Panic (March 18, 2020)

Wednesday, 3rd week of Lent

Dahil sa mga balita at sa mga ipinatutupad na lock down, quarantine, kasama na ang katotohanang wala pang Lunas ang virus na ito. Hindi maiwasan ang magpanic kaya nga marami ang mag-panic buying ng mga pagkain, medisina at marami pang iba. 

Ikaw, nag-paPANIC ka din ba. Di naman masama makaramdam noon. Di naman nangangahulugang wala na tayong pananampalataya. Sa ganitong kalagayan nga mas lalong lumalabas ang tunay na pananampalataya. Kaya sa ganitong pagkakataon dumulog tayo sa Diyos. 
Gamitin natin ang salitang PANIC sa bilang paalala sa atin. 

P-rayer. Ang pagdarasal sa Diyos ay pagpapahayag ng ating tiwala sa Kanya. Mataimtim tayong magdasal. Dumulog tayo sa Kanya na tayo ay Kanyang tulungan.
A-cknowledgment of our dependence in God. Magandang sa mahirap na sitwasyon ay matuto tayong magpakumbaba at umasa sa Diyos na alam nating di tayo pababayaan.
N-eglect not the reminders of the civil authority. Mahalagang alamin at unawain natin ang mga paalala sa atin ng otoridad. Sundin natin sila upang di tayo mapahamak o maging sanhi ng kapahamakan ng iba.
I-mprove or intensify our self care. Iwasan ang makihalobilo sa maraming tao, gumamit lagi ng disenfectant, uminom ng mga bitamina na makatutulong sa paglakas ng ating Immune system.
C-ourageous. Be courageous, maging matapang at puno lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok na dumaraan sa buhay at huwag na huwag susuko ano man ang mangyari.

Walang maisasagot ang pagpa-PANIC sa sitwasyong ating kinalalagyan bagkos nakadaragdag lamang iyo ng bigat sa ating dibdib. Pakinggan natin ang Unang pagbasa na nag-aanyaya sa atin na Magdasal at magtiwala muli sa Diyos.

Amen.

Panginoon (March 17, 2020)

Tuesday, 3rd Week of Lent

”Yamang ikaw ay maamo at mapagkalinga, kahabagan mo kami at saklolohan. Muli mong iparanas sa amin ang muli mong pagliligtas at sa gayo’y muling dakilain ang iyong pangalan.” 

Ito ang panalangin na mapupulot natin sa ating unang pagbasa at nawa ay dasalin din natin lalo na sa panahong ito na tayo ay humaharap sa isang na namang pagsubok. Kaya walang bibitaw, manatili tayong nakakapit sa ating Panginoon.

Ipanalangin din natin ang lahat ng mga HEALTH WORKERS sa buong mundo. Sila ang patuloy na nagsasakripisyo upang matuklasan ang lunas at gayundin ang mga humaharap sa mga biktima ng virus kaya nalalagay din sila sa panganib. Iadya nawa sila ng Panginoon sa kapahamakan.

Amen.

Lunas (March 16, 2020)

Monday, 3rd Week of Lent

Sa Unang Pagbasa, napatunayan ni Naaman na ang Diyos ng Israel (ang DIYOS natin) ay ang tunay na Diyos sapagkat sa pamamagitan lamang ng Diyos siya ay gumaling. 

2019 CORONA VIRUS- mabilis na kumakalat, marami ang nagkakasakit at dumadami din ang namamatay. Maaring ang virus na ito ay wala pang Lunas ngunit kung katulad ni Naaman dumulog tayo sa Diyos at isanguni sa kanya ang ating kalagayan. Gayundin, katulad naman ni Eliseo maniwala at magtiwala tayo sa Diyos sapagkat di niya tayo pababayaan, tiyak tutulungan niya tayo. Lagi sana nating tandaan ang katotohanang “HIGIT ANG ATING DIYOS SA KUNG ANUMAN KAPANGYARIHAN O PROBLEMANG DUMARATING.”

Panginoon, iadya Mo po kami laban sa Corona Virus. Tulungan Mo po sana ang mga dalubhasa sa medisina na makahanap ng lunas sa virus na ito.

Amen.

Taimtim na Panalangin (March 15, 2020)

3rd Sunday of Lent

Sa Unang Pagbasa ang nga Israelita ay may matinding pangangailangan. Iyon ay tubig na kanilang inumin at ng kanilang mga alagang hayop. Tandaan ayon sa pag-aaral, napakahalaga ng tubig. maari kang mabuhay ng walang pagkain sa loob ng tatlo hanggang apat na Linggo ngunit di ka makasusurvive ng walang tubig sa loob ng tatlo o apat na araw. Ano ang naging tugon ni Moises dito? Ang TAIMTIM NA PANALANGIN SA DIYOS upang matugunan ang kanilang pangangailangan. 

