Feast of the Conversion of St. Paul
Sa unang pagbasa ipinahayag ang pagtawag kay San Pablo. Sa kabila ng kaniyang ginawang pang-uusig sa mga tagasunod ng Panginoon, pinili pa rin siya at tinawag ng Panginoon upang kanyang maging lingkod.
Para sa Panginoon hindi mahalaga ang Kaniyang nakaraan kundi ang pagtanggap sa kanyang paanyaya at patuloy na pagtitiyaga sa pagsunod sa Kaniya.
Mga kapatid, magandang tanungin natin ang ating sarili ng mga sumusunod na mga katanungan:
- Kailan kaya ako magpapakumbaba upang tanggapin ang aking mga pagkakamali sa Diyos at sa aking kapwa?
- Kailan kaya ako dudulog sa Sakramento ng Kumpisal upang mapatawad sa mga kasalanan?
- Kailan kaya ako TOTOONG MAGBABAGO, hindi lamang iiwas gumawa ng masama kundi GAGAWA o KIKILOS ng mabuti?
Mga kapatid, huwag po tayong matakot tularan si San Pablo na kilalanin pa ang Panginoong Hesus. Huwag din sana tayong matakot sundin at sundan siya habang tayo ay nabubuhay.
San Pablo Apostol, ipanalangin mo po kami.
Amen.