Ibalita (August 25, 2019)
21st Sunday in Ordinary Time
“Humayo’t dalhin sa Tanan ang Mabuting Balita.”
Sinasabing ang mga kabataan ngayon ay masyado ng advance. Mas marami na silang alam kaysa sa atin at ito ay dahil sa makabagong teknolohiya at madaling access sa mga inpormasyon dahil sa internet.
Totoo nga ito, marami silang alam ngunit ito ay kaalaman tungkol lamang sa mga bagay, buhay ng tao, mga bagong impormasyon at maging sa mga bagong teknolohiya. Kaya nga nakakalungkot isipin na marami silang alam MALIBAN SA PANANAMPALATAYA… MALIBAN SA DIYOS.
Mga kapatid, ito ang panawagan sa atin ng ating Salmo Responsorio… ang ipahayag ang Mabuting Balitang Aral sa Tanan at sa pagkakataong ito gamitin natin ang makabagong teknolohiya at makabagong paraan ng komunikasyon para gawin ito.
Dahil dito nagbababad ang maraming tao lalo na ang mga kabataan bakit di natin samantalahin at gamitin na ito bilang venue para maipahayag ang Mabuting Balita. Sa pamamagitan nito mas magiging madali ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Gamitin natin ang ating mga cell phone. gamitin natin ang messenger, ang facebook at iba pang social network. Maging tapagdala at tagapagbalita nawa tayo ng Mabuting Balita sa ating henerasyon.
Amen.