Pity (March 26, 2019)

“I forgave your entire debt because you begged me to. Should you not have had pity on your fellow servant, as I had pity on you?’

Mahirap magpatawad lalo na sa mga taong talagang nagbigay sa atin ng matinding lamat dahil sa sakit at pahirap nila sa ating buhay. Totoo, mahirap pero hindi imposible. Kaya nga tandaan natin ang mga sumusunod:

P – ray and ask the Lord to help us forgive.

I – ncrease our patience, undestanding, love to our neighbors.

T – ry to forgive and to move on though difficult and never stop trying.

Y- es in giving our bothers and sister another chance to redeem themselves as God does to us.

Tandaan, paulit-ulit tayong pinatatawad ng Diyos, tayo din sana ay paulit-ulit din na magpatawad. 

Amen.

YES to the LORD (March 25, 2019)

Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord. May it be done to me according to your word.”

Kapag mahal natin ang isang tao, paulit-ulit at hindi tayo nagsasawang ipahayag ang mga katagang “MAHAL KITA” kasama ang mga pangako natin.

Sana gayundin tayo sa Panginoon. Paulit-ulit din sana natin sambitin ang mga katagang “MAHAL KITA PANGINOON” kasama ang ating paglilingkod sa Kanya. Katulad ni Maria, nawa’y tanggapin din natin ang Kanyang kalooban para sa ating araw-araw at paglingkuran Siya ng may galak ayon sa ating kakayanan.

Amen.

Simbahan (March 24, 2019)

3rd Sunday of Lent

“There an angel of the LORD appeared to Moses in fire flaming out of a bush. As he looked on, he was surprised to see that the bush, though on fire, was not consumed.”

Sa pamamagitan ng ‘burning bush’, nagsalita ang anghel ng Diyos at nakilala ni Moises ang Diyos. Gayundin nalaman niya ang kalooban Niya at nagkaroon siya ng malalim na ugnayan sa Kanya.

Sa panahon natin ngayon, may instrumento ang Diyos na katulad ng ‘burning bush’ na nagpapakilala sa atin ng Diyos, nagpapahayag upang malaman at maunawaan natin ang kalooban ng Diyos at tumutulong sa atin upang magkaroon ng malalim na uganayan sa Diyos.

Ano o sino nga ba ito? Walang iba kundi ang ating SIMBAHAN.

Marami man ang bumatikos sa simbahan, magkamali man ang mga lingkod nito ngunit tandaan natin na nananatili itong Kanyang instrumento. Huwag sana tayong padadala sa mga taong naninira sa ating simbahan. 

Huwag lang sana tayong tumingin sa mga kapalpakan ng mga lingkod ng simbahan kundi sa NAPAKARAMING MAGANDANG NAGAWA NITO SA LAHAT NG DAKO NG MUNDO. Lagi nating ipanalangin ang simbahan at ang lahat ng mga naglilingkod dito. I

panalangin din natin ang mga taong patuloy na nanggugulo at naninira sa ating simbahan.

Amen.

Banal (March 23, 2019)

Saturday, 2nd Week of Lent
Luke 15, 15:1-3, 11-32

Tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus, but the Pharisees and scribes began to complain.

Isang pangungusap ang nabasa ko, sabi nito “SOMETIMES THE GREATEST SINNERS BECOMES THE GREATEST SAINTS.”  Paniwala ako dito dahil marami sa mga makakasalanan ay talagang nagpapakumbaba at lubos na nagsisisi sa mga mali nilang nagawa at humihingi ng kapatawaran.

Sa Ebanghelyo natin ngayon, nasaan ang mga “mabubuting hudyo”? Ang naroon lang ay ang mga Pariseo at Eskriba ngunit naroon sila upang pintasan ang Panginoon at makakasalanan. Hindi sila pumunta doon upang makiisa at makisaya sa presensiya ng Panginoon at makinig sa salita ng Diyos.

Mga kapatid, masigasig sana tayong makinig ng Salita ng Diyos at unawain at isabuhay ito ng dahan-dahan. Maging mapagkumbaba, aminin ang mga kasalanan dulot ng ating mga kasalanan. Dumulog sa Diyos katulad ng may pagsisisi. 

Amen.

Kwento Natin (March 22, 2019)

Friday, 2nd Week of Lent
Genesis 37:3-4, 12-13a-17b-28a

Paalala sa mga magulang;

Una, irespeto at mahalin ang lahat ng mga anak. BAWAL ANG PABORITO. Kapag may paborito, may magseselos. Kapag may nagseselos, nabubuo ang pagkamuhi at pagkagalit. Ang pagkagalit kung hindi na-overcome ay maaaring mauwi sa mapinsalang pagkilos laban sa kinamumuhian. Iyon ang nangyari sa unang pagbasa.

