Paano (November 8, 2019)

Friday, 31st Week in Ordinary Time 

Binigyan tayo ng Diyos ng Talino at Galing. Binibigyan niya din tayo ng iba’t-ibang oportunidad. Ang tanong… PAANO NATIN GINAGAMIT ITO?

Maging mabuting katiwala sana tayo ng kanyang mga kaloob. Gamitin natin ito sa ating ikabubuti at ng ating kapwa. Gamitin natin ito sa pagkakaroon natin ng mas malalim na ugnayan sa Diyos.

Amen.

Tingin sa Sarili (November 7, 2019)

Thursday, 31st Week in Ordinary Time 

“The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus, but the Pharisees and scribes began to complain, saying, This man welcomes sinners and eats with them.”

Katulad ng mga Pariseo, minsan ang taas-taas ng tingin natin sa ating mga sarili… kaya nga kung minsan akala natin mas magaling tayo at mas okay tayo kaysa sa iba kaya nga kung makapang-lait o makapagsalita tayo sa iba ay matindi.

Mga kapatid, lahat tayo nagkakamali at nagkakasala kaya huwag nating husgahan ang sinuman sapagkat wala tayong karapatan. Bago natin sila husgaan, magandang tingnan muna natin ang ating mga sarili.

Kung nagkamali man ang ating kapwa… paalalahanan, gabayan at tulungan sila at higit sa lahat, ipagdasal sila. Tanging ang Diyos lamang ang may karapatang maghusga sa atin. Hindi ikaw o ako…

Panginoon, paumanhin po sa mga pagkakataong nagmamataas ako at minamaliit ko ang kapwa ko. Tulungan mo po ako upang makita ko din ang aking mga kahinaan.

Amen.

Sit (November 6, 2019)

Wednesday, 31st Week in Ordinary Time

“Which of you wishing to construct a tower
does not first sit down and calculate the cost to see if there is enough for its completion?”

As the person who wish to construct a tower and the king who is about to go in a battle SAT DOWN to make a careful evaluation of their situation and their task… we too are invited to SIT and make a careful evaluation of ourselves, our situation and our journey. We are called to SIT AND PRAY.

S-PEND time with the Lord in PRAYER. Talk to Him and seek His guidance everyday. We need his presence and guidance everyday especially when making decisions for our lives.

I-NTERNALIZE the WORD OF GOD. We must sit/pause for a while everyday to read the word of God and reflect upon it. By doing so, we may be able to understand and hopefully accept it, allowing it to become part of us in the sense that it will become our guiding principles as we live.

T-RUST God. We must sit down and remember his goodness to us. He has been blessing us throughout our lives that is why we have to believe in him and trust him… no matter what happened we must stick to him, we must never doubt but continue to ask his help and never let go.

My dear brothers and sisters, never forget to SIT… pause for a while and pray.

Amen.

Vamonos (November 5, 2019)

Tuesday, 31st Week in Ordinary Time

“Go out to the highways and hedgerows and make people come in that my home may be filled.”

Lagi naman tayong invited ng Diyos sa kanya pero bakit di tayo tumutugon sa kanyang panawagan… bakit di tayo lumapit sa kanya?
Isa marahil sa mga dahilan kung bakit di tayo makatugon ng maayos at mabuti sa Panginoon ay dahil sa ating nga ATTACHMENTS. Saan ba tayo attached? Ano ba ang pumipigil sa atin upang tumugon sa Panginoon? 

Mga kapatid, ang paanyaya sa atin ay VAMONOS… LET US GO… LET US LEAVE BEHIND/ BE DETTACHED FROM THOSE (THINGS/PERSONS) THAT HINDER US FROM FOLLOWING JESUS. 

Panginoon, turuan mo po akong tumugon sa iyo.

Amen.

Humilitas (November 4, 2019)

Monday, 31st Week in Ordinary Time

Sa araw na ito, inaalala natin si St. CHARLES BORROMEO. Isang santong nagnais na maisaayos ang simbahan sa pamamagitan ng reporma/pagbabago lalo na sa mga namumuno nito… ang mga kaparian. Kaya nga ninais niya at pinahalagahan niya ang pormasyon ng mga nagnanais na maging pari. Ngunit kung pagninilayan nating mabuti, HINDI lang dapat ang mga namumuno ang dapat magbago… mahalaga na tayong LAHAT na miyembro ng simbahan, mga anak ng Diyos ay magbago din. 

