Kahinaan (March 1, 2020)

1st Sunday of Lent

Father, bakit ganoon, bakit habang nagpapakabuti ako at ninananis kong mas mapalapitvsa Diyos ay lalo naman tumitindi ang mga pagsubok at ‘pagtetesting’ sa akin?

Marahil isa ka din sa nakakaranas nito. Totoo, habang ninanais nating mapalapit sa Diyos andun din naman ang matinding tukso na sumusubok sa iyo. Nangyayari ito sapagkat ayaw ng demonyo na mapalapit sa Kanya. Tutuksuhin ka at pipigilin ka niyang mapalapit sa Diyos. Hahanapin niya ang weakest spot mo at dun ka niya tutuksuhin ng paulit-ulit.

Ito din yung dapat nating malaman sa ating mga sarili– ang mga kahinaan natin o weaknesses natin na kung saan dun tayo madalas na nahuhulog at nagkakasala. The more na aware tayo dito, the more na maiiwasan natin ang pagkakasala o pagkakamali sapagkat kung alam natin ito maiiwas na agad natin ang ating sarili sa mga okasyon na maari tayong mahulog at magkasala.

Ano nga ba ang kahinaan ko at saan ako madalas nahuhulog at nagkakasala?

Ano/sino/saan ang mga pagkakataon o okasyon na nagdadala sa akin sa pagkakasala?

Ano ang dapat kong gawin para maiwasan ko ang mga ito?

Kapag tayo ay tinutukso, magdasal tayo at tularan ang Panginoon. “SA NGALAN NI JESUS, LUMAYO KA SATANAS.”

Panginoon, turuan at tulungan mo po akong makaiwas sa tukso. Nawa ang loob Mo ang patuloy naming sundin. 

Amen.

Lapit (February 29, 2020)

Saturday After Ash Wednesday

Noong gabi bago ako ma-ordenahan bilang pari, naroon ang takot at ang feeling of unworthiness sa regalong tatanggapin ko. Andoon ang pakiramdam na parang ayaw ko na at gusto ko nang tumakas ngunit ang lahat ng iyon ay napawi ng maalala ko ang ang isang reflection. Sabi nito, “Totoo makasalanan tayo at precisely dapat tayong lumapit sa Diyos dahil sa tayo ay makasalanan.”

Mga kapatid, ito ang makikita natin sa ating Ebanghelyo ngayon. Si Levi, ang mga publikano at ang mga taong itinuturing makakasalanan ay lumapit, nakiisa at nakisalo sa Panginoon. Sila ay tinanggap ng Panginoon at sinaluhan tanda ng kanyang pagtanggap at pagkilala sa kanila tanda ng awa at pagmamahal.

Lumapit din tayo sa Panginoon lalo’t panahon ng Kwaresma. Huwag tayong matakot na lumapit sa kanya kung tayo ay makasalanan sapagkat nariyan siya at handa tayong tanggapin at patawarin sa ating mga kasalanan. Pagsisihan natin ang ating kasalanan at tahakin ang daan sa pagbabago.

Panginoon, kaawaan mo po kaming makakasalanan. 

Amen.

Abo (February 26, 2020)

Ash Wednesday

Sa araw na ito, Miyerkules ng Abo, tandaan natin ang mga sumusunod. 

A-lalahanin ang pag-ibig ng Diyos na siyang pagninilayan natin ngayong panahon ng Kuwaresma. Ito ang pag-ibig na nagdulot ng pag-aalay niya ng kanyang sarili para sa ating kapakanan.

B-alikan ang mga ugaling dapat nating baguhin upang tayo ay mas maging kalugod lugod sa Diyos.

O-bserbahan/gawin ang mga hinihingi ng panahon ng kwaresma… ang pagkawang gawa, ang pagdarasal at pag-aayuno (fasting at abstinence.)

Panginoon, samahan po kmi sa aming pagpasok at gayundin paglalakbay sa panahon ng Kwaresma. Sa pamamagitan ng Iyong biyaya, ito nawa aymaging makahulugan sa amin.

Amen.

Inggit (February 24, 2020)

Monday, 7th Week in Ordinary Time

Inggitero o inggetera ka ba?
Huwag masyado baka kasi madala ka nito sa masamang hangarin at masamang gawain. 

