Sa Harap ng Diyos (June 22, 2019)

Saturday, 11th Week in Ordinary Time

“Kaya’t buong galak na ipinagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin akong kapangyarihan ni Kristo.”

Isa sa karaniwang attitude nating mga tao ay ang ipakita lagi na tayo ay laging okay. 
Sa harap ng mga tao ipinakikita natin na tayo ay malakas, mabuti at magaling dahil sa ayaw nating makita nila tayong mahina.

Kabaliktaran ang dapat na maging attitude natin pagharap sa Panginoon. 
Sa harap ng Panginoon, iharap natin iyong totoong tayo… 
Iyong totoong sarili natin. 
Matuto tayong maging mapagkumbaba sa harap ng Diyos gaya ni San Pablo sa unang pagbasa at huwag magmagaling. 
Sa harap ng Diyos idulog natin ang ating mga sarili at maging bukas tayo upang tayo ay kanyang pagpalain.

Panginoon, naninikluhod po kaming patuloy mo kaming gabayan at pagpalain sapagkat kung wala ka ay mahihirapan po kmi at wala rin kami.

Amen.

Ama (June 20, 2019)

Thursday, 11th Week in Ordinary Time

A – ma natin ang Diyos kaya tumawag tayo sa kanya at magtiwala. Huwag tayong matatakot ni mahihiyang lumapit sa kanya.
M – ahal niya tayong lahat kaya ipinadala ang Panginoong Jesus upang ilapit niya tayo sa kanya sa pamamagitan ng pagpapahayag niya ng katotohanan tungkol sa plano ng Diyos at pag-aalay niya ng kanyang sarili para sa kligtasan ng lahat.
A – sam niya ang pagtugon din natin sa kanyang kabutihan bilang kanyang A- nak sa pamamagitan ng maayos na pamumuhay. 

Mga kapatid, ipinaaalala sa atin ng Panginoon na ang Diyos ay ang ating Ama. Kaya tawagin natin siya at maniwala tayong ang lahat ay magiging maayos sa pamamagitan niya.

Amen.

Blessing (June 19, 2019)

Wednesday, 11th Week in Ordinary Time

“God is able to make every grace abundant for you, so that in all things, always having all you need, you may have an abundance for every good work.”

Blessed tayo ng Diyos sa iba’t-ibang pamamaraan kaya lang hindi natin ito minsan nakikita. Kaya nga magandang magnilay tayo ng sa gayon ay makita at mabilang natin ang mga blessings na ating natanggap. 
Huwag lamang tayong nakatingin sa mga blessings ng ating kapwa at huwag maiinggit.
Ngunit ang biyayang kaloob ng Diyos para sa atin ay huwag lamang sanang manatiling atin lang… bagkos sana ay maibahagi natin sa iba, “share you blessing ika nga.”

Mga kapatid nagshashare ka ba ng mga blessings mo sa iyong kapwa? 

Panginoon, turuan mo po akong mging bukas palad… turuan mo po akong maging biyaya para sa aking kapwa.

Amen.

Kaaway? (June 18, 2019)

Tuesday, 11th Week in Ordinary Time

May nagsabi… kapag nagpatawad ka, ikaw ang unang-unang magbebenefit dahil sa mababawasan ang bigat na nararamdaman mo sa iyong dibdib at mababawasan din ang iyong isipin.

Mga kapatid, bakit nga ba marami ang nabubuhay sa galit. Bakit nga ba patuloy na inaalagaan ng marami ang galit at hinahayaan nilang pabigatin nito ang buhay? totoo mahirap ang hinihingi ng Panginoon na Ibigin ang mga kaaway at idalangin ang mga umuuusig sa atin ngunit ginagawa itong Panginoon upang tulungan tayong mabuhay ng mas malaya at mas panatag kasama na din ang maisabuhay ang kalooban ng Ama.

Tatlong bagay ang mahalang mabigyang diin;

Una, mahalagang magdesisyon tayo at piliin nating magpatawad bilang tugon sa Panginoon at pagpili sa mas matiwasay na buhay.

Ikalawa, panalangin ay mahalaga upang humingi ng tulong sa Diyos upang mapawi ang galit at hinanakit sa dibdib at matutong magpatawad

Ikatlo, laging alalahanin na tayo man ay hindi perpekto at nagkakamali din tulad ng mga nagkamali sa atin at dapat nating alalahanin na tayo man ay nakaranas ng pagpapatawad una sa Diyos at ikalawa sa mga taong nagawan natin ng mali.

