Namumuno/Lider (April 3, 2020)
Friday, 5th Week of Lent
Sa Unang Pagbasa si Jeremias ay inuusig at nais dakpin at ipahamak. Ito din ang kwento sa ating Ebanghelyo ngayon, ang Panginoong Hesus ay inuusig at ninanais ng dakpin.
Sa parehong kwento makikita natin na ang aksiyon na ito ay sa pangunguna ng kanilang mga namumuno/lider (Pariseo at mga Eskriba). Sa panahong iyon, may pamumulitika na din. Inuusig nila ang mga nagpapahayag ng katotohanan at mga gumagawa ng mabuti sapagkat ito ay nakikita nilang banta ito sa kanila. Ito ay katulad na din ng nangyayari ngayon (kapag nagsalita ka ng katotohanan ikaw ay uusigin at babalikan at kapag may initiatives ka ipapatawag at iimbestigahan). Sa panahong iyon, iyon din ang ang dahilan ng kapahamakan ng mga sugo ng Diyos (propeta) maging ng Panginoong Jesus… Sila ay napahamak, sila ay inakusahan… Sila ay pinatay.
Malaki ang responsibilidad, malawak ang nasasakupan, madami ang isipin at may kapangyarihan ang ating mga pinuno o lider. Dahil dito MALAKI din ang TENTASYON sa kanila. Kaya nga mga kapatid, LAGI SANA NATIN IPAPANALANGIN ANG ATING MGA LIDER/NAMUMUNO sa PAMAHALAAN at SIMBAHAN. kailanganan din nila ng ating MGA (madaming-madami) PANALANGIN.
Hilingin natin sa Panginoon na ipadala sa kanila ang Banal na Espiritu upang liwanagan ang kanilang isip at gabayan sila sa kanilang mga desisyon at aksyon. Hilingin din natin sa Panginoon na bigyan sila ng PUSONG tunay na nakatuon sa PAGLILINGKOD at PAGTULONG sa mga mamamayan na kanilang dapat paglingkuran lalo na ngayong may pinagdaraanan tayong krisis sa buong mundo.
Panginoon gabayan at tulungan Mo po kami lalo na ang mga namumuno sa amin.
Amen.


