay aming makasama.
Amen.
Feast of St. Simon and St. Jude
Hinahangaan
October 28, 2015
Kapag tinanong mo ang mga kabataan kung sino ang hinahangaan nila, malamang isasagot nila ay ang mga artista na napapanood nila. Para sa akin di naman masama na humanga sa kanila lalo na sa mga artista na may maayos na pamumuhay pero mas maganda siguro na mayroon silang mas mabuting hahangaan o magiging modelo sa buhay nila.
Ngayon, ipinagdiriwang natin ang dalawa sa mga Apostol ng ating Panginoon at mga Santo ng ating simbahan. Sila kinikilala ng simbahan dahil sa kanilang pagtugon sa panawagan ni Jesus sa paglilingkod, pagbibigay ng buong sarili hanggang kamatayan at gayundin sa kanilang mabuting halimbawa. Para sa akin, ito ang mga taong tunay at dapat nating hangaan at hindi lamang hangaan bagkos dapat pa nating tularan.
Kaya nga para sa ating nakatatanda, marapat lamang nating kilalanin sila at tularan at gayundin ipakilala natin sila sa mga nakababata upang kanilang makilala at gawing huwaran sa buhay nila.
Manalangin tayo
Panginoon, sa pamamagitan ng panalangin nina San Judas at San Simon, nawa’y matuto din po naming pakinggan ang iyong mga salita at isabuhay ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
Amen.
Thursday of the 30th Week in OT
I Love You All the Time
October 29, 2015
Nagulat ako kahapon dahil sa mga nagpadala ng i love you friend greetings sa akin. Natuklasan ko na ito pala ay dahil sa National I Love You Day kahapon.
Nakakatuwa naman dahil atleast once a year ay may ganitong pagkakataon para paalalahanan natin ang mga minamahal natin sa buhay na mahal natin sila.
Alam nyo ba, kung may National I Love You Day tayo, sa pagbasa natin ay hindi lang National I love you day. Sa unang pagbasa ipinaalala sa atin ni San Pablo na Mahal tayo ng Diyos sa lahat ng panahon at walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig na ito ng Diyos. Nawa makita natin ito at mapahalagahan natin ang pag-ibig na ito na ibinibigay sa atin ng Diyos.
Manalangin tayo
Panginoon salamat po sa pagmamahal na patuloy mong ipinamamalas sa amin araw-araw. Matuto nawa naming pahalagahan ito at gayundin sa tulong ng iyong grasya ay matutong mahalin ka din po namin sa araw-araw at maipahayag ito pamamagitan ng paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa.
Amen.
Friday of the 30th Week in OT
Pinaniniwalalaan at Tinatanggap Mo Ba?
October 30, 2015
(Romans 9: 1-5/ Luke 14:1-6)
Sa unang pagbasa si Pablo ay nag-aalala dahil sa kakulangan ng paniniwala at pagtanggap ng kanyang mga kababayan kay Jesus na ating Panginoong Diyos sa kabila ng mga nangyari at naipahayag tungkol sa kanya.
Ito rin ang mababasa sa Ebanghelyo, ang mga pariseo na nakasaksi milagro ngunit hindi pa din pinaniwalaan at tinanggap si Jesus.
Mga kapatid, sa parehong pagbasa naroon ang kakulangan sa paniniwala at pagtanggap sa kay Jesus. Tayo kaya… ikaw kaya… pinaniniwalaan at tinatanggap mo ba si Jesus sa buhay mo?
Manalangin tayo
Panginoon, tulungan mo po kaming buksan ang aming mga sarili sa iyo. Sa pamamagitan ng iyong tulong nawa’y matutunan naming ikaw ay paniwalaan ng lubos at tanggapin sa aming mga buhay at maipakita naming ang pagtanggap na ito sa aming mga pagkilos sa araw-araw.
Amen.
Saturday of the 30th Week in OT
Paanyaya
October 31, 2015
(Luke 14:1;7-11)
Sa ating Ebanghelyo, narinig natin na si Jesus ay inanyayahan ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo para sa isang salu-salo. Bagamat alam niyang siya ay pinagmamasdan o binabantayan ng mga ito, dumalo pa din siya.
Ito ang isang katotohanan na dapat nating makita. Ang Panginoong Jesu-Kristo ay walang pinipili. Kapag siya ay inanyayahan, siya ay tumutugon at dumarating. Mga kapatid, katulad ng pariseong ito, nawa’y anyayahan din natin si Jesus hindi lamang sa ating mga tahanan ngunit sa ating mga buhay. Buksan natin ang ating mga sarili sa kanya upang siya ay makapasok sa atin at siya ay ating maging gabay sa araw-araw at siya ay makagawa ng mabubuting bagay sa atin.
Manalangin tayo
Ama, tulungan mo po kaming maging bukas sa iyo araw-araw.
Tulungan mo po kaming matuto na ikaw ay tanggapin upang kami ay iyong pagpalain pa ng lubos sa pamamagitan ni Jesu-Kristong aming Panginoon.
Amen.