Panginoon, tulungan mo po kaming magpatawad at magmahal.

Amen.

Masama (June 17, 2019)

Monday, 11th Week in Ordinary Time
Mathew 5:38-42

“Narinig ninyo na sinasabi, mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong labanan ang masamang tao.”

Bad trip tayo sa mga taong gumagawa ng masama lalo na kung karumal-dumal ang ginawang ito. 
Nakapang-gagalaiti lalo’t higit kung affected talaga tayo sa pagkakamali ng ating kapwa.

Ngunit sa pagkakataong ito, habang tayo ay naiinis… nagagalit… di natin marahil nakikita na tayo mismo ay nagiging Masama na din dahil sa ating mga reaksyon, mga iniisip at mga sinasabi. Halimbawa, sa isip natin sinasabi natin “mamatay ka na sana,” o kaya minumura na yung tao sa sobrang inis mo, o kaya nagbabanta ka na, nilalait mo na yung tao, ginugusto mo na yung death penalty ang masaklap iniisip mo ang gumanti at nananakit ka na rin pisikal.

Mga kapatid, bantayan din natin ang ating mga sarili. Katulad ng ninanais ng Panginoon huwag sana tayong pumatol sa mga masasama at lalo’t higit makabilang sa masasama. Manatili maayos at mabuti ang ating salita at gawa.

Panginoon, turuan mo po akong manatiling makatao at maka-Diyos sa lahat ng panahon.

Amen.

Tanda (June 16, 2019)

Solemnity of the Most Holy Trinity

Konkretong tanda ng kanyang pagmamahal ay ang paglikha niya sa tao… ang pagligligtas niya… at ang pagpapadala niya ng gabay, tagapagbigay pag-asa at tagapagpabanal sa atin.

Ikaw, ano naman ang mga konkretong tanda na ginagawa mo na nagpapahayag ng pagmamahal mo sa Diyos. Wag lang sana tayong makuntento sa isahang pagkilos bagkos maging lifestyle sana natin ang pagkilos na nagpapahayag ng pagmamahal sa Kanya.

Panginoon, tulungan mo pong maipahayag ko ang pag-ibig ko sa iyo araw-araw.

Amen.

Drawing (June 15, 2019)

Saturday, 10th Week in Ordinary Time

Drawing ang tawag sa Pangakong napako o pangakong di natupad. 
Kapag nadrawing ang isang pangako ang laging tanong ay “kelan kukulayan?”

Hindi ba ayaw natin sa mga taong sinungaling. Naiinis tayo kapag pinagsisinungalingan tayo.
Ayaw rin natin sa mga taong pangako ng pangako tapos di naman tinutupad. Gayundin ang ating Panginoon… ayaw niya sa sinungaling at sa mga taong pangako lang ng pangako.

Mga kapatid, sa ating ebanghelyo ipinahahayag din ng ating Panginoon na sanay maging totoo tayo sa ating mga salita “oo kung oo at hindi kung hindi.” Ayaw niya ng mga pangako… ang gusto niya ay totoong pagtugon at pagsunod sa kanya.

Mga kapatid, marami na tayong drawing sa Panginoon… kailan kaya natin ito kukulayan.

Amen.

Dalisay (June 15, 2019)

Friday, 10th Week in Ordinary Time

Ang pinakamatinding sagabal sa ating pagnanais na maging tapat at pagsunod sa kaloiban ng Diyos ay wala namang iba kundi ang ating mga sarili.

Kaya nga ipinaalala sa atin ng Panginoon na kailangan nating bantayan hindi lamang ang ating PAGKILOS kundi ang mga NASASALOOB/ HINAHANGAD/DESIRES ng ating puso. Sapagkat madalas, kung ano ang nasasaloob o hinahangad, iyon ang naisasagawa natin.

Sa ating ebanghelyo… ninanais ng ating Panginoon na maging mabuti ang ating mga NASASALOOB gayundin ang ating PAGKILOS.

Panginoon, maging DALISAY nawa lagi ang aking nasasaloob/hangarin/desires upang maging maayos din ang aking pagkilos.

Amen.

Gawa (June 13, 2019)

St. Anthony of Padua

FEAST DAY. Concelebrated Mass presided by Rev. Fr. Ronald Anthony Timoner, Diocesan Administrator, at the Parish of St. Anthony of Padua, Mercedes, Camarines Norte.

“Kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga Eskriba at Pariseo, hindi kau makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Alam ng mga Pariseo at mga Eskriba ang mga propesiya. Dalubhasa sila sa batas nila. Alam nila at sinusunod nila ang mga rito upang sambahin ang Diyos ngunut ang problema ay hanggangbdun lamang sila. Wala silang pakiaalam sa mga balo… sa mga ketongin. Wala silang pakialam at di sila nakikisalamuha sa mga itinuturing nilang makasalanan. May ALAM sila pero KULANG sa GAWA.

Ngayong araw na ito inaalala natin si San Atonio ng Padua. Isa sa mga sermon ng santong ito ay; “ACTIONS SOEAK LOUDER THAN WORDS.” Sabi pa niya, “let your words TEACH and let you actions SPEAKS.

Paalala ito sa ating lahat na na kasama ng ating kaalaman tungkol sa pananampalataya, pagsamba sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikiisa sa mga banal na pagdiriwang ay ang PAGGAWA.

Sa pamamagitan ng panalangin ni San Antonio, Panginoon, tulungan mo po akong masunod ang kalooban mo.

Amen.

Pagsunod (June 12, 2019)

Wednesday, 10th Week in Ordinary Time

“Ngunit ang gumaganap ng kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Bawal ito… bawal iyon…
Bakit ba kasi kinakailangang may mga set ng rules at regulation oobjective norms sa buhay natin na dapat sundin? Tanong ito ng isang ale na nakausap ko. Bakit hindi na lang tayo hayaan kase mas alam naman natin kung ano ang mas makakabuti para sa atin?

Sa ating Ebanghelyo ipinahayag ng Panginoon
Pagsunod sa utos at aral ng mga propeta… pagsunod sa objective norm, rules and regulations ng buhay… Bakit hindi niya nais baliin ang hanggang sa kaliit-liitan nito? Dahil ang mga ito ay makakabuti sa atin. Totoo naman ang sinabi sa akin ng ale… “alam natin ang makakabuti sa atin…” pero dapat din natin tingnan/misaalang-alang ang makakabuti sa ating mga kapwa. Ang mga batas at mga aral na ibinibigay sa atin ng Paginoon ay nakabubuti hindi lamang sa isang tao bagkos para sa lahat. 

Ang mga taong nagnanakaw… mga taong nagbebenta ng drugs… ang mga taong nanloloko, ang iniisip nila ay hindi gumawa ng masama bagkos ang iniisip nila na KAILANGAN nilang gawin ito para sa kanilang kabutihan sapagkat makatutugon ito sa kanilang pangangailangan ngunit di naiisip na ito nakakasama sa iba.

Kailangan natin ang mgamga objecrive norm o mga utos at aral na yan dahil sa ito ang tunay na magiging gabay natin para sa maaayos na pagkilos patungo sa mas maayos na relasyon sa bawat isa at maayos na pamayanan.

Panginoon, tulungan mo po akong tanggapin at sundin lagi ang iyong ibinigay na mga Utos araw araw.

Amen.

Modelo (June 11, 2019)

St. Barnabas the Apostle

Mapalad tayo sapagkat mayroon tayong mga Santo. Sila ang ating modelo na dapat tularan… sila ang ilan sa mga nagsisilbing liwanag na gumagabay sa ating buhay. 

Sa araw na ito, inaalala natin si Barnabas ang isa sa mga tinaguriang Apostol ng Panginoon sapagkat siya ay kasa-kasama ni San Pablo sa pagpapahayag ng Ebanghelyo. Siya ay nagpahayag ng Ebanghelyo sa Antioch at sa pagkatapos niyang samahan si San Pablo ay bumalik siya na Cyprus at ipinagpatuloy ang kanyang pagpapahayag hanggang sa siya ay mamatay. 

Mga kapatid, sana matularan din natin ang buhay ni San Barnabas. Sana saan man tayo tumungo, madala natin ang Mabuting Balita sa gawa at sa Salita. Sa tayo rin katulad niya ang magdala ng liwanag. Sana ang pag-ibig natin sa Panginoon ay maipakita natin sa pamamagitan ng maayos na pamumuhay na siyang nagpapahayag ng Mabuting Balita.

Panginoon tulungan mo po akong mamuhay ng maayos at gawin mo po akong iyong kasangkapan sa pagpapangalat ng Mabuting Balita.

Amen.

Gabay (June 9, 2019)

Pentecost Sunday

Iba’t-ibang isyung moral ang ating kinakaharap. Mula sa mga magnanakaw sa gobyerno… pagpatay… mga ipinipilit pang maisa-batas tulad ng same sex marriage… divorce… death penalty at iba pa.

