Heart (February 12, 2019)

Tuesday, 5th Week in Ordinary Time

Today allow me to share to you this reflection posted by Fr. Philip I.

An old song asks, “Darling, where is your heart?” In the Gospel reading for Tuesday of Week 5 in Ordinary Time (Mark 7:1-13), Jesus quoted the words of Isaiah 29:13: “This people honors me with their lips, but their hearts are far from me” (Mt 7:6). The heart of God’s people is far from Him – how often is this true to us as well? God created us His image and likeness so that our “HEART” [which is our mind and will, our thoughts and desires] may be aligned with God’s and so we will walk along the way of God, the way of love which is the only way towards true joy and enduring peace. But sadly sometimes or many times, we show by our choices and lifestyle that each one of us wants to say, “I did it my way.” We say we are for God but our actions belie our words. And worse, we camouflage and justify our insincerity and licentiousness with the disguise of religiosity, and we question, humiliate and even bully those who live the life of God. Let us LIVE what we PRAY every day: “Thy kingdom come. Thy will be done on earth as it is in heaven. Amen.”

Sunod (February 11, 2019)

“They scurried about the surrounding country and began to bring in the sick on mats to wherever they heard he was.”

“Mahal mo ba ako kaya kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako.”

Linya ito ng isa sa mga pelikulang pinoy na aking napanood. Maganda at tamang tama ito dahil sa ating Ebanghelyo, ang mga tao ay sunod ng sunod at lapit ng lapit sa Panginoon. Bakit? Ito ay dahil kailangan nila ang Panginoon.

Tayo kaya? Sumusunod ba tayo sa Panginoon? Bakit tayo sunod sa kanya ng sunod? Ito ba ay dahil sa pangangailangan? O pagmamahal? Sana mga kapatid, ang pagsunod natin sa Kaniya ay hindi lang dahil sa may kailangan tayo sa Kaniya kundi dahil sa mahal natin Siya. Mahal natin Siya kaya kailangan natin Siya. Kaya nga hindi siya dapat mawala sa buhay natin.

Amen.

Sakay (February 10, 2019)

“Getting into one of the boats, the one belonging to Simon, he asked him to put out a short distance from the shore.”

Para sa mapayapang buhay at masayang buhay, tayo ay sumasakay sa buhay ng mga taong mahalaga sa atin at hinahayaan natin ang mga taong mahalaga sa atin at gusto natin ay makasakay sa buhay natin.

Ngunit dapat nating malaman na kahit na kanino tayo sumakay ay hayaan nating makasakay o makapasok sa buhay natin ang mga taong mahalaga sa atin. Hindi pa rin tayo matatahimik, hindi pa rin natin mararanasan ang kapayapaan at kasayahang hinahangad natin.

Mangyayari lamang ito kung hahayaan at aanyayahan natin ang DIYOS na makapasok o makasakay sa buhay natin.

Ikaw, kailan mo sa PASASAKAYIN SA BANGKA NG BUHAY MO ANG PANGINOON NATING DIYOS? Sana ito ay mangyari sa lalong madaling panahon.

Amen.

Pastol (February 9, 2019)

Saturday, 4th Week in Ordinary Time

Pinaguusapan sa mga pagbasa sa araw na ito ang mga PASTOL. Ang pastol ay ang taong tinawag upang maging ating mga gabay sa buhay. Ngunit hindi naman lahat ay mabubuting pastol kaya nga magandang suriin natin kung sino ang ating susundan upang sundin. 

Ang salitang Pastol ang gagawin nating gabay sa pagninilay.

P – iliin natin kung sino ang susundan at tutularan natin. Huwag lamang sana tayong sunod ng sunod at huwag lamang sumusunod kung sino kilala at magaling sa halip sundan at tularan ang mabuti.

A – lalahanin natin ang mga ginawa ng Panginoon at ang halimbawa ng mga Banal na tunay na nanguna at naglingkod sa mga mananampalataya. Ito din sana ang maging gabay sa pagpili ng ating pastol.

