Sa mga Nagmamahal (April 15, 2019)

Holy Monday

“Mary took a liter of costly perfumed oil made from genuine aromatic nard and anointed the feet of Jesus and dried them with her hair; the house was filled with the fragrance of the oil.”

“Sa mga nagmamahal, lahat ay kayang gawin at kayang ibigay.” Ito ang isa sa mga tagpo na pwede nating makita sa ating Ebanghelyo. Ito ang ginawa ni Maria para sa Panginoon.

Ikaw? Nagmamahal ka ba? Minamahal mo ba ang Panginoong Diyos natin? Ano naman ang ibinibigay mo o ginagawa mo para sa Kanya? Ngayong Semana Santa, ano ang konkreto mong gagawin na magpapahayag ng pagmamahal mo sa Panginoon?

Panginoon, tulungan mo po kaming patuloy na ibigin ka, ngayon hanggang sa huli.

Amen.

Kilala (April 14, 2019)

Palm Sunday

May dalawang Ebanghelyo sa Linggong ito:

Una ay ang Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem at Siya ay kinilala ng mga tao roon. Inilatag nila ang kanilang mga balabal sa kanyang daraanan at kumuha sila ng mga sanga at iwinagayway bilang tanda ng kanilang saya, pagkilala at pagbibigay puri.

Ikalawa ay ang Pasyon ng ating Panginoong Hesus. Dito sumisigaw ang mga tao na ipako Siya sa Krus at ninais nilang Siya ay mamatay.

Kung pagninilayan natin ang dalawang Ebanghelyo na ito, makikita natin na maaring ang mga taong tumanggap at kumilala sa kanila ay siya ring sumigaw para sa Kanyang kapahamakan. Atin itong mamamasdan nang sinabi sa huling bahagi ng Pasyon na umalis silang dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

Ano ang problema? 

Mababaw ang kanilang pagkilala sa Panginoon at mababaw ang pakikipag-ugnayan sa Kanya. 

Ano ang panawagan sa atin ngayon?

Kilalanin ang Panginoon at magsumikap na mas makilala Siya ng malalim sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa ating pananampalataya, pagbabasa ng Banal na Salita at pagninilay o pagdarasal. 

Mga kapatid, mahalagang kilala natin Siya ng lubos upang di natin Siya maipagpalit sa kaninuman o sa anuman. Gayundin, mahalagang makilala natin Siya upang Siya ay ating masunod ng mas maayos.

Panginoon, tulungan mo po kaming makilala ka pa namin ng lubos. 

Amen.

Sacrifice? (April 13, 2019)

Saturday, 5th Week of Lent
John 11:45-56

May mga pagkakataon na mali ang desisyon natin sa buhay na kung saan ay naisasakripisyo natin ang mga bagay na mas higit na mahalaga. 

Ito ang makikita natin sa ating Ebanghelyo ngayon. Nagdesisyon ang mga Pariseo sa pamumuno ni Caiphas na isakripisyo ang Panginoong Jesus. Sa halip na magnilay muna at magsaliksik, pag-aralan at unawain na mabuti ang sitwasyon, sila ay agad-agad na nagdesisyon.

Paalala ito sa ating lahat na alamin ang higit na mahalaga, magnilay muna, magtanong, magsaliksik at gayundin tingnan ang sitwasyon bago tayo magdesisyon. Mahalagang pinag-iisipan ang mga bagay bago gumawa ng desisyon sa buhay. 

Gayundin, magandang makita din natin na ang Panginoon ang una sa buhay natin kaysa sa mga tao at mga bagay sa mundong ito. Kaya sana kung may isasakripisyo tayo wag sana ang ating PANGINOON at ang mga dapat nating ialay para sa Kanya. 

Hilingin natin sa Panginoon na pagkalooban Niya tayo ng kaliwanagan ng isip at firm na desisyon para sa higit na mahalaga, sa tama at sa mabuti.

Amen.

Good Works (April 12, 2019)

“If I do not perform my Father’s works, do not believe me; but if I perform them, even if you do not believe me, believe the works, so that you may realize and understand.”

Kung pagninilayan natin ang ating buhay, makikita din natin ang napakaraming biyaya ng Diyos na ating natanggap. Ang ilan ay ipinagkaloob ang hinihiling, ang ilan ay sinagip sa tiyak na kapahamakan at marami pang iba.