Nakakalungkot lang sapagkat napakaraming matatalinong tao at marami pa sa kanila ay binyagan ang sumasang-ayon sa mga ito sa kabila ng alam naman na di ito tama. Ano ang ibig sabihin nito? Nais nitong ipabatid sa atin na kailangan talaga natin ng gabay upang maliwanagan ang isip at upang mapili ang tama.

Mga kapatid, ngayon ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Pentekostes. Ito ay ang patungkol sa pagpapadala at pagtanggap ng mga tao sa Banal na Espìritu. Mga kapatid tandaan po natin na ang Espiritu Santo ay tinawag ng ating Panginoon na TAGAPAYO/ TAGAPAGTURO. Ito ay naranasan ng mga disipulo ng Panginoon sa Unang pagbasa na nang matangap ang Banal na Espiritu ay nakapagsalita sila at nagabayan sa kanilang misyon. Siya din ang ang kailangan natin upang maliwanagan ang isipan natin, maunawaan natin ang mga nangyayari at gayundin makita natin kung ano ang di dapat tangkilin at ang mabubuting dapat nating gawin.

Panginoon liwanagan mo po ang aming isip at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang tanggapin at ipaglaban namin ang mabuti at tama.

Amen.

Story Teller (June 8, 2019)

Saturday, 7th Week of Easter

“It is this disciple who testifies to these things and has written them, and we know that his testimony is true.”

Majority sa ating mga balita sa Radyo, Tv at mga Pahayagan, ang ipinapahayag ay mga bad news… bibihira ang good news.
Sa mga kanto at tumpukan ng mga tao, madalas ganoon din ang usapan… chismis at kasiraan/kahinaan ng mga kapwa… bibihira ang goodnews.

Mga kapatid, sapat na ang mga tagapagkwento ng hindi magagandang nangyayari sa ating paligid. Ang kulang sa atin ay mga tagapagkwento ng MABUTING BALITA… mga taong nagpapatunay/testify na sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari, NARIYAN PA DIN ANG DIYOS UPANG SAGIPIN AT TULUNGAN TAYO.

Mga kapatid, tularan natin ang mga disipulo at aostol ng Panginoon. Sila ang tagapagkwento/tagapagpahayag ng mabuting balita… sila ang tagapagbigay pag-asa sa mga taobg tulad natin.

Panginoon gawin mo po akong iyong masipag na tagapagpahayag ng Mabuting Balita.

Amen.

Kanino? (June 7, 2019)

Friday, 7th Week of Easter

“He said to him, “Follow me.”

Kanino ka maniniwala?
Kanino ka susunod?
Sino ang tatanggapin mo, ang Diyos ba at ang kanyang Mabuting Kalooban o ang mga tao?
Tandaan natin na kung susundin natin ang Diyos, di natin makukuha lahat ng gusto natin ngunit tiyak na mas magiging maayos ang lahat. Kung ang mga tao at kagustuhan nila/natin tiyak masasadlak tayo hindi magandang kalagayan katulad ng ating mga nararanasan ngayon.

Si San Pedro, inanyayahan siya ng Panginoon na sundan siya at pinili niyang sundin ang kalooban ng Niya. Tayo din ay inaanyayahan ng Diyos na sundan siya, tulad ni San Pedro, sundan din sana natin ang kalooban ng Niya.

Amen.

Sige Lang (June 6, 2019)

Thursday, 7th Week of Easter

“Take courage. For just as you have borne witness to my cause in Jerusalem, so you must also bear witness in Rome.”

Minsan tayo na yung gumagawa ng tama at nagpapakabuti tayo pa ang lumalabas na masama. 

Ito din ang karanasan ni San Pablo sa unang pagbasa. Nagpahayag siya ng Mabuting Balita at isinasabuhay niya ito ngunit siya pa ngayon ang nahaharap sa paglilitis. 

Sa ganitong pagkakataon dapat nating tularan si San Pablo na nanatili sa kanyang conviction na magpahayag ng Mabuting Balita sa Salita at Gawa. Sige lang… ipagpatuloy ang pagpapakabuti sa salita at gawa.
Bigyang pandin natin ang sinabi sa kanya ng Anghel… “HAVE COURAGE” Lakasan mo ang iyong loob sa pagpapatotoo… tayo din sana ay magkaroon ng Lakas ng loob o tibay ng dibdib upang patuloy na mamuhay ng maayos at mabuti kahit na kung minsan tayo ay inuusig ng mga taong masasama ang loob.

Panginoon tulungan mo po ako at gabayan upang patuloy akong makapamuhay ng matuwid.

Amen.