S – uriing mabuti ang pastol na susundin… sundin ang mabuting pastol at talikuran ang mga pastol na hindi nagpapakita ng paggalang sa Diyos at sa buhay ng Tao.

T – anggapin at tupdin ang tamang daan na kung saan doon tayo ay dinadala at iwaksi ang mali.

O – ra o pagdarasal, mahalaga din ipanalangin natin na bigyan tayo ng mga pastol na tunay na gagabay sa atin at mga pastol na tunay na mangunguna sa atin.

L – iwanag ng Diyos ang ating hingiin upang makita natin ang tama, totoo at dapat nating sundin mula sa mga pastol na bigay sa atin ng Diyos.

Amen.

SL (February 8, 2019)

Friday, 4th Week in Ordinary Time

“Herodias harbored a grudge against him and wanted to kill him but was unable to do so.”

Si Herodias ay isang halimbawa ng mga taong nagtatanim ng (SL) Sama ng Loob. May SL siya kay San Juan dahil sa itinatama sila sa mali nilang sitwasyon at kalagayan. Hindi niya nakita ang mabuting intensiyon kaya nagalit siya at nagkarooon ng SL kay Juan kung kaya ng makakuha siya ng pagkakataon ay ipinapatay niya si Juan.

Hindi dapat tayo nagtatanin ng SL, ito ay dapat tanggalin dahil:

Una, ito ay pabigat lamang ating buhay. Wala din naman nagagawang mabuti kaya kung minsan ito ang nagdudulot sa atin ng karamdaman.

Ikalawa, ito ay di tama sapagkat maaring ito ay magdala o magtulak sa atin na makagawa ng masama sa ating kapwa na kinasasamaan ng loob katulad ng nangyari sa kwento ni Herodias. Gayundin, dahil baka may madamay pang mga inosente at makaperwisyo pa tayo ng iba dahil sa galit o SL natin.

Ikatlo, ito ay mali sapagkat ang panawagan ng Panginoon ay pag-unawa, pagpapatawad at pagmamahal.

Mga kapatid, ano man ang rason ay dahan-dahan na nating tanggalin sa ating mga puso ang SL. Huwag na nating hintayin na makaapekto pa ito sa ating buhay at sa buhay ng ibang tao. 
Hingin natin ang tulong at gabay ng Panginoon upang mabitawan natin ang mga ito.

Amen.

Pakners (February 7, 2019)

Thursday, 4th Week in Ordinary Time

“Jesus summoned the Twelve and began to send them out two by two.”

Sa Ebanghelyo ngayon, ipinapahayag ang pagtawag at pagsugo sa Labindalawa para magmisyon. Ang pagmimisyon ay nangangahulugang maging mga saksi (pagsasabuhay) at tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Diyos. 

Sa panahon ngayon, wala na ang labindalawa. Ngunit naghahanap pa rin ang Panginoon ng kanyang mga ipapadala. Mga ‘pakners’ (partner) niya sa paghahatid ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng salita at gawa (pagsaksi). Maari ka bang maging ‘pakner’ ng Panginoon sa gawaing ito upang mas madami pa ang makatanggap nito?

Makabilang sana tayo sa mga ‘ka-pakner’ ng Panginoon at mga apostoles Niya sa panahong ito.

Amen.

Nega (February 6, 2019)

Wednesday, 4th Week in Ordinary Time

“All discipline seems a cause not for joy but for pain, yet later it brings the peaceful fruit of righteousness to those who are trained by it.”

Marami sa atin ang negatibo mag-isip kaya nga konting problema o pagsubok ay agad na sumusuko at nawawalan ng pag-asa. Bukod pa rito, konting paghihigpit lamang sa atin ay nagrereklamo at feeling dini- deprive o pinagdadamutan tayo.

Maganda ang paalala sa atin ng unang pagbasa; ang mga problema at mga pagsubok, maging ang paghihigpit sa atin ay biyaya pa rin na maituturing para sa atin. 