Sa unang pagbasa, ipinaalala ni Apostol Santiago na mahalagang mamuhay ng wasto. Ang pagiging maiingitin ay isa sa mga nabanggit niyang dapat baguhin.

Bakit ba tayo naiinggit sa iba? Kase madalas nakatingin tayo sa iba at nakakalimutan natin na blessed din tayo.

Tandaan, ang biyaya ng Diyos ay regalo niya sa atin para sa ating kabutihan at tugon sa ating mga pangangailangan, iyon nga lang di natin napapansin kung dumarating ito. Minsan kasi ay fix na ang mata natin sa regalo sa ibang tao o kaya buo na sa isipan ang regalong gusto natin kaya kapag dumating aakalain natin na hindi iyon ang regalong para sa atin pero kung bubuksan at titingnan natin iyon pala ay para sa atin. Kaya buksan ang mga mata ng makita ang mga biyayang ito ng Diyos.

Blessed tayo ni Lord sa iba’t-ibang pamamaraan. Sana makita natin ito at huwag nang mainggit sa iba.

Amen.

Kabanalan (February 23, 2020)

6th Sunday in Ordinary Time

Palagi nating tinitingnan na ang KABANALAN/HOLINESS ay kapag tayo ay masipag magdasal. Pero kung babalikan natin ang pahayag ng Panginoong Hesus ito ay isang bahagi lamang. Love of God and Love of Neighbor (Luke 10:27). Kaya nga HINDI SAPAT ang PAGDARASAL.

Sa ating mga pagbasa makikita natin na binibigyang diin ang ikalawang bahagi ng kabanalan at iyon ay ang pagmamahal sa ating kapwa. Kaya magandang tanungin natin ang ating mga sarili:

Kumusta ba ang aking pakikitungo sa aking kapwa?
Marunong ba akong magpakumbaba at humingi ng tawad sa mga taong nagawan ko ng mali?
Marunong ba akong magpatawad sa aking kapwang nagkasala sa akin?
Marunong ba akong tumulong sa mga nangangailangan ng tulong o pinipili ko lamang ang mga tinutulungan ko?

Mga kapatid, hindi sapat na luhod lamang tayo ng luhod at dasal lamang dasal. Mahalaga ding may maayos tayong pakikitungo sa ating kapwa sapagkat sila ay mga kapatid natin. They are our BROTHER and SISTERS in CHRIST.

Panginoon, turuan at tulungan mo po akong mahalin ang aking kapwa lalo na ang mga taong nagkasala sa akin. 

Amen.

Patay (February 21, 2020)

Friday, 6th Week in Ordinary Time

Kapag nakakita tayo ng tao na di mashado kumikilos o mabagal kumilos o hindi nag-iintindi lalo na kapag may ipinagagawa, tinatawag natin o nasasabihan natin itong ‘papatay-patay’ ka na naman.

Ganito din sa ating pananampalataya, kapag di tayo kumikilos o di tumutugon ayon sa hinihingi sa atin ng pananampalataya, tayo din ay maaring sabihang papatay-patay. 

Sabi pa nga ni Apostol Santiago, “Faith of itself, if it does not have works, is dead.”

Kaya kumilos tayo. Huwag lang sabihing sumasampalataya ako kundi isabuhay ito. Gawin natin ang mabuti at iwasan ang mali.

Panginoon, tulungan mo po kaming kumilos ayon sa Iyong kalooban.

Amen.

Hearers and Doers (February 19, 2020)

Wednesday, 6th Week in Ordinary Time

Ilang taon na tayong nagsisimba, nakiiinig at nagnibikay sa Salita ng Diyos?
Ilang taon na tayong binyagan ilang na bang maagandang reflections o homiliya ang ating napakinggan mula sa mga pari at mga pagbabahagi ng mga kapatid nating layko?

May nangyayari ba sa atin?

Sa Unang Pagbasa pinaalalahanan tayo ni Apostol Santiago na di lamang sana tayo TAGAPAGPAKINIG o HEARER ng SALITA bagkos tayo ay dapat maging DOER o tagapagganap nito.

Panginoon turuan mo po kaming matutong makinig ng Iyong SALITA at gayundin MAISABUHAY ito.

Amen.

