Salamat Po (November 28, 2019)

Thursday, 34th Week in Ordinary Time

Ipinapahayag sa Ebanghelyo ang tila ba katapusan ng mundo… nabanggit ang ugong at daluyong ng dagat, mga sakuna at ang kahimbal-gimbal pagkawala ng landas ng mga planeta at iba pa. Ngunit dapat ba tayong mangamba o matakot? Hindi dahil ang dalawang huling pangungusap ng ating Ebanghelyo ay assurance na kung mangyari man iyon ay nariyan ang DIYOS. Hindi siya magpapabaya bagkos sasamahan niya tayo upang iadya sa anumang masama.

Sana araw-araw ito rin ang lagi nating iniisip mula sa paggising hanggang sa matapos ang araw… na “lahat ay magiging maayos dahil nariyan ang DIYOS at kasama-sama natin ang siya.”

Salamat po Panginoon sa iyong walang sawang pagmamahal sa amin sa kabila ng aming nga kakulangan at kahinaan.

Amen.

Saksi (November 27, 2019)

Wednesday, 34th Week in Ordinary Time 

“They will seize and persecute you, they will hand you over to the synagogues and to prisons… it will lead to your giving testimony.”

Isa sa mga hinahangad sa atin ay ang maging totoo tayo sa ating pananampalataya at maging saksi nito saan man tayo naroroon.

Sa panahon noon, inuusig ang mga mananampalataya. Itinatatwa ng mga kaibigan at kahit pamilya. Dinadala sa mga hukom at marami ay hinahatulan at pinarurusahan. Kaya sa panahon noon mahirap ang manampalataya ngunit madami pa din ang nananampalataya at sumasaksi dito. 

Sa panahon natin ngayon, wala na ang mga iyon… malaya na tayo. Ang nanatili na lang ay ang panawagan na maging totoo sa pananampalataya at maging mga tunay na saksi. 

Ikaw, masasabi mo bang sumasampalataya ka sa Diyos at ang iyong pang-araw araw na buhay ay nagpapatunay nito?

Panginoon tulungan mo po akong maging totoo sa aking pinananampalatayanan.

Amen.

Mag-ingat (November 26, 2019)

Tuesday, 34th Week in Ordinary Time 

“See that you may not be deceived…”

Sa panahon natin ngayon, may mga sumusulpot na mga personalidad na nagpapakilala dala nila ang katotohanan… o kaya naman may mga sektang dumarating upang linlangin ang mga tao. 
Sa panahon natin ngayon, higit sa mga persona at sekta na sumusulpot ay ang makabagong daan upang tayo ay malinlang. Iyan ay ang Social Media kasama ang mga makabagong teknolohiya.

Kung mapapansin natin tila ba tayo, lalo na ang mga kabataan ay nadidiktahan at naiimpluwensiyahan nito. Napapasunod tayo nito na kahit na nga mali ay napalalabas pang tama. Tayo nga ay dahan-dahan ng nagiging alipin nito. 

Ang ating ebanghelyo mga kapatid ay nagpapaalala sa atin na mag-ingat tayo sa mga darating na sisira sa atin at magdadala sa atin sa kapahamakan… o maglalayo sa katotohanan. Ang social media ay inihanda at ibinigay upang sana’y makatulong sa atin ngunit sa halip na makatulong, ito ay nakakasira sa atin.

Panginoon, nawa ay patuloy mo po kming gabayan lalo’t higit sa makabagong paraan ng panlilinlang upang kami ay di maligaw.

Amen.

Kusing (November 25, 2019)

Monday, 34th Week in Ordinary Time

“…he noticed a poor widow putting in two small coins. He said, “I tell you truly,this poor widow put in more than all the rest;”

Hindi nan nakasalalay sa DAMI at LAKI ng kaloob natin ang ikinatutuwa ng Panginoon kundi kung gaano kalaki ang PAG-IBIG natin nang ipinagkaloob natin ito. Ang mga simpleng pagbibigay/pagkilos ay nagiging makahulugan at kalugod-lugod kung ito ay ginagawa ng may pag-ibig sa Diyos.

Panginoon, turuan mo po kaming maging bukas palad.

Amen.

Sundin ang Loob Mo (November 24, 2019)

Christ the King

“Sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit…”

Ang mga katagang ito madalas nating sinasambit kapag dinadasal ang Ama Namin. 

Magandang pagnilayan natin ito at tanungin natin ang ating mga sarili… kinikilala nga ba natin ang Panginoong Jesus bilang hari? Kung talagang kinikilala natin siya bilang Hari magiging totoo tayo sa dasal na iyon… tutugon tayo at tunay na susundin ang loob niya sa araw araw.