Ang mga problema ay magdadala sa atin sa realisasyon na kailangan natin ang Diyos at sa pamamagitan nito ay inilalapit tayo sa Diyos. Sa bawat paglutas naman at paglampas sa mga pagsubok ay ang realisasyon na kaya pala natin malampasan ang mga ito sa tulong at awa ng Panginoon.

Gayundin naman sa paghihigpit sa atin lalo na ng ating mga tao o institusyon na may concern tayo. Ang mga paghihigpit na ito ay gabay sa ating mga pagmamalabis. Ito ay tulong upang lumago tayong may concern lalo na sa kapwa tao at sa ating Diyos.

Lagi sana tayong maging positibo sa mga nangyayari sa buhay natin upang makita natin ang Panginoon na kumikilos at nagsasalita sa mga pangyayari sa ating ating buhay.

“ANG LAHAT AY BIYAYA NG DIYOS.”

Amen.

Pwede ka? (February 3, 2019)

4th Sunday in Ordinary Time

Ang ating Unang Pagbasa sa Linggong ito ay tungkol sa pagtawag kay Jeremias upang maging propeta ng Panginoon; “Tagapagpahayag ng Mabuting Balita.”

Napapanahon ang Ebanghelyo nating ito sapagkat sa katotohanan, nangangailangan tayo ng propeta sa panahon natin ngayon. Nangangailangan tayo ng mga taong magpapahayag ng Mabuting Balita, Tamang Balita at nakatutulong na Balita; at hindi FAKE NEWS.

Pwede ka ba?

Paano ba ako magiging propeta sa panahon natin?

Mga kapatid, majority sa atin ay may mga cellphones na. Marami din naman ang may Facebook o Messenger. Ang makabagong teknolohiya at pamamaraan ng pakikipag-ugnay ay maaari nating gamitin upang maipahayag ang Mabuting Balita mula sa Panginoon. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito at teknolohiyang ito na nangangalat at naipapahayag ang mga FAKE NEWS, gayundin nagagamit upang sirain ang kamalayan ng mga kabataan. BAKIT NGA BA HINDI NATIN GAMITIN ANG MGA ITO UPANG IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA? Kung titingnan natin ang ating mga sarili, maraming oras tayong nagagamit at naaaksaya dahil sa mga cellphones, Facebook at marami pang iba. Bakit di natin gamitin ito ng kapaki-pakinabang. Ano nga ba naman ang magpost tayo ng isang verse mula sa Bible. Ano ba naman ang i-share natin ang mga kabutihan ng Diyos na naranasan natin. Ano ba naman ang i-post natin ang mga katuruan ng ating simbahan lalo na sa mga turo na sumasagot sa karaniwang paninira ng ibang dominasyon at relihiyon laban sa atin.

Sa pamamagitan ng munting gawain na ito ay makakatulong tayong maipahayag ang Mabuting Balita. Tayo nawa ay makabilang sa mga propeta sa panahon natin ngayon.

Amen.

Nais (February 1, 2019)

Friday, 3rd Week in Ordinary Time

“You need endurance to do the will of God and receive what he has promised.”

Kung may ginugusto o ninanais tayo, usually nagsasakripisyo tayo o nagtitiis tayo. May pagkakataon na may mga igini-give up pa nga tayo para ang ninanais natin ay makamtan natin.

Sana ito din ang maging attitude natin pagdating sa Panginoon. Gusto o mahal natin Siya at ninanais natin na makapiling Siya kaya willing tayong magtiis at iwan ang mga bagay na humahadlang upang mapalapit tayo sa Kanya.

Humingi tayo ng biyaya sa Panginoon upang tayo ay maging matiyaga at matatag sa pagsunod sa kanya kahit ito ay nangangahulugang magtiis, magsakripisyo at masaktan sa ngalan ng pagmamahal sa Kanya.

Amen.

Ilaw (January 31, 2019)

“Is a lamp brought in to be placed under a bushel basket or under a bed, and not to be placed on a lampstand?”

Sa Ebanghelyo natin ngayon, nais kong bigyang diin sa aking pagninilay ang ILAW na dala ng lampara na binabanggit ng Panginoon.

