Burning Bush (July 17, 2019)

Wednesday, 15th Week in Ordinary Time

“There an angel of the LORD appeared to him in fire flaming out of a bush.”

Sa unang pagbasa, ang anghel ng Diyos ay nagsalita sa pamamagitan ng burning/flaming bush. Doon niya ipinahayag ang kanyang kalooban para kay Moises.

Sa ating panahon ngayon wala ng burning bush. Hindi naman ito nangangahulugan na tumigil na din ang Panginoon sa pagpapahayag niya ng kanyang kalooban. 
Nariyan ang SIMBAHAN na nagsasalita at gumagabay sa atin. 
Nariyan din ang mga taong nagmamalasakit sa atin na nagtuturo, gumagabay at nagtatama sa atin kapag nagkakamali tayo.
Ito ang mga BURNING BUSH na nagpapahayag kung ano ang KALOOBAN NG DIYOS para sa atin.
Makinig sana tayo at unawain ang ipinahahayag. Tanggapin natin ito at isabuhay.

Sa ating munting pamamaraan… maging burning bush din tayo na nagpapahayag… nagpapaalala ng kalooban ng Diyos sa ating kapwa.

Amen.

Praise God (July 16, 2019)

Tuesday, 15th Week in Ordinary Time

“Sinumbatan ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalan.”

Isang ordinaryong araw, pagkatapos ko magmisa sa labas ng parokya, ako din ay inanyayahan na magmeryenda… pagkatapos ay nagbigay/nagpadala pa sila sa akin ng pagkain mula sa kanilang bahay. Habang papauwi ako ay nakita ang isang matandang lalaki binalikan ko siya at inabot ko ang pagkaing padala sa akin… bigla siyang napasabi, “ui… praise the Lord.” Namangha ako sa kanyang reaksiyon. Very spontaneous kasi ang tugon niya at naipakita niya ang kanyang lubos na saya pagkilala sa mumunting biyaya na natanggap niya.

Mga kapatid, matularan po sana natin ang matandang ito na sensitibo sa pagkilos ng Diyos. Nakilala niya kasi agad ang biyayang kaloob ng Diyos gaano man ito kaliit. Katulad niya, buksan po natin ang ating mga mata at isip upang makita ang napakaraming biyayang kaloob ng DIYOS sa atin at makapagpasalamat sa kanya. 

Tularan din natin ang Mahal na Birhen na ating inaalala ngayon (Our lady of Mt. Carmel) na naging lubos din ang pagkilala sa mga biyayang kaloob ng Diyos at dahil dito ay inialay ang sarili sa pagsunod at paglilingkod sa Kanya.

Amen.

Alipin (July 15, 2019)

Monday, 15th Week in Ordinary Time

Ang kwento sa unang pagbasa ay tungkol sa pagsisimula at dahilan ng pagka-alipin ng “bayang/bansang pinili” ng Diyos. Ang lahat ay nagsimula sa pagkakaroon ng Ehipsiyo ng Paraon na hindi kilala si Jose. Dahil sa hindi niya kilala si Jose ay pinagmalupitan niya sila.

Mga kapatid, maihahalintulad natin sa kwento sa unang pagbasa ang ating sariling pagka-alipin sa kasalanan.
Ang simula at dahilan ng ating personal na pagka-alipin sa kasalanan ay ang kawalan/kakulangan ng pagkakilala sa Diyos at kasama nito ang kawalan din ng kaunawaan ng kanyang kalooban. Dahil sa di kilala ang Diyos, sarili ang inuuna ang sariling kalooban at kagustuhan.

Kaya nga ang panawagan sa atin ay ang kilalanin natin ang Diyos at upang malaman natin kung ano talaga ang kanyang kalooban… matanggap natin siya at maiwasan ang mga bagay na taliwas sa kanyang kalooban.

Panginoon, liwanagan mo po ang aming mga isip at puso upang ikaw ay aming lubos na makilala at lubos na tanggapin sa aming mga buhay.

Amen.