Isa sa mga birtud na kailangan upang mangyari ito ay ang HUMILITAS/HUMILITY o KABABAANG-LOOB. Bakit nga ba ang hirap tanggapin ng mga utos ng Diyos? Dahil sa ang madalas ang gusto natin ay masunod ang ninanais natin kaysa sa kalooban ng Diyos. Madevelop sana natin ito sa ating buhay upang tunay na matanggap at masunod natin ang kalooban ng Diyos.

Panginoon, tulungan mo po akong magkaroon ng mababang-loob upang matutunan kong tanggapin at sundin ang ninanais mo.

Amen.

Sorry (November 3, 2019)

31st Sunday in Ordinary Time

Madaling sabihin ang SORRY pero ang tanong dito ay kung gaano KA-TOTOO ang SORRY natin? 

May dalawang mahalagang punto tayong maaring makita kay Zacchaeus sa ating Ebanghelyo.

Una, ang totoong sorry ay naghahangad ng mabuti sa taong nagawan ng mali. 

Ikalawa, handang ayusin/irepair ang damage na nagawa ng pagkakamali sa kapwa.

Mga kapatid, hindi sapat ang salitang SORRY. Kailangan ito ay galing sa kaibuturan ng ating puso/sincere… ito ay may kasamang pagsisisi, mabuting paggawa upang maayos ang ugnayan.

Amen.

Buhay (November 2, 2019)

All Souls Day

Isang text message ang ibinahagi sa amin ng isa sa mga kamag-anak namin habang kami ay nagkwekwentuhan sa sementeryo… 
sabi sa text…

Tinatamad ka bang bumisita sa mahal mo sa buhay sa sementeryo? Text Dalaw and send to 2633 at SILA MISMO ANG DADALAW SA IYO! Press these numbers for options: 
1. Nakasilip sa Bintana
2. Nakatingin sa iyo habang natutulog ka
3. nakatayo sa iyong paanan
4. Nakahiga sa tabi mo
5. Nakatayo sa likod mo habang nagsasalamin ka
6. Nasa rear view mirror mo habang nagmamaneho ka
Ano pa ang hinihintay mo? Text na #Undas2019

Mga kapatid, marahil ito ay isang biro lamang pero ito ay positibong nagpapakita sa atin ng ating pananampalataya sapagkat ito ay tanda ng pagtanggap sa katuruan ng ating Panginoong Jesus na hindi magwawakas sa kamatayan ang lahat. Tinatanggap natin ang katotohanang may buhay pagkatapos na mamatay at may buhay na walang hanggan. Ito rin ang makikita natin sa ating mga pagbasa ngayon lalo na sa ating Ebanghelyo. Sa Ebanghelyo, kinakausap ng Panginoong Jesus ang mga Hudyo ang tungkol sa silid na inihahanda niya, ang tahanan ng Ama, at ang pagdala sa atin doon. Dito ipinapahayag sa atin ang katotohanan ng buhay na walang hanggan at naisin natin ito.

Mga kapatid ito ang katotohanan na dapat nating tandaan at kaugnay nito ay ang katotohanan din na marapat lamang nating ihanda ang ating mga sarili para dito. Ito po ay nangangahulugang ayusin natin ang ating mga pagkilos para sa ikabubuti ng ating hinaharap. Ika nga “what we do on life echoes in eternity” kung maayos ang buhay na nasimulan natin dito tiyak ito na maayos din ang ating patutunguhan. 

Manalangin tayo:

Panginoon, tangilikin sana po namin ang tungkol sa buhay na walang hanggan at katulad ng mga banal sa kalangitan, matutunan sana nating ihanda ang ating mga sarili.

Amen.

Undas

ALAMIN NATIN: 

Saan nanggaling ang salitang “undas”?

Ang pista ng patay sa Pilipinas ay tinatawag nating “Undas.” Ang salitang “Undas” ay nagmula sa Espanyol na “honras funebres” o funeral honors. (Dr. Lars Raymund Ubaldo)