Mga kapatid, maging tanda at patunay nawa ito ng katotohanan na nariyan ang Diyos at di Niya tayo iiwan kailan pa man. Mapawi nawa nito ang lahat ng mga agam-agam o pagdududa natin sa Kanya.

Amen.

Bato (April 11, 2019)

Thursday, 5th Week of Lent

“So they picked up stones to throw at him.”

Nag-attempt sila na batuhin ang Panginoon pero buti nga sila attempt lang, tayo ay bato talaga at paulit-ulit pa nating ginagawa.

Ang bawat pagsuway at bawat paggawa natin ng kasalanan ay tila isang pagbato sa Panginoon; tanda ng ating pagtanggi sa Kanyang kalooban.

Mga kapatid, kailan natin bibitawan ang mga BATO o kasalanang paulit-ulit ginagawa na tila paulit-ulit nating ipinupukol sa Panginoon? Kailan tayo magbago?

Panginoon, patawad po sa paulit-ulit na pagkakasala ko. Tulungan mo po sana akong mabago ang kinagisnang kasalanan. Maipagpatuloy sana namin ang pagbabago ng ating mga puso.

Amen.

Favorite (April 10, 2019)

Wednesday, 5th Week of Lent

Jesus answered them, “Amen, Amen, I say to you, everyone who commits sin is a slave of sin.”

What is your favorite sin? Ito yung paulit-ulit mong nagagawa at paulit-ulit mong kinahuhulugan? Ano o anu-ano ang mga kasalanang di mo mabago?

Mga kapatid, ito yung mga “favorite sin/s” natin. Favorite ang tawag ngunit sa katotohanan ay ang mga kasalanang “umaalipin” sa atin.

Kaya di natin ito mabago at paulit-ulit nagagawa dahil nagiging slave na tayo ng mga iyon.

Ito mga kapatid ang ilapit natin sa ating Panginoon sa bawat pagdarasal upang kasama ang effort natin ay mabago natin ito.

Huwag nating hayaang maging alipin tayo ng kasalanan bagkus sa tulong ng Diyos ay maging malaya tayo sa mga ito.

Amen.

Reklamador (April 9, 2019)

“From Mount Hor, the children of Israel set out on the Red Sea road to bypass the land of Edom. But with their patience worn out by the journey, the people complained against God and Moses.”

Dalawang bagay ang pwede nating pagnilayan sa ating mga buhay kaugnay ng unang pagbasa lalo na sa pagrereklamo ng ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay.

Una, may tendency na tayo din ay maging mga reklamador lalo na kapag may mga pagsubok tayong pinagdaraanan. NGUNIT sa halip na magreklamo ay humingi ng tulong sa Diyos at magtiwala sa Kanya. Wala namang maitutulong ang pagrereklamo natin sa ating buhay.

Ikalawa, madalas tayong nagrereklamo kapag ang hinahangad natin ay hindi natin agad natatamasa.
NGUNIT sa halip na magreklamo ay panatilihin ang pasensya at magtiyaga o ipagpatuloy ang mabuting paggawa at pagkilos at tiyak ito ay magbubunga sa tamang panahon. Tandaan na hindi instant ang lahat ng bagay na kapag ninais ay instant na nariyan na. Lahat ng bagay ay dapat pagtiyagaan at pagtrabahuhan; pangangailangan man ito, pangarap at maging relationship.

Huwag magpara reklamo. Gawin natin ang mga dapat nating gawin upang makatulong sa ating pag-asenso at makapagcontribute sa ating lipunan. Tumawag at magtiwala sa Diyos sapagkat ang lahat ng ninanais ng Diyos ay para sa kabutihan natin. Ang mga taong REKLAMADOR, kahit anong dami ng biyaya o ganda ng nangyayari ay tiyak makakahanap iyan ng bagay na irereklamo kahit na maliit na bagay ngunit hindi naman makita ang sariling kapintasan. 

Panginoon, tulungan mo po akong mabago ang aking pagiging reklamador sa iyo at sa mga tao na nasa paligid ko.

Amen.

Light (April 8, 2019)

Monday, 5th Week of Lent

“I am the light of the world.”

Sa Ebanghelyo, ipinahayag Niya na Siya ang Ilaw. Paano nga ba Siya naging ilaw ng ating buhay?

L – ove. Si Hesus ay ang konkretong manifestation ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Siya rin ang nag-aanyaya sa atin na magmahal.

I – gnorance. Itinatag ng Panginoong Hesus ang Simbahan upang patuloy na ipahayag ang katotohanan at palayain tayo sa kamangmangan.

