Dasal (June 5, 2019)

Wednesday, 7th Week of Easter

“Lifting up his eyes to heaven, Jesus prayed.”

Tuwing kailan ka nagdadasal?
Sana huwag lamang KUNG MAY KAILANGAN LANG.

Mga kapatid, sa Ebanghelyo ang Panginoong Jesus ay nananalangin. Isa sa mga karakter ng ating Panginooon ay ang maglaan ng panahon para magdasal o manalangin sa kanyang Ama. Ito din sana ang matutunan natin ang palagiang naglalaan ng panahon para sa Diyos upang manalangin.

Panginoon pakinggan mo po ang aming mga panalangin at ipagkaloob mo po sa amin ang biyaya na makabubuti sa amin.

Amen.

Binyag (June 3, 2019)

Monday, 7th Week of Easter

“They were baptized in the name of the Lord Jesus. And when Paul laid his hands on them, the Holy Spirit came upon them…”

Ang unang pagbasa ay tungkol binyag. Tuwing nagbibinyag, isa sa mga paborito kong bahagi ay ang pag-Annoint ng Krisma sa crown ng binyagan lalo na habang sinasabi ang mga katagang… “maging matatag ka sa iyong pakikiisa kay Jesukristong HARI, PARI at PROPETA.” Ito kasi ay pagpapahayag ng misyon na dapat gampanan ng isang binyagan.

Ang maging HARI ay panawagan sa paglikingkod sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan

Ang maging PARI ay panawagan na manalangin at mag-alay sakripisyo para sa simbahan at sa ating mga kapwa.

Ang maging PROPETA ay panawagan na maging tagapagpahayag ng MABUTING BALITA sa salita at sa gawa saan man tayo naroroon.

Mga kapatid, ito ang ating misyon sana ay tunay tayong makibahagi para sa ating kabutihan at ng ating simbahan at pamayanan.

Panginoon tulungan mo po kaming maging aware sa mga dapat naming gampanan at maisakatuparan ang mga ito. 

Amen.

Tingala (June 2, 2019)

Ascension of the Lord

Sa unang pag-basa, ipinahayag ang tungkol sa pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa pag-akyat niya sa harapan ng kanyang mga saksi napatingala ang mga ito hanggang sa mawala na siya sa kanilang paningin… Ngunit may may dalawang lalaking tumawag ng kanilang pansin… tinanong sila kung bakit sila ay nanatiling nakatingala? Ang tagpong ito ay tila ba pagtawag sa kanilang pansin na kinakailangan nilang kumilos at kinakailangan nilang gawin ang inihabilin sa kanila ni Jesus.

Sa buhay natin, dapat na malaman natin na hindi sapat ang tumingala at tumawag sa kanya sa pagdarasal… hindi sapat ang umasa na lamang sa kanya. Kinakailangan din na kumilos tayo. Kailangan nating sundin ang mga hinihingi o iniuutos sa niya sa atin. Dapat kasama ng pagdarasal sa kanya ay ang pagsasagawa ng ninanais niyang ipagawa sa atin.

Manalangin tayo.

Panginoon, turuan mo po akong magdasal… turuan mo din po akong gawin ko ang mga ninanais mong gawin ko para sa ikadadakila ng iyong pangalan.

Amen.

Goal (June 1, 2019)

Saturday, 6th Week of Easter

“I came from the Father and have come into the world. Now I am leaving the world and going back to the Father.”

Mahalaga na mayroong GOAL ang isang kumpanya, organisasyon at pati na rin ang buhay natin upang malaman kung anong direksyon ang tatahakin. Kung walang goal baka malito o mahirapan tayong alamin at tahakin ang direksyon na dapat nating tahakin.