Ano nga ba ang paalala ng ILAW sa lampara na nabanggit ng Panginoon mula sa ating Ebanghelyo?

I – wasan at iwanan ang mga tao, bagay at pagkakataong naglalayo sa atin sa Panginoon at nagdadala sa atin sa kapahakan.


L – akasan ang loob… huwag mahiya at matakot lumapit sa Diyos upang humingi sa kanya ng tulong.


A – lalahanin lagi ang Salita ng Diyos na siyang tunay na ilaw na gagabay sa ating paglalakbay.

W – ag mahihiya o matatakot ibahagi sa kapwa ang karunungan na natutunan para sila man ay makasunod sa landas itunoro ng Panginoon.

Mga kapatid nawa makatulong sa ating paglalakbay ang ilaw na ito upang liwanagan tayo sa ating paglalakbay.

Amen.

FC (January 29, 2019)

Tuesday, 3rd Week in Ordinary Time

“Whoever does the will of God is my brother, sister and mother.”

FC, ito ang isa sa mga kantiyaw sa mga taong FEELING CLOSE. Maari din nating gamitin ito sa ating relasyon sa Diyos. Close ka ba kay Lord o FC lang?

FC tayo kapag puro lamang tayo dasal pero wala naman tayong effort na isabuhay/sundin ang kanyang kalooban. FC lamang tayo sapagkat malayo tayo sa kanya kapag di natin ginagawa ang kanyang kalooban. 

Ang tunay na malapit sa Kaniya ayon sa ating Ebanghelyo ngayon ay mga gumagawa ng kalooban ng Diyos.

Magandang pagnilayan natin ang ating buhay. Tanungin natin ang ating sarili kung nag-eeffort ba tayo upang tunay na mapalapit sa Kaniya?
O nananatiling FC lang ako kay Lord?

Panginoon, tulungan at turuan mo po ako maging tunay na close at di lamang feeeling close sa Kaniya.

Amen.

Sto. Tomas (January 28, 2019)

Monday, 3rd Week in Ordinary Time

The scribes who had come from Jerusalem said of Jesus, “He is possessed by Beelzebul,” and “By the prince of demons he drives out demons.”

Sa Ebanghelyo ay nagpaliwanag ang ating Panginoong Hesus para sa pagpapaunawa na tila ba sinasabi Niya sa mga tao lalo na sa mga eskriba na tila ba walang ka-LOGIC-LOGIC at kulang na kulang sa pag-iisip at pagninilay sa realidad.

Sa pananampalataya, hindi lamang basta tanggap ng tanggap. Kailangan din unawain.

Sa pananampalataya, hindi pwedeng reklamo lang ng reklamo o kritiko lang ng kritiko; mahalagang inuunawa din natin ito.

Sa pananampalataya, kailangan din mag-isip. Kailangan din na gamitin ang talino at galing.

Ito rin naman ang ipinapahayag ni Sto. Tomas; ang gamitin ang talino at maayos na pag-iisip tungo sa kaunawaan. Kaya nga sa kanyang mga isinulat makikita natin ang paggamit niya ng kanyang talino at galing pati na rin ang kanyang pilosopiya.

Amen.

MMK (January 27, 2019)

3rd Sunday in Ordinary Time

MMK stands for Maalaala Mo Kaya.

Ito ang kantiyaw sa mga taong palimot-limot. Pwede ito gamitin para sa mga busy na nakakalimot; sa mga operado na nakakalimot at gayundin sa mga nasa edad na kaya nakakalimot.

Pwede rin gamitin sa mga taong nakakalimot sa Diyos, mga Na-MMK kay Hesus.

Tatlong dahilan kung bakit tayo ay nakakalimot sa Diyos:
1. Dahil sa PERA
2. Dahil sa kagustuhan o inaasam na ipinipilit kahit na mali.
3. Dahil sa mga panandaliang kasiyahan na kaloob ng Diyos.

At marami pang iba.

Para sa ating nakakalimot sa Panginoong Hesukristo, MMK din ang paalala.

