Rabi (January 5, 2019)

Weekdays of Christmas Season
John 43:51

Sa ating Ebanghelyo, kinilala ang Panginoon bilang RABI. Ang RABI ay salitang nangangahulugang GURO. Ito ay pagkilala sa kanya bilang gabay at tagapagturo.

Sa pagsimula ng taon natin, matularan sana natin si Nathanael at ang lahat ng mga banal o santo na kinilala ang ating Panginoon bilang GURO na tagapagturo at gabay nila sa buhay. Katulad nila maging matuwid nawa ang ating pamumuhay.

Amen.

Golden Calf (April 4, 2019)

Thursday, 4th Week of Lent

“They have soon turned aside from the way I pointed out to them, making for themselves a molten calf and worshiping it, sacrificing to it and crying out, ‘This is your God.”

Magandang pagnilayan ito. Sa ating unang pagbasa, ipinahayag dito na ang mga Israelita ay lumikha ng gintong guya na ginawa at nagsilbing diyos-diyosan nila.

Ito ang bagay na siyang binigyang halaga ng mga Israelita kaysa sa Diyos na totoo. Sa halip na mapalapit sa Diyos, sila ay napalayo.

Ikaw? Ano nga ba ang Golden Calf o Gintong guya o diyos-diyosan sa buhay mo na nagsisilbing sagabal sa iyong ugnayan sa Diyos? Anu-ano ang pumipigil sa iyo upang lumalim ang iyong relasyon sa Diyos?

Sana makita natin ito. 
Sana mabago natin ito sa tulong ng biyaya ng Panginoon.

Amen.