Di Nagbabago (February 18, 2020)

Tuesday, 6th Week in Ordinary Time

Ipinahayag ni Santiago Apostol sa ating Unang Pagbasa ang isang katotohanan na dapat nating maunawaan
Ito ang sinasabi niyang “HINDI NAGBABAGO ANG DIYOS at DI NIYA TAYO IIWAN AT PABABAYAAN SA KADILIMAAN.”

Sino ba ang nagpapabaya?
Sino ba ang nang-iiwan? 
Sino nga ba ang pabago-bago?

Tayo lang naman palagi ang pabago-bago at nang-iiwan. Minsan YES tayo kay Lord tpos maya-maya NO na. Minsan yes ang sinabi ngunit no naman ang ginagawa.

Pagnilayan natin ang ating mga buhay. Tingnan natin ang ating mga pagkilos upang mas maging consistent tayo sa pagsunod sa Diyos.

Panginoon tulungan mo po kaming makapagpatuloy sa paglilingkod at pagbibigay ng sarili sa Iyo.

Amen.

Karunungan (February 17, 2020)

Monday, 6th Week in Ordinary Time

Madami tayong hinihingi sa Diyos. Mabuting kalusugan, maiwas sa kapahamakan, magandang resulta sa mga eksaminasyon at madalas mga bagay na kailangan natin at gusto natin. 

Tama naman na idulog natin sa Panginoon ang mga pangangailangan natin. Wala din namang masamang humingi sa Kanya ngunit sana unahin natin hingiin sa Kanya ang higit na mas mahahalaga. 

Sa ating Unang Pagbasa inilalahad ni Apostol Santiago na dapat hingiin natin ang biyaya ng KARUNUNGAN. Ito ay makatutulong sa atin na unawain ang mga bagay bagay sa ating buhay at malaman kung paano dapat tutugon dito. Katulad niya na dumaan din sa mga pagsubok sa buhay. Naunawaan niya at nakita niya ito bilang biyaya na makatutulong para mas maging matatag sa pananampalataya sa Diyos.

Mga kapatid, hingiin din natin ang biyaya ng karunungan upang maunawaan din natin ang mga nangyayari sa ating buhay at malaman natin kung paano tayo tutugon dito.

Panginoon, ipagkaloob mo po sa amin ang biyaya ng KARUNUNGAN upang maunawaan namin ang mga nangyayari sa amin at sa paligid namin gayundin turuan mo po kaming tumugon dito ng ayon sa nararapat.

Amen.

Puso (February 16, 2020)

6th Sunday in Ordinary Time

May utos (commandments) ang Diyos.
Tinatanggap ba natin ito?
Sinusunod ba natin ito?

Sana kapag sinusunod natin ito hindi lamang bilang “compliance” o kaya dahil takot tayo sa kaparusahan. Dapat ginagawa at sinusunod natin ito ng may “puso”

P-agmamahal sa Diyos ang intensiyon ng pagtanggap at pagsunod sa utos.
U-nawa. May pag-unawa na ang mga utos na ito ay para sa kapakanan ng lahat.
S-ikap at sipag na gawain ang kalugod-lugod sa Diyos.
O-ptimistic. Umaasa tayo na ang pagsunod natin ay magdudulot sa atin ng mas malalim na uganayan sa Diyos.

Panginoon, turuan at tulungan mo po kami upang maunawaan namin ang iyong kalooban at masunod namin ito.

Amen.

Araw ng Pag-ibig (February 14, 2020)

Friday, 5th Week in Ordinary Time

Happy Valentines

Ngayong ay tinaguriang araw ng mga Puso at araw ng Pag-ibig. Ngunit sana huwag lamang tayong nakafocus sa relasyon ng mag-asawa o kaya naman sa special someone. Dapat din nating pagnilayan ang uganayan natin sa Diyos. Bukas ba ang puso natin kay Lord?

Mga kapatid sana buksan din natin ang puso natin sa Kanya sa pamamagitan ng mga sumusunod:

P-rayer ang isa sa mga magagandang expressions of Love natin sa Diyos. this is our loving communication with God.

U-nderstand your faith. Kailangan ng malalim na kaunawaan para sa paglalim din ng ating ugnayan sa Diyos.

S-upport. May mga kapwa tayong kaya at maaari nating matulungan tulungan natin sila. Anuman ang gawin natin sa ating kapwa ito din ang ginagawa natin sa ating Panginoon. Be a blessing to others.