Sa panahon natin ngayon, may matindi din tayong pangangailangan. Iyan ay ang lunas para sa CORONA VIRUS na mabilis na kumakalat at dahan-dahang kumikitil ng buhay. Sa ganitong mga pagkakataon dapat nating tandaan ang ipinahahayag ng Ebanghelyo, “Ang Diyos ang TAGAPAGLIGTAS NG SANLIBUTAN.” At dahil dito marapat lamang na lumapit tayo sa kanya katulad ng ginawa ni Moises. Mataimtim na manalangin at siya ay tinugon. Tayo din ay MATAIMTIM NA MANALANGIN at dumulog sa Diyos na tulungan tayo sa problemang kinakaharap ng mundo.

Panginoon, pakinggan Mo po ang aming panalangin na tumigil na ang pagkalat ng sakit na ito, magkaroon na ng lunas at pagalingin ang lahat ng tinamaan nito.

Amen.

GOD REVERSES “EVIL” AND SO WE “LIVE” (March 14, 2020)

by Fr. Philip Ibasco

Has anyone ever thought that there is a hidden message from God about the COVID-19 outbreak?

Reverse COVID-19…( 91 – DIVOC)

91 – Psalm 91
D – Destroy
I – Influenza
V – Virus
O – Outbreak
C – Completely

Recite Psalm 91 with all your might and spiritual strength

Psalm 91:1-4
1 He who dwells in the shelter of the Most High will rest in the shadow of the Almighty.
2 I will say of the LORD, “He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust.”
3 Surely, He will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence.
4 He will cover you with His feathers, and under His wings, you will find refuge; His faithfulness will be your shield and rampart.

“LORD, You are our Refuge and Savior, HAVE MERCY on us and DELIVER US In You, we trust now and always. AMEN.”

Simbahan (March 14, 2020)

Saturday, 2nd Week of Lent

May mga nagsasabi kung sino pa yung mga nasa simbahan sila pa yung masasama ang ugali. Sabi ko naman, iyan nga ang dahilan kung bakit may simbahan, para tawagin at pabalikin ang mga makasalanan at kasama tayo doon.

Sa ating Ebanghelyo, ipinakita ng ama ang pagmamahal sa kanyang anak na nagkamali at nagkasala sa kanya ng tangapin siyang muli at patawarin. Ito din sana ang makita natin sa ating simbahan. Ang simbahan na kumakalinga sa mga makakasalanang tulad natin. Ang simbahan na gumagabay. Ang simbahan na nagdadala ng pagpapatawad at pag-ibig ng Ama.

Panginoon, ako po ang Iyong anak na makasalanan. Patawarin Mo po sana ako at gabayan sa daan na kaligod-lugod sa Iyo. 

Amen.

Dare to Stand (March 13, 2020)

Friday, 2nd Week of Lent

Pakikisama. Pakikibagay. Madalas ito ay na-iinvoke lalo na kapag may nagagawa o ginagawang mali. Kapag di ka nag-give in, kapag di ka nakisama at nakibagay ikaw pa ang masama.

Sa Unang Pagbasa makikita natin dito si Reuben. Bagama’t ang kanyang mga kapatid ay nagkasundo na patayin si Jose, tumayo siya at nagsalita upang ipakita ang kanyang pagtutol na patayin ng kanyang mga kapatid si Jose. He DARED TO DIS-AGREE with their plan. He STOOD UP to save Joseph’s life.

Tayo man ay nalalagay sa mga sitwasyong ganito na kailangan nating pumili ng sasang-ayunan. Makikisama ka na lang ba at makikibagay kahit alam mo na may maling nangyayari o tutulad ka kay Reuben na tatayo at maninindigan sa tama at mabuti.

Panginoon, bigyan Mo po kami ng lakas ng loob upang manindigan sa TAMA at MABUTI. Iligtas Mo po kami laban sa mga taong nagbabanta at nagnanais ng kapahamakan sa amin kapag di kami makibagay at makisama sa maling gawain nila.

Amen.

Gawa (March 12, 2020)

Thursday, 2nd Week of Lent

Tuwing dumarating ang Kwaresma iniisip natin kung ano ang iiwasan natin bilang ating sakripisyo. Ang ilan di iinom ng alak, ang ilan di muna kakain ng kanin at marami pang iba.