Ikalawang paalala, ang tahanan nawa ay maging lugar para matutong umunawa, matutong magrespeto at magmahal sa kapwa. Huwag lamang linangin ang isipan, kailangan ding linangin ang mabuting pakikitungo sa Diyos at sa kapwa.

Ikatlo ay magdasal. Ipanalangin ang buong pamilya para magkaroon o pamayanihan ng pagkakaunawaan, respeto sa bawat isa at pagmamahalan. 

Amen.

Walang Pakialam (March 21, 2019)

Thursday, 2nd Week of Lent
Luke 16:19-31

Ang kawalan ng pakialam sa kapwa, gayong may kapasidad makialam at tumulong sa kapwa ang nagdulot ng kapahamakan sa mayamang lalaki.

Tandaan po natin na hindi sapat ang wala tayong ginagawang masama; kailangang-kailangan din ang paggawa ng mabuti. 

May magagawa ka. Hindi na mahalaga kung malaki ito o maliit. Ang mahalaga ito ay galing sa kaibuturan ng puso.

Amen.

Transfiguration (March 17, 2019)

2 things that I would like to share to you this Sunday:

Una ay ang sinabi ni St. POPE LEO the GREAT. Sabi niya, “The great reason for this transfiguration was to remove the scandal of the cross from the hearts of his disciples, and to prevent the humiliation of his voluntary suffering from disturbing the faith of those who had witnessed the surpassing glory that lay concealed.”  

Inihahanda ng Panginoon ang Kanyang mga disipulo upang maunawaan ang kanyang pasyon.

Ikalawa ay ang paanyaya sa atin ng ating Panginoon. Tayo din ay magbagong-anyo o magbagong-puso. At dito ay dalawang paalala ang ibinibigay sa atin ng Panginoon:

Una ay si Moises na nagsisimbulo ng UTOS o LAW.
Ikalawa ay si Elias na nagrerepresent sa mga PROPETA o mga tagapagpahayag ng Salita ng Diyos.

Ang utos o law ang siyang gabay sa atin samatalang ang propeta ng Salita ng Diyos naman ay siyang magpapaunawa sa atin tungkol sa batas na dapat nating tangkilikin at sundin.

Magbasa ng Salita ng Diyos ng maunawaan natin ang aim ng ating buhay. Sundin ang utos ng Diyos nang matamo natin ang aim ng ating buhay.

Amen.

Baluktot (March 15, 2019)

Friday, 1st Week of Lent

Sunod sa uso.
Sunod sa sinasabi ng mga netizens.
Sunod sa mga kasabihan ng matatanda o pamahiin.
Sunod sa sinasabi ng lider na baluktit ang pagiisip.
At marami pang iba na sinusunod.

Ano nga ba ang dapat nating sundin? Sino nga ba ang dapat nating sundin?

Sa unang pagbasa, binibigyan diin ng propeta Ezekiel ang matuwid na landas na dapat sundin. Higit sa lahat ay sundin ang panuntunan na kaloob ng Diyos at HUWAG GAWING PANUNTUNAN ang BALUKTOT na ipinapahayag ng tao sa paligid natin, ng USO, ng mga PAMAHIIN at ng mga LIDER NA BALUKTOT ANG PAGIISIP at iba pa.

Stick tayo sa siguradong totoo, tama at mabuti. Mag- stick tayo sa panuntunang kaloob ng Diyos.

Amen.

Kapit (March 14, 2019)

Thursday, 2nd Week of Lent

“Kapit sa Patalim”

Ito ay nangyayari at nagagawa ng mga taong nasa kagipitan at mga nasa mahirap na sitwasyon.

Pero sa patalim o sa maling gawain ba tayo babaling sa oras ng kagipitan?

Sa unang pagbasa makikita natin ang Reyna Esther na nasa oras ng kagipitan at mahirap na sitwasyon. Ngunit sa oras na iyon ay lumapit siya, kumapit siya at nagtiwala siya sa ating Panginoon.

Tandaan ang mga taong dumudulog at nagtitiwala sa Diyos ay pinakikinggan niya.

Sabi nga ng saksi na nagpahayag sa Salmo Responsorio,

“Lord, on the day I called for help, you answered me.”

Amen.

Jonah (March 13, 2019)

“Jonah became a sign to the Ninevites.”