Maghari ka Panginoon sa aking buhay… turuan at tulungan mo po ako sumunod sa iyo para na din sa aking kabutihan. 

Amen

Luha (November 21, 2019)

Thursday, 33rd Week in Ordinary Time 

“As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it…”

Bakit lumuha ang Panginoon? 

L -ove 
Nasasadlak tayo sa kasalanan na maaring magdulot ng ating kapahamakan. Makikita ang kanyang pagmamahal ng siya ay maiyak tingnan niya ang kalagayan ng mga Hudyo at sa huli ay ang pag-aalay ng sarili.

U-nawa
Alam niyang kulang ang ating kaalaman at kaunawaan sa katotohanan. Sa pamamagitan ng kanyang mga biyaya at kanyang mga instrumento, gagabayan niya tayo tungo sa pagkakatuto at pag-unawa.

H-agupit
Ang pagkakamali ng tao ay pagtalikod sa Diyos. Ito ay tila paghagupit na nagdudulot ng sakit. Sa kabila nito ay ang kalooban ng Diyos na ang lahat ay mapabuti.

A-lalay
Marami ang naliligaw at napapahamak. Kailangan natin ng gabay upang di maligaw at di mapahamak. Ang Diyos nangako na Siya ay makakasama natin hanggang sa huli… hindi siya magpapabaya, andyan siya upang umalalay o makilakbay… ang kailangan lang ay maging bukas tayo sa kanyang presensiya. (we must learn to humble ourselves and ask God’s help… we need him because without him we can do nothing)

LUHA ang ibinuhos ng PANGINOON sa ating ebanghelyo kaya LUHA din ang dapat ipalit natin sa kanyang LUHA. L-ove, U-derstanding his will, H-oping for his grace at A-lala na kailangan natin ang gabay ng Diyos.

Amen.

Pagmamahal (November 20, 2019)

Wednesday, 33rd Week in Ordinary Time 

‘Sir, here is your gold coin; I kept it stored away in a handkerchief, for I was afraid of you, because you are a demanding man…”

Ano ang nagdridrive sa iyo upang natin makipag-ugnayan sa Diyos?

Sa ating ebanghelyo, TAKOT ang namamayani sa puso ng lingkod kaya nga hindi siya masaya, ni hindi siya maakapag-isip at maka-kilos ng mabuti kaya nga hindi siya naging mabunga.

Ikaw takot din ba? Sana hindi takot bagkos PAGMAMAHAL at pagnanais na makapiling siya sa huli. Kung pagmamahal ang nasasaloob mo, hindi mahirap ang maglaan ng oras para sa kanya at maglingkod. Ni ang pagsasakripisyo ay hindi issue sa tunay na nagmamahal.

Mga kapatid, matutunan sana nating mahalin ang ating Panginoon at maipakita natin ito sa araw-araw ng ating buhay.

Amen.

Pili (November 19, 2019)

Tuesday, 33rd Week in Ordinary Time

“Eleazar, one of the foremost scribes, a man of advanced age and noble appearance, was being forced to open his mouth to eat pork. But preferring a glorious death to a life of defilement”

“MASARAP ANG BAWAL” isa ito sa mga kasabihan natin. Totoo naman dahil sa may mga gratipikasyon o panandaliang benepisyo tayong nakukuha mula dito ngunit ang isa sa nakakalimutan ay ang CONSEQUENCE ng gawa at desisyong mali. Ito ay tungo sa kapahamakan at tungo sa ating pagkasira.

Kung minsan kapag itinuturo sa atin ang tama, feeling natin di tayo malaya. Kung minsan feeling natin pinagdadamutan tayo o kaya naman deprivation na ito. Madalas di nakikita na ito ay tulong at gabay para sa maayos na buhay. Kung gusto natin ng maayos na buhay makita sana natin na kailangan ding maging maayos at mabuti ang pinipili natin at ikinikilos natin.

Ang unang pagbasa ay isang hamon at paanyaya sa ating piliin at manindigan sa totoo, tama at mabuti. Paalala sa atin ni Eleazar na dapat tayong manindigan sa kung ano ang mabuti sapagkat ito ay paraan natin upang ipakita ang ating pagtugon sa Diyos at gayundin pagpapahalaga natin sa buhay at paghahangad ng maaayos na buhay.

Panginoon tulungan mo po kaming piliin at manindigan sa totoo, tama at mabuti.

Amen.

Bulag (November 18, 2019)

Monday, 33rd Week in Ordinary Time

Jesus asked him, “What do you want me to do for you?”He replied, “Lord, please let me see.”