Pero ito nga lang ba ang dapat o pwede nating gawin?

Mga kapatid, ang ating Ebanghelyo ay panawagan sa atin na gumawa tayo ng mabuti. Walang masama sa mga sakripisyo ngunit mas kalugod-lugod ang gumawa ng mabuti sapagkat ito ang kalooban Diyos. Ang mayamang lalaki sa Ebanghelyo ay di pinagpala kasi di siya nagmagandang loob kay Lazaro na nangangailangan.

Ngayong Kwaresma 2020, mas mainam siguro na tanungin natin ang ating sarili. Ano kayang mabuti ang pwede kong masimulang gawin at maipagpapatuloy kahit matapos na ang Kwaresma?

Panginoon, turuan mo po kaming maging bukas palad, turuan mo po kaming maglingkod sa Iyo sa pamamagitan ng mabubuting gawa para sa aming kapwa.

Amen.

Bukas (March 11, 2020)

Wednesday, 2nd Week of Lent

Bakit nila nais patayin si Jeremias?
Sa Ebanghelyo naman, inilalahad ng Panginoong Jesus ang mangyari sa kanya, huhulihin, dadalhin sa mga pinuno, pahihirapat at ipapapatay. Bakit?

Pareho ang dahilan kung bakit sila mapapahamak. Sapagkat nagsasalita sila ng totoo at ipinakikita nila sa mga taong kausap nila ang kamalian nila. Ang pagligpit o pagpatay sa kanila sa kanila ay ang reaksyon nila.

Ikaw? Kapag itinatama ka, kapag pinagsasabihan ka, kapag tinatawag ang iyong pansin tungkol sa iyong mga pagkakamali, ano naman ang iyong reaksiyon?Nagagalit? Nagtatampo? Nagiisip ng gumanti? Naghihinanakit?

Mga kapatid, ito ang natural na tendency natin lalo na kung ang tumawag ng pansin natin ay wala sa lugar. Ngunit sa halip na magalit tayo o kung kung ano pa man, mas mainam isipin natin na ito ay pagmagandang loob (ng tao mismo na nagpapaalala o/at ng Diyos na kinakasangkapan ang taong iyon) para paaalalahanan o pagsabihan tayo. 

Gayundin, mainam na pagnilayan natin ang kanilang sinasabi at nang makita natin ang dapat natin makita. Kung totoo magandang mabago natin ito. Tandaan ang katotohanan na may mga bagay naman talagang di natin napapansin o nakikita sa ating sarili na nagagawa natin.

Panginoon, tulungan mo po kaming maging bukas upang matuto kaming makinig sa Iyong mga paalala sa pamamagitan ng paalala ng aming kapwa.

Amen.

Walang Karapatan (March 9, 2020)

Monday, 2nd Week of Lent

Stop judging. Stop condemning.
Sino ba ako o ikaw para gawin iyon?
Wala tayong karapatan dahil wala naman sa ating malinis.

Dalawang bagay ang pwede nating pagnilayan sa ating Ebanghelyo:

Una, magandang tingnan natin ang ating mga sarili kaysa ang ibang tao. Magandang tingnan natin ang ating mga kahinaan kaysa ang kahinaan ng iba. Magandang makita natin ito upang ito ng maisaayos sa tulong ng biyaya ng Diyos.

Ikalawa, sa halip na silipin natin ang kahinaan at kamalian ng ating mga kapatid, mas magandang pag-isipan natin ang paraan upang matulungan o magabayan natin sila. Kung hindi naman ay ipanalangin sila sa halip na husgahan sila.

Panginoon, sa Espiritu ng panahon ng Kwaresma tulungan Mo pong makita namin ang aming kahinaan at sa tulong ng Iyong mahal na grasya ay maisaayos po namin ito. 

Amen.

Bagong Landas (March 8, 2020)

2nd Sunday of Lent

Bagong landas, ito ang paanyaya ng Diyos kay Abram na agad naman niyang tinugon. Ito din ang Kanyang panawagan sa atin ang magbagong landas. Mula sa landas ng pagkamakasalanan tungo sa landas ng kabanalan.

Dalawang mahahalagang tulong ng ibinibigay sa atin ng ating Ebanghelyo tungo sa Landas ng Kabanalan:

Una, ang paalala na dapat nating kilalanin, pakinggan at sundin ang Panginoong Jesus. Magandang alalahanin na siya ang daan at siya katotohanan at ang buhay. Kaya ang kilalanin Siya, pakinggan at sundin ay pagsunod sa panawagan na tahakin ang bagong landas– ang buhay kabanalan.