Ang salitang “honra” ng Espanyol, na siyang pinanggalingan ng pangmaramihan na “honras”, na nangangahulugan ng pagbibigay-galang o pitagan. Gaya ng ilang marunong mangastila, ang “h” ay hindi binibigkas sa naturang wika kung kayat nawala din ito sa baybay Tagalog. Ang “o” at “u” sa Tagalog ay kabilang sa iisang tunog, pero may sagradong tradisyon sa baybay Tagalog din “u” ang ginagamit kapag wala sa dulong pantig at “o” naman kapag nasa dulong pantig. Kaya “tustos” pero “tustusan” ang tumpak na baybay sa nasabing mga salita. Bakit naman naging “d” ang orihinal na “r”? Batid ng nakakaalam na ang “d” at “r” sa Tagalog ay nabibilang sa iisang tunog at mayroon ding sagradong tradisyon sa paggamit ng mga tunog at baybay tungkol dito. Ito ay: “r” kapag nasa pagitan ng dalawang patinig, at “d” naman sa ibang kaligiran. Sapagkat ang “r” ay wala sa pagitan ng dalawang patinig, ang bigkas dito ay “d”. Bilang pangwakas, sinabi ko rin na may mga bumibigkas ng “undras”. Sa linguistika, may tinatawag na faithfulness constraint sa panghihiram. Ang bigkas na “undras” ay tapat sa tuntuning Tagalog na “d” kapag wala sa pagitan ng dalawang patinig at tapat din sa orihinal na “r” ng Espanyol.

Pursigido (October 31, 2019)

Thursday, 30th Week in Ordinary Time

“Go away, leave this area because Herod wants to kill you… I must continue on my way today, tomorrow, and the following day…”

Kapag may gusto may paraan… hindi ba ganoon tayo… ginagawa natin ang lahat paraan para sa gusto natin.

Sa Ebanghelyo natin ngayon, ang Panginoong Jesus ay may babala tungkol kay Herodes na nais siyang ipapatay, ngunit ipinakita ng Panginoon na pursigido sa atin… pursigido siyang tapusin ang kanyang misyon, ang maipahayag ang Mabuting Balita kaya walang makapipigil sa kanya kahit na nga ang banta ng kamatayan.

Mga kapatid, ang Panginoong Jesus ay ganoon ka-pursigido sa atin… paano naman tayo? Pursigido din ba tayo sa Panginoon? Sana maipakita natin ang pagpupursigi natin para sa Panginoon sa araw-araw ng ating buhay. Kung talagang mahal mo ang Panginoon, ano ang gagawin mo? Kung talagang gusto Siya, may mga bagay kang igigive-up.

Panginoon, tulungan mo po kaming iwan ang mga bagay na humahadlang sa aming pagtugon sa iyo bilang tanda ng matinding pagmamahal at pagnanais namin sa iyo.

Amen.

Banal na Espiritu (October 30, 2019)

Wednesday, 30th Week in Ordinary Time

“Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama.”

Lahat naman tayo ay may kahinaan.
Sa araw na ito, alalahanin natin ang ating mga kahinaan. 

Paano nga ba natin matutugunan ang ating mga kahinaan? 

Una, kailangan nating aminin na totoong may kahinaan tayo.
Ikalawa, mahalaga ang kagustuhan at desisyon nating ayusin at malampasan kung anuman ang kahinaang meron tayo.
Ikatlo ay ang pagtawag natin sa Diyos lalo’t higit sa Banal na Espiritu Santo para tayo ay magabayan. Sabi nga sa unang pagbasa…”tinutulungan tayo ng Diyos sa ating mga kahinaan.” Kaya lumapit tayo sa kanya huwag matakot at huwag mangamba.

Panginoong ipadala mo po sa amin ang banal na Espiritu upang kami ay patuloy na magabayan at matulungan.

Amen.

Small Things Matter (October 29, 2019)

Tuesday, 30th Week in Ordinary Time

Noong nasa ako seminaryo pa ako bilang tagahubog ng mga semenarista, ulit-ulit kong sinasabi sa kanila… “small things matter…” Anumang maliit na mabuti pwede nating magawa ay gawin natin. Hindi natin kinakailangan maghintay ng malalaking pagkakataon para makatulong at makapag-contribute para sa komunidad.

Mga kapatid, sa pagsunod natin sa ating Panginoon, tandaan natin, kumilos tayo… gumawa tayo ng mabubuting maari nating magawa araw-araw. Hindi na baleng
maliit basta ito ay malimit at galing sa puso, ito ay patungong langit sapagkat kinalulugdan ng Diyos ang mga taong bukaspalad.

Panginoon, turuan mo po kaming matularan ka… bukaspalad sa aming kapwa at maging laging handa na maglingkod.

Amen.

Sts. Jude and Simon (October 28, 2019)

Monday, 30th Week in Ordinary Time

Ngayon ay araw ng mga santong sina San Simon at San Judas. Ano nga ba ang maari natin matutunan sa kanila.

Una, kay San Simon… siya ay tinatawag na zealot… makabayan ngunit ng makilala niya ang Panginoon ipinakita niya ang kanyang sigasig/zeal sa paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos hanggang sa huli.