Ito ang isa sa maari nating makita sa ating Ebanghelyo ngayon, ang paulit-ulit niyang pagpapaalala ng dapat na maging GOAL natin. Sana ang GOAL natin hindi lang ang umasenso sa buhay na ito bagkos ang Diyos na ating Ama. Katulad ng Santong si St. Justin, malinaw sa kanya ang kanyang GOAL kaya di siya nalinlang ni natakot sa pananakot ni Rusticus na alagad ng emperador sa panahong iyon. 

Katulad ng mga Banal… tahakin sana natin ang landas tungo sa Diyos na ating Ama.

Panginoon, gabayan mo po kami at tulungan mo po kami sa pagtahak namin sa landas patungo sa iyo.

Amen.

Paalala (May 31, 2019)

Visitation of the Blessed Virgin Mary

Dalawang bagay ang maaring nating pagnilayan sa kapistahang ito…

Una, pakikinig, paniniwala at pagtanggap sa Salita ng Diyos. Naniwala ang Mahal na Birhen na totoo ang ipinahayag ng Anghel tungkol sa kanyang pinsan kaya siya ay naglakbay patungo sa kanila.

Ikalawa, nanatili ang Mahal na Birhen sa kanyang pinsan sa loob ng tatlong buwan. Nanatili siya upang paglingkuran ang kanyang pinsan na nagdadalang-tao sa kanyang katandaan. Maghirap magdalang-tao… lalo na kung ang babae ay nasa katandaan na… kaya minabuti niya na manatili ang maglingkod.

Mga kapatid, ito rin ang hinihingi sa atin ng ating pananampalataya… matututo sana tayong makinig sa Salita ng Diyos, maniwala at tanggapin ito. Ngunit ipinakita sa atin ng Mahal na Birhen na hindi sapat iyon, kailangan din ang PAGKILOS. Kailangan nating isabuhay ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.

Maging tunay na buhay sana ang ating pananampalaya. Tularan natin ang ehemplo ng Mahal na Birhen.

Amen.

Ehemplo (May 30, 2019)

Thursday, 6th Week of Easter

So some of his disciples said to one another,
“What does this mean that he is saying to us,
‘A little while and you will not see me,
and again a little while and you will see me,’
and ‘Because I am going to the Father’?”

Isang ehemplo ang ipinakikita sa atin ng ating Ebanghelyo ngayon… ang pagnanais na maunawaan ang Salita ng Panginoon.

Mga kapatid, huwag tayong makuntento na nagdadasal at nagsisimba lamang. Huwag tayong makuntentong sunod lang ng sunod. Ang mas mainam ay yung inuunawa natin ang ating pinanampalatayanan sapagkat sa pamamagitan nito mas mapahahalagahan/mapapalalim pa natin ang ating pananampalataya.

Panginoon tulungan mo pong maunawaan ko ang aking pinananampalatayanan upang ito ay mas mapahalagahan ko ng lubos.

Amen.

Nagsasalita (May 29, 2019)

Wednesday, 6th Week of Easter

Jesus said to his disciples:
“I have much more to tell you…”

Paano ba nagsasalita ang ating Panginoon sa ating buhay?

Ang Panginoon ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng mga taong nagtuturo sa atin ng tama at mabuti…sa mga taong sumisita sa mali nating ginagawa…
Sila ay maaring ang ating mga magulang, kapamilya, mga kaibigan at mga lingkod simbahan at marami pang iba.

Ngunit paano nga ba nagsasalita sa atin ang Panginoon? Bukod sa mga tao sa paligid natin, nagsasalita ang Panginoon sa KATAHIMIKAN… PAGNINILAY… PAGDARASAL. Dito binibigyan niya tayo ng realisasyon. Dito nililiwanagan niya ang mga isip natin. Dito siya nagsasalita.

Ugaliing tumungo sa tahimik na lugar… magnilay sa Salita ng Diyos, sa buhay at kausapin ang Panginoon sa mataimtim na panalangin.

Panginoon, magsalita po kayo at ako, ang iyong anak ay nakikinig.

Amen.