May mga pagkakataon na nabubulag tayo sa tama at mabuti.
May pagkakataon naman na pinipili nating magbulagbulagan… alam na nating mali, ipinagpipilitan pa din nating gawing tama dahil sa marahil dahil sa benepisyo, gratipikasyon o ano mang nakukuha mula dito.

Sa ating ebanghelyo ngayong Lunes, tampok ang bulag na nagmakaawa sa Panginoon upang tulungang makakita na siya namang ipinagkaloob ng Panginoon. 

Ito din sana ang loobin natin, ang MAKAKITA at mapagaling sa pagka-BULAG.
Ito din sana ang idulog natin sa Panginoon ang mabuksan din ang ating mga mata… kasama ang isip at puso upang makita ang kagandahan ng katotohanang ipinahayag sa atin ng Panginoon. Kapag makita natin ito ay hilingin natin sa Panginoon na tulungan niya tayong mapahalagahan, tanggapin at panindigan din natin ito.

Mga kapatid, naisin sana natin paligiang makita ang kalooban ng Diyos. Huwag sana tayong magbulag-bulagan bagkos manindigan ta totoo, tama at mabuti.

Amen.

Lipas (November 17, 2019)

33rd Sunday in Ordinary Time

“While some people were speaking about
how the temple was adorned with costly stones and votive offerings,
Jesus said, “All that you see here— the days will come when there will not be left a stone upon another stone that will not be thrown down.”

Sa ating ebanghelyo pinaalalahan tayo ng Panginoong Jesus na anumang maganda, anumang dakila, anumang bagay sa mundong ito ay lilipas din kaya huwag lang sana tayong nakatingin o nakatuon dito.

Mga kapatid, bigyang pansin din sana natin mga katotohanang di lumilipas at iyon ay ang DIYOS na NAGMAMAHAL sa atin at NAG-AANYAYA sa atin na lumapit sa kanya.

Kailangan may gawin tayo… kailangan din natin ng effort para makatugon sa KANYA at para na din sa ating MABUTING HINAHARAP. 

Amen.

Dasal (November 16, 2019)

Saturday, 32nd in Ordinary Time

“Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary.”

Madaling manampalataya at umibig sa Diyos kung tahimik at payapa ang ating buhay ngunit paano kung ito ay dumaan sa pagsubok at mga problema. Mananatili pa kaya tayong sumasampalataya?

Sa ating Ebanghelyo ngayon, ipinahayag ng Panginoon ang isang parabula upang bigyang diin ang pagdarasal at pananatili sa pagdarasal lalo na sa panahon ng pagsubok/problema upang di tayo manghina at mapasuko.

Kapit lang sa Diyos. Dasal lang ng dasal… pray until someting happens.

Amen.

Lapit (November 13, 2019)

Wednesday, 32nd Week in Ordinary Time

As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying,“Jesus, Master! Have pity on us!”

Para sa akin, alarming para sa akin ang ilang taong nagkwekwento na nag-attempt silang mag-suicide dahil sa hirap ng kanilang pinagdaraanan. Ito nga ba ang sagot kapag dumadaan sa pagsubok?

Mga kapatid, ang ating ebanghelyo ngayon ay nagpapahayag sa atin ng dapat nating gawin kapag tayo ay nahaharap sa mahirap na sitwasyon. Iyon ay ang LUMAPIT SA PANGINOONG JESUS katulad ng ginawa ng sampung ketongin. Sila ay mga outcasts. Mahirap ang kanilang sitwasyon dahil sa sila ay nilalayuan at naituturing na mga madumi o makakasalanan. Dahil sa kanilang sitwasyon naituturing silang mgs buhay na patay. Ngunit sa ating ebanghelyo makijita nating hindi pagkitil sa sariling buhay ang kanilang sagot kundi ang paglapit sa Panginoon.

Tandaan po natin Siya ay laging nariyan para sa atin at hinding-hindi niya tayo iiwan… manalig tayo sa kanya at umasa sa kanyang tulong at gabay.

Amen.

Lingkod (November 12, 2019)

Tuesday, 32nd Week in Ordinary Time

Ano ang PAANYAYA ng Mabuting Balitang natin sa araw na ito? Nais ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay MAGING TUNAY NA BUHAY. Sabi nga ni Papa Francisco… “Christ is alive and he wants you to BE ALIVE” (Christus Vivit no. 1) 

Paano nga ba tayo magiging BUHAY? 
Masasabi nating tunay tayong mga buhay kung tayo ay magiging TUNAY NA MGA LINGKOD NIYA. Paano?

Una, kung nagsisikap tayong mapalalim ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating paglalaan ng panahon para sa kanya para sa pananalangin at pagtanggap ng mga sakramentong kailangan at makatutulong sa atin.

