Blessed (March 5, 2019)
Tuesday, 8th Week in Ordinary Time
Peter began to say to Jesus,
“We have given up everything and followed you.”
Katulad na katulad tayo ni San Pedro sa maraming pagkakataon. Kapag nagpakabuti tayo at kapag naglingkod tayo sa Diyos ay madalas naghihitay tayo ng kapalit.
Ang iba naman ay nakikipagdeal kay Lord sa kanilang panalangin at sasabihin: “LORD I-BLESS MO NAMAN PO AKO NITO AT PROMISE MAGBABAGO NA PO AKO.”
Mga kapatid, tandaan po natin ito na bago pa man lamang tayo magpakabuti at maglingkod ay pinagpala na tayo ni Lord at atin namang na-eenjoy ang kanyang mga pagpapala. Sa simula’t simula pa ay patuloy na ang pagdaloy ng pagpapala ng Diyos sa atin. Tayo lang ang nagbubulag-bulagan sa katotohanang ito. Kaya nga dapat nating ma-realize na ang pagpapakabuti at paglilingkod natin ay maging expression ng pagpapasalamat natin sa Kanya at pagmamahal at hindi upang gamitin para makipag-deal sa Kanya para sa biyayang hihingiin .
Mahal tayo ng Diyos at hindi Niya tayo pababayaan. Matuto sana tayong magpasalamat sa Kanya.
Amen.