O-bey His will. Unahin natin ang tama at mabuti kaysa sa kung ano ang gusto natin.

Panginoon, salamat po sa Iyong pagmamahal sa amin. Gabayan Mo po kami upang magkaroon din kami ng mas malalim na ugnayan sa Iyo. 

Amen.

Bantay (February 13, 2020)

Thursday, 5th Week in Ordinary Time

Ang tentasyon ay may iba’t-ibang mukha at nangyayari sa iba’t-ibang paraan. Ito ay paulit-ulit at pabalik-balik hanggang sa magkasala tayo at masira tayo. Kaya dapat mag-ingat at dapat magbantay dahil baka tayo ay mahulog at masira nito. Baka mailayo tayo nito sa Diyos.

Ito ang paalala sa atin ng Unang Pagbasa. Si Solomon na pinagpala ng Diyos ay tumalikod sa Kanya. Di niya nabantayan ang kanyang sarili at siya ay nadala nito papalayo sa Diyos.

Paano natin babantayan ang ating sarili at makakaiwas sa tukso:

Una, kailangan natin ng dasal. Humingi tayo tulong sa Diyos. Kailangan natin siya. Siya ang lakas natin.

Ikalawa, alamin natin ang ating mga kahinaan at mga tendencies. 

Ikatlo, umiwas tayo sa mga tao, lugar at mga pagkakataon na alam natin maari tayong matukso.

Panginoon, tulungan mo po kaming mapaglabanan ang tukso upang kami ay manatili sa iyong biyaya.

Amen.

Biyaya (February 12, 2020)

Wednesday, 5th Week in Ordinary Time

Sa Unang Pagbasa, ipihayag at ipinakita ang biyaya ng Diyos kay Solomon ang KARUNUNGANG walang katulad o kapantay. Ito ay ginamit niya para sa kabutihan ng Israel na kanyang pinamumunuan. Ito din ay nagamit niya para sa kabutihan ng iba. Sa araw na ito ay nakatulong siya sa reyna ng Seba na nagsasaliksik ng kaalaman at kaunawaan.

Tandaan natin, katulad ni Solomon tayo ay pinagpala ng Diyos. Totoo, HINDI pare-pareho ang pagpapalang tinanggap natin ngunit pare-pareho dapat tayong magpasalamat sa Diyos dahil sa kanyang kabutihan.

Gayundin, inaanyayahan tayo ng ating pagbasa na matutunan nating gamitin ito para sa ikabubuti ng nakararami. Ika nga “use your blessings wisely by sharing it with others.”

Panginoon, salamat po sa biyayang iyong kaloob. Turuan mo po kaming maging bukas-palad ng maibahagi namin sa aming kapwa ang tinanggap naming biyaya mula sa Iyo.

Amen.

Mensahe (February 11, 2020)

Our Lady of Lourdes

Nang ang Mahal na Birheng Maria ay nagpakita sa Lourdes, binigyang diin niya ang mga sumusunod:

Una, ay ang pagbabagong buhay/puso o conversion.
Ikalawa, ay ang Pag-ibig sa Diyos ay sa kapwa.
Ikatlo, panalangin na siyang ugnayan natin sa ating Panginoon.

Panginoon, tulungan mo po kaming magbago at mamuhay ng may pagmamahal sa Iyo at sa aming kapwa.

Amen.

Para sa Diyos (February 10, 2020)

Monday, 5th Week in Ordinary Time

Isang magarang Templo ang ipinatayo at inihanda ni Solomon para sa Diyos. Hindi mabilang na baka at tupa ang inialay ni Solomon ng ang kaban ng Tipan ay inilipat sa Templo. Ang lahat ng ito ay ginawa ni Solomon kasama ang buong Israel para parangalan ang Diyos.

Ito din ang paanyaya sa atin ng ating unang pagbasa. Ibigay sa Diyos ang maibibigay natin sa Kanya. Huwag natin Siyang pagdamutan sapagkat di Niya tayo pinagdadamutan bagkos patuloy na pinagpapala. Matutunan sana nating mas maging bukas palad pa sa Kanya tanda ng ating pagmamahal sa Kanya.

Panginoon salamat po sa iyong walang sawang pagpapala sa amin. Turuan mo po kaming mas maging bukaspalad sa iyo at sa aming kapwa.

Amen.