Persecute (May 27, 2019)

Monday, 6th Week of Easter

“They will expel you from the synagogues; in fact, the hour is coming when everyone who kills you will think he is offering worship to God.”

Totoo nga ito di ba?
Lagi na lang inuusig ang simbahan lalo na kapag nagsasalita tungkol sa moralidad at katotohanan.
Lagi na lang kasing pinalalabas na kontra-bida ang simbahan o di kaya naman pakialamero ang simbahan.

Pero bakit nga patuloy na inuusig it at sino ang umuusig dito???

Majority sa umuusig dito ay mga BINYAGAN din naman… mga KATOLIKO din naman.
Mga binyagang maaring HINDI INFORMED o kaya naman AYAW UNAWAIN ANG TAMA AT MABUTI. Iyong mga ignorante o di informed dapat mainform ngunit mas mahirap yung mga ayaw umunawa sapagkat kahit na di tama tiyak ipagpipilitan pa nila.

Mga kapatid ipanalangin natin ang mga umuusig sa KATOTOHANAN na ipinahahayag ng SIMBAHAN. Hingin natin na liwanagan sila pati na rin tayo ng Banal na Espiritu upang maaunawaan ang mga dapat maunawaan.

Amen.

Source (May 28, 2019)

Tuesday, 6th Week of Easter

“About midnight, while Paul and Silas were praying and singing hymns to God as the prisoners listened”

May iba’t-ibang uri at mabenta ang mga energy drink sa atin. Marami kasi ang umiinom nito dahil kailangan ng enerhiya upang matapos/magawa ang trabaho.
Hindi din kasi biro ang buhay ngayon. Talagang kailangan maghanap-buhay.

Totoo din ito pagdating buhay pananampalataya. Hindi madali ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Madalas nga nakakapanghina at nakakapagod kase minsan kahit na anong pagpapabuti tayo pa ang masama. Sa pagtupad sa kalooban ng Diyos, mahalagang may source din tayo ng lakas. Ang tanging source nito ay walang iba kundi ang PAGDARASAL. Ito ang energy drink ng ating kaluluwa/espiritu. Ito ang ipinakikita sa atin nina Pablo at Silas sa unang pagbasa. Di sila napapagod at pinanghihinaan kahit na nga sila ay pisikal na sinasaktan dahil sa ang lakas nila ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pagdasal.

Unahin natin sa araw-araw natin ang pagdarasal para sa mas maayos na pagsunod sa kanya. Magdasal tayo ng mas madalas at maging matiyaga sa pagdadasal lalo na sa PAGSISIMBA… ang pinakamataas na uri ng ating dasal.

Panginoon, bigyan mo po kmi ng lakas at sigla sa pagtupad ng pang araw-araw naming obligasyon at upang masunod namin lagi ang kalooban mo.

Amen.

Tunay na Pag- ibig (May 26, 2019)

6th Sunday of Easter

“Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking Salita; iibigin siya ng aking Ama.”

Usapang pag-ibig ang isa sa maaring tema na ating ebanghelyo ngayon. 

Isa sa mga bansang nabisita ko ay ang bansang Vietnam. Sa pagbisita namin doon, kami ay tumungo sa iba’t-ibang mga parokya upang makita ang kanilang mga practices. Tatlo sa mga nakita ko ay ang mga sumusunod na nagpapahayag ng pag-ibig nila sa Panginoon…

Una ang kanilang pananamit sa mga Banal na pagdiriwang. Ang mga kasuotang iyon ay tila National Attire nila… ang attire na iyon ay isinusuot lamang sa mga mahahalagang pagdiriwang. Isinusuot nilaiyon sa pagdiriwang ng Eukariatiya/Misa sapagkat para sa kanila, mahalaga ang pagdiriwang na iyon. Ikaw, paano ka manamit sa pagsisimba mo?