Sa ating mga pagbasa, si Jonah ay binigyang pansin bilang TANDA na kaloob ng Diyos para sa kabutihan ng Nineveh at paalala ng kabutihan ng Diyos sa mga Israelita.

Sa araw na ito, maging paalala nawa si Jonah sa atin kung paano tayo papasok sa panahon ng Kwaresma.

J – esus sana ang maging sentro ng ating pagninilay. Ang Kanyang pag-ibig sana ay pagnilayan natin lalo na sa Kanyang pag-aalay ng sarili na nakita sa Kanyang pagmimisyon, pagpakasakit at pagkamatay para sa atin.

O – ffer tayo ng oras sa Diyos sa pagninilay at pananalangin. Papurihan natin Siya at pasalamatan dahil sa Kanyang awa at pag-ibig sa atin.

N – agmagandang loob sa atin ang Panginoong Hesus. Sa lahat ng panahon di lang tuwing kwaresma, magmagandang loob din sana tayo sa kapwa natin bilang pagtugon sa hinahangad ng Panginoon na ibigin natin ang ating kapwa katulad ng ginawa Niya.

A – lalahanin natin na sa Panginoon nagmumula ang awa at pagpapatawad ng Diyos. Kaya katulad ng mga taga-Nineveh, magpakumbaba tayo at lumapit sa Kanya. Pagsisihan ang ating mga pagkakamali at dumulog tayo sa Panginoon lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

H – eart of stone is what we have because our hearts were hardened by sin. Let us ask him to give us a heart of flesh; a loving and obedient heart upang maging masunurin tayo lagi sa Kanyang kalooban.

Amen.

Ama (March 12, 2019)

Tuesday, 1st Week of Lent

“When the just cry out, the LORD hears them, and from all their distress he rescues them. The LORD is close to the brokenhearted; and those who are crushed in spirit he saves.”

Sa unang pagbasa, ipinakikita ang kabutihan ng Diyos sa atin lalo na sa mga mabigat na pinagdaraanan. Bakit nga ba kay buti ng Diyos sa atin? Ang kasagutan sa tanong na iyan ay ipinahahayag ng Ebanghelyo ngayon; sapagkat ayon sa Panginoong Hesukristo, Siya ay ang AMA natin.

Kinikilala mo ba ang Diyos na iyong AMA?

Kung kinikilala mo Siyang Ama, may panahon ka ba para sa Kanya upang makadaupang palad Siya sa pagsimba at panalangin?

Kung siya ay kinikilala mong Ama, sinusunod mo ba ang kanyang kalooban?

Mabuti ang Diyos sa atin sapagkat kinikilala Niya tayong mga anak Niya. Sana ay kilalanin din natin Siya bilang ating totoong AMA at sundin ang kalooban Niya araw-araw.

Amen.

Mala- Pariseo (March 9, 2019)

Saturday, After Ash Wednesday

The Pharisees and their scribes complained to his disciples, saying, “Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?”

Sa dami ng pwedeng pansinin at sabihin ng mga Pariseo, bakit iyan pa ang napansin nila? Di nila nakita ang mas magandang nangyayari; si Mateo na nagbago at iniwan na ang paniningil ng buwis, ang masayang salu-salo at ang kanyang presensiya sa pagtitipon na iyon.

Ikaw? Tulad ka rin ba ng mga Pariseo na walang ginawa kundi ang maghanap ng pangit at mali sa kapwa? Hanggang kailan ka magiging ganyan?

Mga kapatid, tularan sana natin ang Panginoon na sa kabila ng ating kasamaan, nakikita at mas binibigyang pansin pa rin Niya ang kabutihan nasa atin.

Amen.

Fasting o Pag- aayuno (March 8, 2019)

Friday, After Ash Wednesday

“Why do we and the Pharisees fast much, but your disciples do not fast?”

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit dapat mag-fasting o mag-ayuno? 

Ano nga ba ito? 

Ito ay ang practice natin na bawasan ang ating pagkain o inumin bilang ating sakripisyo sa panahon ng kwaresma. Ngunit dapat din nating malaman na hindi lamang pagkain ang pwede nating gawing sakripisyo at pag-aalay sa Diyos. Maaari din tayong mag-ayuno o fast sa mga nakagawian natin katulad ng sobrang paggamit ng gadgets, paglalakwatsa, sobrang pag-shopping, panunuod ng TV at marami pang iba. 

Tatlong bagay ang gusto kong matandaan natin tungkol sa fasting:

Una, ito ay tulong upang malinang natin ang DISIPLINA SA SARILI. Tinutulungan tayo nito na ma-kontrol natin ang ating mga sarili at upang hindi tayo kaagad-agad madala o matukso sa kasalanan. Gayundin nakatutulong ito upang ma-kontrol din natin ang ating mga drives at emotions na nagdadala sa atin sa maling desisyon at kasalanan.