Courage (July 8, 2019)

Monday, 14th Week in Ordinary Time

“Courage, daughter! Your faith has saved you.”

Our Gospel for today asked us to entrust our lives to Him just as the woman with hemorrhage’s did. We can depend on Him always most especially because Jesus in Matthew 28:20, promised that He will remain with us till the end.

Panginoon turuan mo po ako patuloy na nagtitiwala sa iyo sa lahat/bawat sitwasyon ng aking buhay.

Let us trust Him and entrust our lives to Him always.

Amen.

BSBA (July 5, 2019)

Friday, 13th Week in Ordinary Time

Sa ating Ebanghelyo tinawag ng Panginoon si Mateo at agad siyang tumugon… 
Tularan natin si Mateo sa sa kanyang pagtugon.

B – angon mula sa pagkakalugmok sa kasalanan.
S – ulong… wag makuntento sa kinalulugmukan… 
B – alik sa Panginoon (balik sa tamang direksyon)
A – kuin at aminin na kailangan natin ang Diyos. (kababaang loob na lumapit sa Panginoon at humingi ng biyaya)

Amen.

Bakit? (July 4, 2019)

Thursday, 13th Week in Ordinary Time

Bakit nga ba hindi makita ng mga matatanda ng bayan ang kagandahan o mga dakilang bagay ng mga ginagawa ng Panginoon? 

May kasabihan tayo na, “kapag ikaw palaging nakatingin sa dilim, wala kang ibang makikita kundi kadiliman.” 
Ito ang problema nila. Lagi silang nakatingin at nag-aabang sa maaring maling kilos ng Panginoon kaya nga pinupuna nila at isinasawalang bahala ang mga mabubuting ginawa ng Panginoon. Kung tatanggalin lang nila ang kanilang bias sa Panginoon at titingin sila sa LIWANAG-aabangan nila ang mabubuting kilos ng Panginoon, tiyak na madami silang makikita at maipapahayag tungkol sa kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Mga kapatid, tingin tayo sa liwanag. Huwag tayong bababad sa dilim. Abangan natin tingnan nating mabuti ang mga nangyayari sa buhay natin at tiyak makikita natin kung gaano tayo pinagpala ng Diyos sa kabila ng pagsubok. Huwag palaging negative palahi sapagkat di ito makatutulong kaninuman.

Amen.

The Searcher (July 3, 2019)


Feast of St. Thomas the Apostle

Sabi nila siya si “DOUBTING THOMAS.” Para sa akin siya si “THOMAS THE SEARCHER.” Bakit ko nasabi ito? Dahil ang pagdududa niya ay hindi naman talaga basta pagdududa bagkos ito ay PAGHAHANAP at PAGNANAIS MALAMAN ANG KATOTOHANAN. 

Makikita pa nga natin si St. Thomas sa John 14:5, nagtatanong din siya at honest siya sa kanyang sarili kaya kinausap niya ang Panginoon at sinabi niya. “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Di siya nagdududa ngunit naghahanapa siya ng kasagutan sa kanyang pananampalataya.

Mga kapatid, tayong lahat sana ay maging katulad ni Sto. Tomas. Hindi lang mga DOUBTER bagkos mga SEARCHER ng katotohanan upang maunawaan ang pananampalataya, matanggap at ay maisabuhay.

Amen.

Balance (July 2, 2019)

Tuesday, 13th Week in Ordinary Time

Mas malalakas na bagyo na nagdadala ng sakuna sa mga tao…
Climate change…
El Niño at La Niña…

Bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ang mga bagay na ito? Tanong sa akin ng isang matanda.
Diyos ba talaga ang may gawa nito? Ito naman ang tanong ko sa kanya. 

Mga kapatid, noon wala namang ganito…
Ngunit sa paglipas ng taon makikita natin ang malaking pagbabago sa ating kalikasan. Ang dahilan nito ay hindi ang Diyos kundi ang pag-abuso at paglapastangan ng mga tao sa kalikasan. Nang likhain ng Diyos ang mundo, balanse ito, ngunit dahil sa pag-abuso unti-unting nawala ito.