Ikalawa ay ang kanilang interes upang maunawaan ang pananampalataya. Dahil sa ito ay bansang komunismo, limitado ang pagkilos ng simbahan. Tanging sa simbahan lamang ginagawa ang katekesis. Ang nakatutuwa dito ay napakaraming mga magulang at mga bata ang naroroon upang makinig ng katekesis. Ang mga magulang inihahatid ang mga anak para sa basic katekesis at may programa din para sa mga magulang. Ikaw po… malaya ka… may oras ka ba para unawain ang pananampalataya mo?

Ikatlo ay ang mga tagapagturo ng katekesis… mga bata din ang nagtuturo… ang ilan ay mga volunteer na mga magulang. Ikaw… naglilingkod ka ba, may ginagawa ka ba upang ipakita ang pagmamahal sa Diyos. 

Nakakatuwa… kamangha-mangha ito dahil sa simpleng gestures na iyon ipinakikita nila ang pagpapahalaga sa Eukaristiya at pagmamahal kay Jesus at sa kanyang Salita.

Mga kapatid, tandaan po natin ito… ang mga taong totoong NAGMAMAHAL sa Panginoong Jesus, ay may ginagawa… ipinapahayag nila ito dapat hindi lang sa Isip at Salita kundi higit sa lahat ay sa Gawa.

Tanungin po natin ang ating mga sarili… Mahal ko ba talaga ang Panginoong Jesus?
Sa anu-anong pamamaraan ko ba ito naipakikita at ipinahahayag?

Panginoon tulungan mo po akong maipahayag ng konkreto ang aking pagmamahal sa iyo.

Amen.

Pakikisama (May 25, 2019)

Saturday, 5th Week of Easter

“And I have chosen you out of the world, the world hates you.”

Okay lang makisama at sumang-ayon… kung TAMA at MABUTI ngunit kung ito ay hindi na tama at makasasama na sa atin at sa nakararami dapat hindi ito tangkilikin..

Mga kapatid ito ang sinasabi ng Panginoon sa atin… kamumuhian tayong naniniwala at naninindigan sa TAMA at MABUTI dahil sa di tayo nakikisama sa gusto nila na mali, imoral at nakasasama. Ngunit tandaan na mabuti ng kamuhian ng tao na masasama ang gawi at gawa kaysa kamuhian ng Diyos dahil sa pakikiisa at pakikisama natin sa mali at imoral

Ikaw kanino ka makikisama? Sa gawang mabuti ba o sa masama? Sana maging bukas ang isip natin ng makita natin ang katotohanan at pumabor tayo sa tama at mabuti.

Panginoon, tulungan mo po akong sundan ang kalooban mo at manindigan sa tama kahit na akonay kamuhian ng iba.

Amen.

Banal na Espiritu (May 20, 2019)

Monday, 5th Week of Easter
John 14:21-26

“Ang PATNUBAY, ang ESPIRITU SANTO na susuguin ng AMA sa panglan ko, ang siyang MAGTUTURO sa inyo ng lahat ng bagay at MAGPAPAALALA ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Sa ating Ebanghelyo malinaw na inihayag ng Panginoon ang pagkakaloob ng Espirito Santo sa kanyang mga alagad… at patina di sa atin.
3 bagay po ang hingin nating biyaya sa Panginoon.

Una, patuloy niyang ipagkaloob ang Banal na Espiritu upang maging gabay natin sa ating paglalakbay.

Ikalawa, hingin natin sa Panginoon na tukungan tayo ng Pangi oom na maging bukas… at maging sensitive sa kanyang presensiya. 

Ikatlo, hingin natin sa Panginoon na tulungan niya tayong SUMUNOD sa gabay na kaloob ng Panginoon gaano man ito kahirap o kadali.

Panginoon kailangan po namin ang iyong gabay upang kami ay di maligaw.

Amen.

Grabe Shaaa (May 18, 2019)

Thursday, 4th Week of Easter

” The one who ate my food has raised his heel against me.”