Magbasa at Makinig ng Salita ng Diyos. 

M – agnilay para mauanawaan ang Salita ng Diyos

K – umilos at huwag tatamad-tamad sa pag-aaral at pag-unawa sa Salita ng Diyos.

Ang Ebanghelyo sa Linggong ito ay nagpapahayag ng katotohanan patungkol sa Panginoon. Nawa ay basahin, pakinggan at pagnilayan natin ang mga Salitang ito upang mas makilala pa ang Panginoon.

Amen.

INAY CANDI: TAGAPAGTANGGOL NG MGA SUMUSUNOD KAY KRISTO (January 26, 2019)

Ang Inay Candi Tagapagtanggol?
(Kwento ng Paracaleño)

Ngunit bukod dito nauunawaan ko ang na siya ay tagapagtanggol dahil siya ay isang INA (John 19:27) 

Naalala ko:

Isang pamilya ang binisita ko. Doon ako ay nakikain at pagkatapos nakikape na din. Habang ako ay nagkakape, nagkwento ang kaibigan ko tungkol sa kanyang anak. Sabi pa niya, inaapi ng ilang mga bata ang kanyang anak, kinakantyawan, sinisiraan at kung anu-ano pa. At dahil doon sinugod niya ang mga bata at pinagsaabihan gayundin ang mga magulang nito. Sabi ko naman sa kanya, “Mga bata yan, hayaan mo sila at huwag kang makikisali sa away ng mga bata.” Ngunit nabigla siya at nag-react agad na ang sabi “Father, di po pwede yun, palibhasa di ka po INA.”

Ganoon din ang Inay Candi. Ang pagtatanggol niya ay hindi sa MADUGONG PAMAMARAAN ngunit sa kanyang pagiging INA. Ang nais niya ay mapabuti tayo kaya ang pagtatanggol niya ay nauna na. Wala pa man ang tagapag-usig ay tinutulungan na niya at iniiwas niya tayo sa pamamagitan ng paggabay sa atin sa pamamagitan ng kanyang HALIMBAWA na dapat nating TULARAN. Ito ay upang tayo ay maiadya sa maaring mang-usig sa atin at sa iba pang kapahamakan. Hinihikayat niya tayong:

L – isten (John 2:7) 
“Do whatever he tells you.”

P – rayer (Luke 2:19)
Mary treasured up all these things and pondered them in her heart.

A -cceptance of the will of God (Luke 1:38) Your will be done.

Si Inay Candi ay mananatiling tagapagtanggol natin sapagkat siya ay ating INA. Makinig tayo sa kanya at magpa-gabay tayo sa kanya.

Amen.

Conversion (January 25, 2019)

Feast of the Conversion of St. Paul

Sa unang pagbasa ipinahayag ang pagtawag kay San Pablo. Sa kabila ng kaniyang ginawang pang-uusig sa mga tagasunod ng Panginoon, pinili pa rin siya at tinawag ng Panginoon upang kanyang maging lingkod.

Para sa Panginoon hindi mahalaga ang Kaniyang nakaraan kundi ang pagtanggap sa kanyang paanyaya at patuloy na pagtitiyaga sa pagsunod sa Kaniya.

Mga kapatid, magandang tanungin natin ang ating sarili ng mga sumusunod na mga katanungan:

  • Kailan kaya ako magpapakumbaba upang tanggapin ang aking mga pagkakamali sa Diyos at sa aking kapwa?
  • Kailan kaya ako dudulog sa Sakramento ng Kumpisal upang mapatawad sa mga kasalanan?
  • Kailan kaya ako TOTOONG MAGBABAGO, hindi lamang iiwas gumawa ng masama kundi GAGAWA o KIKILOS ng mabuti?

Mga kapatid, huwag po tayong matakot tularan si San Pablo na kilalanin pa ang Panginoong Hesus. Huwag din sana tayong matakot sundin at sundan siya habang tayo ay nabubuhay.

San Pablo Apostol, ipanalangin mo po kami.

Amen.