Makiisa tayo sa Panginoon paglikha at pagpapanatili niya ng kaayusan sa ating mundo ngayon. Kumilos tayo at gumawa tayo ng mga hakbang para maisaayos muli ang ating kalikasan. Igalang natin ang likas na yaman at huwag itong aabusuhin pa.

Amen.

Sunod (June 30, 2019)

13th Sunday in Ordinary Time
Lk 9:51-62

Common denoninator ng ating mga pagbasa ay ang tugkol sa PAGSUNOD SA PANGINOON.
Ngunit sa mga pagbasa din ipinapahayag ang katotohanan na may mga DISTRACTIONS/SAGABAL na nagsisilbing hadlang sa pagsunod natin sa Panginoon.

Magandang ma-identify natin ang mga distractions sa ating pagsunod… at sa tulong ng Diyos ma-eliminate natin ito.

Panginoon, liwanagan mo po ang aking isip at puso upang makita ko ang mga sagabal sa aking pagsunod sa iyo…cď at sa iyong tulong matanggal/maiwasan ko ang mga ito.

Amen.

Heart (June 28, 2019)

Solemnity of the Sacred Heart of Jesus

Binubuod ng ating mga pagbasa ngayon… sa katotohanan ng buong Banal na Bibliya ang mga sumusunod.

H-unger of God for us. He wanted us to be with him.
E-mphathy is the ability to understand and share the feelings of another. (to put yourself in someone else’s shoes.) Well surely God did this when he sent Jesus to us… he became like us in everything except sin to show the to God.
A-cceptance is one of his gifts to us. Though sinners, when we approach him and ask for forgiveness, he does not only forgive us but rather bless us in several ways.
R-eveal. He continously reveal his love for us through his blessings everday.
T-end/take care. Like what the readings are telling us, like the sheep he is tending us ang keeping us safe. 

May we have heart for him also.
H-umility to approach him for the graces we need.
E-ffort to live his will.
A-cknowledge our sinfulness.
R-epantance also is needed.
T-rue to him in words and in action. To be true to him at all times.

Puso ang kanyang ibinigay sa atin… puso din sana ang ibigay at ibalik natin sa ating Panginoon.

Amen.

Ugnayan (June 27, 2019)

Thursday, 12th Week in Ordinary Time
Matthew 7:21-29

Hindi lahat ng binabati natin at kinakausap/nakakausap natin ay ka-close natin. Marami sa kanila ay kakilala lamang natin at wala naman tayong malalim na ugnayan. Ang ilan naman sa kanila ay dahil may kailangan tayo.

Madalas ganyan tayo sa Diyos, tumatawag tayo di dahil sa ka-close. Naituturing natin siyang katulad ng mga taong okay lang na andiyan at okay lang din na wala o kaya naman dahil sa di maiiwasang di tumawag dahil may kailangan. Pinaalalahanan tayo ng Panginoon na hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon ay maliligtas dahil sa di naman lahat ay may totoong may kaugnayan sa kanya… ang ilan sa kanila/atin ay malayo din naman sa kanya.

Kayaa nga mga kapatid, huwag lang sana tayong basta tumawag sa kanya. Bagkos naisin natin, gawin nating mapalapit talaga tayo sa kanya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya sa panalangin, pamumuhay ng ayon sa kanyang kalooban at gayundin paglilingkod at pagkakawang-gawa.

Amen.

Propeta (June 26, 2019)

Wednesday, 12th Week in Ordinary Time
Matthew 7:15-20

“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta”

Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, ito ang paalala ng Panginoon dahil sa maari tayo nitong mapahamak… ngunit mag-ingat din sana tayo upang HUWAG TAYO MAGING BULAANG PROPETA NA MAGDADALA SA KAPWA NATIN SA KASALANAN AT SA KAPAHAMAKAN. 

Mga kapatid, bantayan natin ang ating mga sarili na huwag maging bulaang propeta o tagapagdala ng di totoong balita sa kapwa na maaring makasira o makapagdala sa kapwa tao natin sa kapahamakan. Bantayan natin na huwag tayong makapagturo ng masama o mali sa ating kapwa. Huwag sana tayong maging masamang impluwensiya sa kanila.

