Liwanag (August 6, 2019)
Feast of the Transfiguration of the Lord
“Becoming fully awake, they saw his glory and the two men standing with him.”
Sa ebanghelyo, nakita ng mga alagad ang Panginoong Jesus na nagliliwanag kasama sina Elias at Moises na lubha nilang ikinalugod.
Isa sa mga ninanais ng Diyos ay ang makita din natin siya bilang Panginoon nagliliwanag sa atin araw-araw. Siya kase ang Panginoon na laging nariyan para sa atin upang maging gabay at tumulong sa atin. Makita/mapansin nawa nating mga tao ang kanyang pagliliwanag at presensiya sa araw-araw.
Ang ebanghelyo natin ngayon ay nanawagan sa atin na maging sensitibo tayo sa kanyang mga pagkilos kaya nga ipanalangin natin sa kanya na tulungan niya tayong makita at maramdaman ang kanyang presensiya sa araw araw. Hingiin natin sa kanya na liwanagan din niya ang ating mga isip at puso pati na din sa ating mga mata upang makita natin ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagtulong at paggabay sa atin.
Amen.