G – uide. Ang Salita ng Panginoon ay ipinahayag Niya sa atin upang tayo ay Kanyang magabayan; maging liwanag sa madilim na daan.

H – oly. Ang Panginoon ay Banal at ipinakita Niya ang daan tungo sa kabanalan. Sana ay sundan natin ang kanyang yapak.

T – ulong. Ang Panginoon ay nariyan para sa atin. Hindi Niya tayo iiwan ano man ang mangyari. 

Tangapin nawa natin ang Panginoon bilang ating ILAW.

Amen.

Kumpisal (April 7, 2019)

5th Sunday of Lent

“Neither do I condemn you.
Go, and from now on do not sin any more.”

May mga taong hindi kayang magkumpisal ng napakahabang panahon. Mayroon nga na more than 30 years na. Ang ilan ay halos dalawampung taon, ang ilan ay walo at marami pang iba. Kapag may nakikilala ako na ganito, usually tinatanong ko kung bakit ganoon katagal niyang tiniis na di lumapit sa kumpisal.

Dalawang bagay ang madalas kong naririnig:

Una ay dahil sa takot. Takot marahil sa pari at baka siya pagalitan.
Ikalawa ay nahihiya dahil sa mabigat na kasalanan.

Walang dapat ikatakot sa Panginoon lalo na sa Sakramento ng Pagbabalik-loob o Kumpisal. Dahil ang matatagpuan natin dito ay ang AWA, PAG-UNAWA, PAGPAPATAWAD at PAGTANGGAP.

Wag din tayong mahihiya. Mas nakakahiya yung hindi lumalapit sa Diyos. Mas nakakahiya yung hindi nagsisisi sa mga kasalanang nagawa. Mas nakakahiya ang nagsasarili tayo at ayaw natin ng paggabay mula sa Panginoon. Mas nakakahiya yung hindi natin kinikilala ang Diyos.

Sa Ebanghelyo natin makikita ang Panginoong Hesus na naguumapaw sa Awa, Pag-unawa , Pagpapatawad at Pagtanggap ng Diyos. Hindi Niya hinayaang mapahamak ang babaeng nahuling nakiki-apid. Bagkus ay Kanyang pinatawad at pinagpala.

Lumapit tayo sa Panginoon at tiyak na awa, pag-unawa, pagpatawad at pagtanggap din ang ating matatanggap.

Amen.

Do Good (April 6, 2019)

Friday, 4th Week of Lent

“Is he not the one they are trying to kill?
And look, he is speaking openly and they say nothing to him.”

Sa kabila ng BANTA sa buhay ng Panginoong Hesus, patuloy pa rin Siyang gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng pagtuturo sa kapwa Niya Hudyo tungkol sa Tama, Totoo at Mabuti.

Ito rin ang isa sa mga paanyaya o panawagan sa atin ng Panginoon. Ang TULARAN Siya sa PAGGAWA ng mabuti ARAW-ARAW.

Magandang maging kaugalian na natin na sa umaga pa lang nagtatanong na tayo sa ating mga sarili kung anong pwede magawa nating mabuti sa araw na iyon.

Mga kapatid, huwag tayong matakot, huwag tayong mahiya at huwag tayong papapigil sa kaninuman na gumawa ng mabuti. 

Hingiin natin ang tulong ng Diyos upang patuloy tayong maging masipag sa paggawa ng mabuti araw-araw.

Amen.

Noon at Ngayon (April 2, 2019)

Tuesday, 4th Week of Lent

Now there is in Jerusalem at the Sheep Gate; a pool called in Hebrew Bethesda, with five porticoes.

Noong makarating ako sa Bethesda, nakita ko na ang lugar na iyon ay lugar na pasyalan na lamang. Naroon pa rin ang kwento pero wala na ang mga pangyayari noon.

Ngayon ito ay isa na lamang tourist spot at lugar kung saan nagpapa-picture ang mga tao.

Bakit kaya nawala na ang mga kababalaghan? Natapos ang mga pagpapagaling dulot ng pagkalawkaw ng tubig ng anghel ng Diyos sa lugar na iyon?

Siguro ay dahil tumigil na silang maniwala.
Siguro ay wala ng nagpatotoo.
Siguro ay wala ng nagkwekwento ng mga milagro sa lugar na iyon.