Ikalawa, San Judas na nilalapitan ng maraming tao dahil sa kanyang intersesyon. Tinagurian pa nga siyang Patron ng Hopeless Cases o Imposible Cases. Dahil dito ipinakikilala niya sa atin kung sino ang Diyos natin… ang na ating Diyos ay makapangyarihan sapagkat WALANG IMPOSIBLE sa kanya. Gayundin ang Diyos na maibigin sapagkat sumasaklolo siya sa atin at ang Diyos na mapagpala.

Nawa’y tularan natin sila at tanggapin ang kanilang itinuturo.

Amen.

Diyos ng Pag-ibig (October 27, 2019)

30th Sunday in Ordinary Time

“But the tax collector stood off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’

Ipinapahayag sa atin na ang ating Diyos ay PAG-IBIG kaya tayo KINAAWAAN, INUUNAWA at PINATATAWAD. Katulad ng publikano sa Ebanghelyo, huwag tayong matakot lumapit sa kanya ng may kapakumbabaan.

Panginoon, patawarin mo po ako sapagkat ako ay makasalanan.

Amen.

Bunga (October 26, 2019)

Saturday, 29th Week in Ordinary Time

“For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none.”

Ang puno ng Igos/fig tree ay isa sa mga favored na tanim sa lugar nila. Kailangan nito ng malawak na lugar at magandang lupa para lumago ito at mamunga. Favored siya sapagkat pinagtitiyagaan siyang lumago. Ayon sa sa mga komentaryo, ang unang tatlong taon ng bagong tanim na igos ay hindi pinakikinabangan. Kapag namunga ito sa ikaapat na taon, ito ay dapat ialay sa Panginoon. Tanging sa ikalimang taon lamang ito mapakikinabangan ng nagtanim nito. Kaya nga matagal bago talagang mapakinabangan ang bunga nito.

Sa ating ebanghelyo ngayon, bukod sa apat na taon na paghihintay, tatlong taon pang delayed ang pamumunga ng igos. Samakatuwid, pitong taon na itong di namumunga. Sa mata ng may-ari ito ay walang pakinabang ngunit ang magsasaka ay di pa sumusuko at patuloy na nagtyatyaga at nagnanais mamunga.

Maihahalintulad natin ang ating mga sarili sa puno ng igos. Tayo ay mga pinagpala/favored ng Diyos at hindi natin ito maitatanggi. Ngunit ang tanong… 
Namumunga na ba tayo? 
Anu-ano nga ba ang mabubuting nagawa ko na at ginagawa ko tanda ng aking pamumunga?
Tandaan po natin, katulad ng magsasaka ay matiyagang naghihintay ng ating bunga.

Mga kapatid, hilingin natin sa Panginoon na tulungan niya tayong mamunga. Hilingin natin sa kanya na maging tuloy-tuloy ang ating pamumunga para sating kabutihan at kabutihan ng mga taong natutulungan natin.

Amen.

Paninindigan (October 24, 2019)

Thursday, 29th Week in Ordinary Time

“Do you think that I have come to establish peace on the earth?
No, I tell you, but rather division”

“Di na lang ako iimik para walang gulo/away…” ito ang madalas sinasabi ng marami. Totoo walang gulo o magiging conflict pero ang problema hinahayaan na ang kapwa ay patuloy na magkamali at in the long run mapahamak pa.

Ang Dahilan ng pagkakabaha-bahagi na nabanggit sa ebanghelyo ay dahil sa katotohanang ipinahahayag at pinaninindigan ng Panginoon. Sa ating mga Ebanghelyo, mababasa natin na ang Panginoon ay hindi nananahimik bagkos nagsasalita tungkol sa tama at mabuti. Itinatama niya ang pagkakamali ng mga tao at itinuturo ang ang dapat kaya nga lang may mga nagagalit sa kanya… kaya nga siya ay itinaboy, sinusubok at sa huli ipinako sa krus.

Mga kapatid, sana maging katulad din tayo ng Panginoong Jesus, may paninindigan sa tama at mabuti. Katulad niya, huwag tayong manahimik na lang. Sa maayos na pamamaraan, sa tang oras at pagkakataon ay kausapin ang nagkakamaling kapwa at huwag nating hayaan na patuloy na nagkakamali at huwag na din nating hintayin na mapahamak pa siya.

Panginoon, turuan mo po akong manindigan sa tama at mabuti at huwag mo po ako hayaang i-tolerate ang mali.

Amen.