Bukas (March 11, 2020)
Wednesday, 2nd Week of Lent
Bakit nila nais patayin si Jeremias?
Sa Ebanghelyo naman, inilalahad ng Panginoong Jesus ang mangyari sa kanya, huhulihin, dadalhin sa mga pinuno, pahihirapat at ipapapatay. Bakit?
Pareho ang dahilan kung bakit sila mapapahamak. Sapagkat nagsasalita sila ng totoo at ipinakikita nila sa mga taong kausap nila ang kamalian nila. Ang pagligpit o pagpatay sa kanila sa kanila ay ang reaksyon nila.
Ikaw? Kapag itinatama ka, kapag pinagsasabihan ka, kapag tinatawag ang iyong pansin tungkol sa iyong mga pagkakamali, ano naman ang iyong reaksiyon?Nagagalit? Nagtatampo? Nagiisip ng gumanti? Naghihinanakit?
Mga kapatid, ito ang natural na tendency natin lalo na kung ang tumawag ng pansin natin ay wala sa lugar. Ngunit sa halip na magalit tayo o kung kung ano pa man, mas mainam isipin natin na ito ay pagmagandang loob (ng tao mismo na nagpapaalala o/at ng Diyos na kinakasangkapan ang taong iyon) para paaalalahanan o pagsabihan tayo.
Gayundin, mainam na pagnilayan natin ang kanilang sinasabi at nang makita natin ang dapat natin makita. Kung totoo magandang mabago natin ito. Tandaan ang katotohanan na may mga bagay naman talagang di natin napapansin o nakikita sa ating sarili na nagagawa natin.
Panginoon, tulungan mo po kaming maging bukas upang matuto kaming makinig sa Iyong mga paalala sa pamamagitan ng paalala ng aming kapwa.
Amen.


