Daan (May 10, 2019)
Friday, 3rd Week of Easter
“If he should find any men or women who belonged to the Way, he might bring them back to Jerusalem in chains.”
The WAY o ang DAAN… ito ang tawag sa mga taong sumusunod at tumatanggap sa Panginoong Jesus. Sila ang mga inuusig ni Saul (San Pablo) dahil sa kanyang masidhing pananampalataya na minanana nila sa kanilang mga ninuno. Sa pagtawag sa kanya ng Panginoon, siya ay nagbago at masidhi niyang ipinahayag ang pananampalatayang kanyang unang inuusig. Siya man ay umayon sa DAAN.
Tandaan din natin na katulad ni Saul (San Pablo) sundan din sana natin ang DAAN patungo sa Panginoon…
D – asal sapagkat ito ang mainam na source
ng ating lakas
A – lisin ang masasamang saloobin/
niisip/intensiyon, gayundin ang pagkilos.
A – lisin ang pag-aalinlangan sa Diyos
bagskos sumampalataya sa Kanya.
N – aising gawin at isabuhay ang MABUTI,
TAMA at mga kalugud-lugod sa Diyos.
Tulungan mo po kami Panginoon na tahakin ang DAAN patugo sa iyo.
Amen.