Ikalawa, ang presensiya ni Elias at Moises ay isang paalala na kaya nating tahakin ang buhay ng kabanalan. Ang mga Banal na Taong katulad nila ay paalala na katulad nila di man tayo perpekto, nagkakamali, nanghihina at nakakalimot ay may kakayanan ding malampasan ang mga ito at may kakayanang tahakin ang Landas na inihayag ng Panginoong Hesus.

Mga kapatid, tahakin sana natin ang Landas na itinuro ng ating Panginoon. Hingiin natin sa kanya na gabayan niya tayo upang di tayo maligaw.

Amen.

Sumunod (March 7, 2020)

Saturday , 1st Week of Lent

Isa sa mga dasal na karaniwan nating dinadasal ay ang “Ama Namin.” Sa dasal na ito isa sa nabibigyan ng diin ay mga katagang ito, “SUNDIN ANG LOOB MO DITO SA LUPA PARA NG SA LANGIT.” Tanong:
Sinusunod ba natin ang kalooban/utos ng Diyos?

Sa unang pagbasa, binibigyang diin ni Moises ang mga utos at tuntunin inihayag ng Diyos na dapat sundin. Ito ang mga utos at tuntunin ng Panginoon na nagsisilbing gabay para sa mas maayos na buhay natin. Hindi ito pawang pahirap o pabigat bagkos tulong sa atin upang di tayo mapahamak.

Pagnilayan sana natin ang mga utos at tuntunin ng Diyos upang makita natin ang kagndahan nito, pahalagahan ito at sundin ito.

Kapag dinadasal natin ang Ama Namin, hilingin natin sa Panginoon na tulingan Niya tayong masunod talaga natin ang Kanyang utos para sa ating kabutihan.

Amen.

Hiya at Takot (March 6, 2020)

Friday, 1st Week of Lent

Lahat naman tayo nagkakasala at nagkakamali. Gayundin dahil sa lahat tayo ay nagkasala at nagkamali, natural na mahiya tayo o kaya naman ay matakot sa Panginoon. Ngunit higit sa pagkatakot at pagkahiya sa Kanya ay mahalagang matutunan nating magpakumbaba at lumapit sa Panginoon. 

Napakaganda ng paalala sa atin ng Unang Pagbasa: Hindi ikinalulugod ng Diyos ang kamatayan ng makasalanan bagkus ang nais Niya ay pagsisi at pagbabagong buhay.

Nawa’y maunawaan natin na ang ating Diyos ay Diyos ng Pagmamahal na lubos na naipapahayag sa kanyang Awa at Pagpapatawad.

Amen

Dasal (March 5, 2020)

Thursday, 1st Week of Lent

Isa sa mga disiplina na hinihingi sa panahon ng Kwaresma ay ang paigtingin natin ang ating PANALANGIN. At gayundin dapat nating maunawaan na hindi lang dapat tuwing kwaresma nananalangin bagkos araw-araw.

Paano nga ba tayo dapat manalangin? Sa unang pagbasa ipinakikita ni Reyna Ester ang isang HALIMBAWA kung paano tayo dapat manalangin. Ito ay ang panalanging PUSO sa PUSO.

May P-agtitiwala, U-maasa, S-umasamba at O-pen sa kalooban ng Diyos. Ito ang mahalagang sangkap ng panalangin ni Reyna Ester na dapat nating tularan.

Panginoon, pakinggan mo po sana lagi ang aming panalangin.

Amen.

Krus (March 3, 2020)

Wednesday, 1st Week of Lent

Malalaman mo kung nasa Camarines Norte ka na kapag nagbibiyahe ka sapagkat along the high way ay mga KRUS ng nakatayo.

Sa Ebanghelyo ang mga tao ay naghahanap ng TANDA sa Panginooon. Kung sa panahon natin naghahap tayo ng tanda, isa sa magagandang tanda ay ang KRUS.

+inatawag tayo ng Panginoon sa isang mas malalim na ugnayan (PRAYER)
+alikdan ang mga kasalanan(REPENTANCE)
+ahakin ang landas ng Panginoon, ang landas ng pag-ibig at buhay (ALMSGIVING)

Kaya nga mga kapatid, maipaalala nawa ng tanda ng Krus ang panawagan ng Panginoon ng mga dapat nating gawin lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

Amen.