Ikalawa, kung ang ating pananampalataya ay nakikita sa ating araw-araw na pagkilos at paggawa. Hindi ba sabi nga, “actions speak louder than words.” Kaya nga magandang makita ang buhay na pananampalataya sa ating pakikitungo sa ating kapwa at gayundin paglilingkod para sa mga nangangailangan ng tulong.

Tanungin po natin ang ating mga sarili? Buhay nga ba ang ako/ang aking pananampalataya? Paano ko ito nasabi? Anu-ano ang mga tanda nito sa aking buhay?

Panginoon tulungan at gabayan mo po ako.

Amen.

Ikaw ba ay Buhay? (November 10, 2019)

by: Rev. Fr. Philip Ibasco
32nd Sunday in Ordinary Time

Ito ang MABUTING BALITA na hatid ng mga pagbasa para sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang panahon: “God is not God of the dead, but of the living” (Luke 20:38). Ang Diyos na ating sinasampaltayanan ay ang DIYOS na BUHAY at BUMUBUHAY! Maaari nating iugnay rito ang pahayag ni Hesus tungkol sa Kanyang misyon: “I have come that they may have life and have life abundantly” (John 10:10b).

Ano ang PAANYAYA ng Mabuting Balitang ito? Nais ng Diyos na ang bawat isa sa atin ay MAGING TUNAY NA BUHAY. Ang sinabi ni Papa Francisco sa mga kabataan ay para rin sa lahat: “Christ is alive and he wants you to BE ALIVE” (Christus Vivit no. 1).

Talaga bang buhay tayo? Tayo ay buhay hindi lamang dahil tayo ay humihinga kundi tayo ay BUKAS: bukas ang ating isip upang umunawa; bukas ang ating puso upang magpatawad; bukas ang ating mga palad upang magbigay; bukas ang mga bisig upang yumakap bilang isang kapatid at kaibigan. 

Ang taong bukas ay HINDI MAKA-SARILI. Hindi lamang sariling kaluguran, kapakinabangan at kapakanan ang iniisip at isinasaalang-alang, kundi kung ano ang ang mas mahalaga at ang mas nakabubuting hinihingi ng Diyos at kapwa natin. Ang taong bukas at hindi maka-sarili ay yaong marunong magsakripisyo, magbigay at maglingkod. Ito nga ang tatlong “S” ng tunay na pag-ibig: Sacrifice, Sharing and Service. Ipinakita ito ni HESUS. Siya ang HUWARAN ng taong nabubuhay nang lubos; Siya yaong nagbibigay ng luwalhati sa Diyos.

Tanungin natin ang ating sarili: “Ako ba ay tunay na buhay? Bukas ba ako at hindi makasarili? Sa nakalipas na tatlong araw, anu-ano ang ginawa kong pagsasakripisyo, pagbibigay at paglilingkod?”

Manalangin tayo: “LORD, nais ko pong tunay na sumampalataya sa Diyos na Buhay, ang Diyos ng mga buhay. Tulungan Mo akong manatiling BUKAS upang tunay akong magmahal sa aking pagsasakripisyo, pagbibigay at paglilingkod. Mabuhay nawa akong lagi ayon sa katotohanang ang taong nagmamahal ay nabubuhay nang lubos at siya itong nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Amen.”

Living Church of Love (November 9, 2019)

by: Rev. Fr. Philip Ibasco
Feast of the Dedication of the Lateran Basilica

Catholics celebrate today (November 9) the Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome, which was built on a land formerly owned by the Laterani Family and consecrated in 324 by Pope Sylvester I. Also called the Cathedral of the Most Holy Savior and of Saint John the Baptist and John the Evangelist in the Lateran, this Archbasilica serves as the official episcopal seat of the Pope as the Bishop of Rome. As such, it is considered the “mother and head of all churches of Rome and the world”. 

This feast recalls the dedication of a material church but invites us to be Christ’s “LIVING CHURCH” by accepting the LORD God to dwell in us as individual believers and as a community of faith so that, working in us and through us, He may continue to fill our world with love, peace and joy. The Lord invites us to be His LIVING CHURCH by being His LOVING CHURCH.

Let us pray: “LORD, bless our FAMILIES that they may become and remain what You want them to be – seedbed, school and sanctuary of love – so that from our families will come “LIVING STONES” (1 Peter 2:5) for Your CHURCH OF LOVE. United by faith, inspired with hope, and grounded in love, may we become clear signs and effective instruments of ABUNDANT LIFE (John 10:10b) all for God’s greater glory. Amen.”