Grabe shaa, ito ay isa sa mga expresyon ng mga kabataan o ng kung sinuman na nagpapahayag na ang ginawa ng kapwa ay sobra-sobra na.

Madalas totoo ito sa atin… 
GRABE na tayo dahil sa sobra nang tigas ng ating puso na kung minsan talo pa natin ang Diyos dahil sa do na tayo nagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin at kinimkimkim ang sama ng loob… 
GRABE na tayo dahil sa mapanghusga na tayo… 
GRABE TAYO dahil sa di na tayo sapagkat SA KABILA NG KABUTIHAN NG DIYOS SA ATIN… SA KABILA NG MGA PAGPAPALA NIYA SA ATIN, NAKUKUHA PA NATING MAGTAKSIL AT PINIPILI PA DIN NATING MAGKASALA.

Sa ating ebanghelyo, sinasabi ng Panginoon na ang mga pinakakain niya ay siya pang NAGTATAKSIL sa kanya.

Panginoon, tulungan mo po kaming maging tapat at totoo sa iyo. Tulungan mo pong tahakin namin ang landas na nais mooara sa amin. Tulungan mo po kaming huwag ng magtaksil sa iyo.

Amen.

Ilaw (May 15, 2019)

Wednesday, 4th Week of Easter

“I came into the world as light,
so that everyone who believes in me might not remain in darkness.”

May pagkakataon na sinabi ng ating Panginoon: “as the Father sent me so I am sending you.” Nais kong iugnay nito ay ang ating Ebanghelyo ngayon na sinabi ng Panginoon na siya dumating upang maging LIWANAG/ILAW ng mundo.
Mga kapatid ito ang bokasyon/panawagan sa atin… ang maging LIWANAG/ILAW.

Magandang tanungin natin ang ating mga sarili; tagapagdala ba akong LIWANAG…ILAW ba ako na pumapawi ng kadiliman? Ibig sabihin, nagdadala/nagdudulot ba ako ng kaayusan, kapayapaan, paggkakaisa at pag-ibig sa pamayanang kinabibilangan ko? O KADILIMAN ang dala ko dahil sa ako nagdadala ng kaguluhan, kasiraan, at pagkakahiwa-hiwalay?

Tandaan natin tayo ay tinatawag at ninanais ng Panginoon na maging katulad niya… LIWANAG/ILAW na papawi ng kadiliman.

Panginoon, tulungan mo po akong makatugon sa iyong panawagan at gayundin IPINAPANALANGIN po namin ang mga bagong HALAL na PINUNO ng aming pamayanan na sila ay magdala ng MAGING ILAW at MAGDALA NG LIWANAG SA AMING PAMAYANAN.

Amen.

Pinuno (May 13, 2019)

Monday, 4th Week of Easter

Araw ngayon ng eleksiyon…
Sino nga ba ang ibinoto mo o iboboto mo?
Sana ang pinili natin ay pinuno na magmumuno sa atin ng maayos at mabuti para sa maayos na hinaharap ng ating pamayanan.

Mga kapatid… ang ating Ebanghelyo kahapon at ngayon, ipinapahayag sa atin ang tungkol sa Panginoong Mabuting Pastol at tayo na ka yang mga tupa. Ihinahayag niya na siya ang Pastol na HANDANG ibigay lahat para sa ating kabutihan. Makita sana natin ito upang MATANGGAP natin siya bilang pinuno na susundan natin. Makita sana natin na siya ay nariyan upang tayo ay dalhin sa maayos/mabuting kalagayan.

Sa kabilang dako naman, sana ay maging mabubuting tagasunod tayo. Marunong makinig, umunawa, nakikiisa at sumusunod sa ating Pinuno. Mahalaga kasi ang pakikipagtulungan at pakikipagkaisa. Susi din ito para sa maayos natin ang ating hinaharap at hantungan.

Panginoon, mamuno ka po sa amin at turuan mo po kaming sumunod sa iyo.

Amen.