Warning o paalala din sa atin ito; kapag tumigil tayong manampalataya, kapag tumigil tayong magpatotoo at kapag tumigil tayong gabayan ang iba ay maaring humina din ang paniniwala.

Wag sana nating hintaying dumating tayo sa ganitong sitwasyon. Manatili tayong magdasal, magkwento tungkol sa ating mabiyayang karanasan sa Kanya at patuloy na naman ipakilala sa mga nakababata ang Diyos at gabayan sila patungo sa Kanya.

Amen.

Son (March 31, 2019)

4th Sunday of Lent

What is God’s message to us today, 4th week of Lent? What is Jesus’ message in the Parable of the Prodigal Son?

S – ons and daughters of God we are. This the reason why we are important to Him and as what the Gospel is telling us, will be the reason why He will wait for our return.

O – bviously, His message for today is for us to return to Him especially through the Sacrament of Reconciliation. It is where God is welcoming us with an embrace and kiss of love. We need to overcome our fears, hesitations, lack of faith and be courageous enough to approach Him through the sacrament.

N – ever to be separated anymore is God’s will for each and everyone of us. Thus, we have to live our faith everyday.

Always remember that the:
S -on of God, Jesus came for us.
O – ffering us His mercy, His forgiveness and His love.
N – ew Life in HIM. For all of us.

Amen.

Our Prayer (March 30, 2019)

Saturday, 3rd Week of Lent

“O God, be merciful to me; a sinner.”

“Sana mamatay na ang masasamang tao.” Ito ang isa sa mga reaksiyon ko dahil sa gigil ko sa isang napakapangit na balita na aking napanood. Coming into my senses, nasabi ko, “Ay wait LORD baka makasama ako.” Kasama nga pala ako sa mga taong masasama o makakasalanan.

My dear bothers and sister, walang perpekto sa atin. In one way or another, nagkakasala po tayo. Sabi nga sa ISIP, sa SALITA o kaya naman sa GAWA. May we all see this reality. Upon seeing this, let us then imitate the prayer of the tax collector in our Gospel “O God, be merciful to me; a sinner.”

Sa halip na tingnan natin pagkakamali at pagkukulang ng ating mga kapwa, tingnan sana natin ang ating mga sariling pagkakamali at mga pagkukulang. Ilapit natin sa Panginoon nang tayo ay Kanyang patawarin at matulungan Niyang magbago.

Amen.

One (March 28, 2019)

Thursday, 3rd Week of Lent

“Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house.”

Magkaisa tayo sa pagdasal. Sama-sama tayong gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Magtulungan tayo sa paggawa ng mabuti para sa mga nangangailangan. Magtulungan tayo na ipakilala at ipaalam ang kalooban ng Diyos.

Sa mga parokya, di nawawala ang pagkakanya-kanya; ang magpagalingan, ang pagsisipsip sa mga Kura, ang feeling makapangyarihan sa lahat. Bagkus, ang isipin natin ay ang paggalang sa kapwa, ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Ika nga, “UNITY IN DIVERSITY.”

Ito ang kailangan natin; ang magkaisa at magtulungan. Nawa ay makita natin ang paalala ng Diyos na kapag tayo ay divided ay walang pag-usad na mangyayari bagkus pagkakahiwa-hiwalay at pagbagsak. Sa panalangin ay hingiin natin sa Panginoong Hesus na tayo ay Kanyang gabayan upang matutong makipagkaisa at makipagtulungan.

Amen.

Law (March 27, 2019)

Wednesday, 3rd Week of Lent

Jesus said to his disciples:
“Do not think that I have come to abolish the law or the prophets. I have come not to abolish but to fulfill.”

Ang Utos ng Diyos ay dapat nating sundin sapagkat ito ay ibinigay para sa ating kaayusan at kabutihan. Tandaan po natin na ang mga ito ay ibinigay hindi upang pahirapan tayo kundi para:

Pangunahan at Gabayan tayo ng Panginoon.
(L – ord’s means to lead and guide us)

Maiwasan at Mawala ang iba’t-ibang uri ng inhustisya at pang-aabuso sa kapwa.
(A – abolish abuses against our neighbors)

Upang manatiling Maayos at Mapayapa ang ating pamayanan.
(W – ay towards a better community)

Katulad ng Panginoon, dumating Siya at isinakatuparan o isinabuhay Niya ang mga ito. Nawa, makita din natin ang kahalagahan ng mga utos na ito ng sa gayon ay sundin natin ito.

Amen.