Maging tagapagturo… tagapagdala ng mabuting balita at maging mabuting impluwensiya nawa tayo sa ating kapwa. Maging MABUTING PROPETA tayo sa ating pamayanan na ngayon at sa mga darating na panahon.

Amen.

Blessings

Tuesday, 12th Week in Ordinary Time

Pinagpala ng Diyos si Abram dahil sa kanyang pagsunod. 
Ganoon naman talaga kapag marunong kang sumunod sa Diyos kahit na kung minsan mahirap ngunit kapag marunong sumunod ang lahat ay nagiging maayos at mabuti. 
Di ka man yumaman, di ka man maging sikat, di ka man magkaroon ng maraming ari-arian ngunit ang buhay ay nagiging mas maayos, mas matiwasay at malaya sa kapahamakan.
Ito ang karanasan ni Abram(Abraham) simula nung makinig siya at sumunod siya sa Diyos. Pinagpala siya ng higit sa lahat.

Mga kapatid, huwag lang nating basta isipin ang umasenso o yumaman. Unahin nating sundin ang kalooban ng Diyos. Mamuhay tayo ng maayos at mabuti. Mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos

Panginoon, ipadama mo po sa amin ang katiwasayan at ligaya dulot ng iyong presensiya at pagsunod sa iyo. Salat man sa mga materyal na pangangailangan magiging maayos, tahimik at masaya ang aming buhay kung ikaw ay kasama.

Amen.

Blessed (June 24, 2019)

Feast of the Nativity of St. John the Baptist

He was blessed – he became a blessing to others… 
proclaiming repentance… 
Proclaining the goodnews…
Baptizing the people

He was blessed – he became more faithful To God…
Spending long hours in prayer in the desert…
Always discerning Gods will.. 
Offered his life for God.

Like anyone else… we are blessed beyond our knowledge…

Like St. John, may we recognize God’s Blessings and let us share them to others (be a blessing to others)
Like St. John may we become more faithful to HIM and may HIS Blessings strengthen our LOVE for HIM.

Amen.

Pangako (June 23, 2019)

Corpus Christi

Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng CORPUS CHRISTI o Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Jesus.

Isang awit ang aking naalala na may ganitong lyrics:

“Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, ‘di mo pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo’y tayong dal’wa ang magkasama”

Ito kase ang pangako ng ating Panginoon bago siya bumalik sa Ama sa langit… sabi niya ” Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mt. 28:20) Ito ay pinatotohanan ng ating pagdiriwang ngayon Corpus Christi. Sa pagdiriwang kasing ito higit na binibigyang diin ang TUNAY NA PRESENSIYA ng ating Panginoong Jesus sa EUKARISTIYA.

Kung natatandaan natin, noong Holy Thursday, ipinagdiwang natin ang Huling Hapunan. Sa pagdiriwang na iyon, binigyang diin ang HULING HAPUNAN at ang INSTITUSYON NG BANAL NA EUKARISTIYA samantalang ngayong Linggong ito, nakatutok ang ating pagdiriwang sa TOTOONG PRESENSIYA niya sa Eukaristiya.

Mga kapatid, lagi po nating tatandaan, ang Eukaristiya na ating ipinagdiriwang, ang Eukaristiya na nasa mga Adoration Chapels at mga Tabenakulo ay nagpapaalala sa atin at nagbibigay diin ng presensiya ng Diyos sa ating buhay. Ang tanong na lang dito ay kung tatanggapin ba natin siya sa pagdiriwang ng Banal na Misa at kung dudulog ba tayo sa Kanya sa lugar na may Banal na Sakramento upang kausapin siya sa panalangin.

Sa pagpapatuloy ng ating pagdiriwang ipanalangin natin na paigtingin pa niya ang ating paniniwala at pagtitiwala sa Kanya sa Bana na KATAWAN at DUGO niya.

Amen.