Ikalawa, ito ay ekspresyon ng ating detachment sa mga materyal na bagay na lumilipas at higit na pagpapahalaga sa mga mabuti at mga lasting values na hindi lumilipas katulad ng Diyos at ng Kanyang kaharian. 

Ikatlo, ang pag-aayuno o fasting ay ekspresyon din ng pag-aalay ng sarili sa Diyos. 

Mga kapatid, ang fasting o pag-aayuno ay ginagawa na noong una pa. Mababasa natin sa Bibliya na ito kahit sa Lumang Tipan pa ay ginagawa na. Sana ngayong panahon ng Kwaresma, mag-ayuno tayo bilang ating pakikiisa sa sakripisyo ng Panginoong Hesus.

Amen.

Peksman (March 7, 2019)

Thursday, After Ash Wednesday

“The Son of Man must suffer greatly and be rejected by the elders, the chief priests, and the scribes, and be killed and on the third day be raised.”

Noong mga bata kami, isa sa pamamaraan para ma-convince ang mga kaibigan at mga kalaro ay ang pagsasabi ng mga katagang ito, “Peksman, cross my heart, mamatay man ako.”

Halos ito rin ang diwa ng mga katagang nasa Ebanghelyo natin ngayon nang ipinahayag ng Panginoon na Siya’y magdurusa at mamamatay. Sinabi Niya ito upang ma-convince ang mga alagad o tayo sa kanyang sinasabi at gayundin maipahayag sa kanila o sa atin na mahalaga tayo sa Kanya. Ito ay pinatunayan ng Panginoon nang tanggapin Niya ang Krus at nang mamatay Siya dito. 

Na- convince ka ba Niya? Sana naman ay konkreto ang ginawa Niya para sa atin. Kung hindi pa, tamang tama ang pagkakataong ito; panahon ng KWARESMA at ating pagnilayan ang Kanyang buhay at tayo ay magdasal.

Kung TUNAY at TOTOO na magninilay ka at magdarasal sa panahong ito, makikita mo at mauunawaan ang katotohanan ng:

“Peksman, cross my heart at mamatay man ako kung hindi ito totoo.”

Amen.

Ash Wednesday (March 6, 2019)

ASH WEDNESDAY marks the beginning of LENT. Let us try to understand Ash Wednesday:

WHY ASH WEDNESDAY?
It got its name because on this day, the ashes were being distributed.

Brief History

ASH WEDNESDAY is connected to the PUBLIC PENANCE done for FORTY (40) in the old church.

WHO ARE PUBLIC SINNERS?
this is for those who committed MURDER, APOSTASY, ADULTERY.

HOW DO THEY PRACTICE THE PUBLIC PENANCE?

  • the bishop imposed his hands upon the penitents
  • the penitents are transferred to the ORDER OF PENITENTS
  • the penitents are excluded and not allowed to join the Eucharistic Celebration
  • receives penitential garments
  • ASHES ARE IMPOSED UPON THEM
  • the church expresses her love and concern by praying for them during the prayer of the faithful
  • On Holy Thursday the penitents were reconciled with the community of the faithful and admitted to the Eucharist.

11TH CENTURY

The Imposition of ASHES is not only for the PUBLIC PENITENTS. ALL the FAITHFUL receives the ASHES in SOLIDARITY with PUBLIC SINNERS.

The PUBLIC PENANCE disappeared but rite of imposing ASHES
new development in this era was the blessing of the ASHES for the FIRST TIME.

12th CENTURY

There developed the custom that the ASHES were to be obtained by burning the Palm Branches of the previous year.

VATICAN COUNCIL II

The prayers and readings of ASH WEDNESDAY were changed to a great extent. They are now richer and much more Easter-Oriented.

Imposition of ASHES is integrated into the mass.

Meaning of ASHES?

1. SYMBOL OF TRANSIENCY

  • they are residue of something that was burned and has vanished
  • by receiving the ASHES, we are reminded how short and how passing human life is 
  • receiving the ashes should lead us to a realistic self-appraisal and help us to OPT for lasting values and for what really counts

2. SIGN OF PURITY

They look dirty but ib reality they are very pure element since they are the result of a burning process in which fire destroyed all impurities.

The reception of ASHES is a CALL and an INVITATION to undergo such a process of purification in the coming forty days. “Since it is burning, it can be very painful but it is purifying and liberating.”