Be Positive (September 11, 2019)

Wednesday, 23rd Week in Ordinary Time

Isa sa mga itinuturo sa atin ng pagpapahayag ng Panginoon ng Mapapalad o Beatitudes ay ang maging positibo tayong lagi.

Kung susuriin natin, masasabi nga ba talagang mapalad kung dukha ka, kung gutom ka, kung tumatangis ka, kung kinapopootan, inaalimura ka at marami pang iba…
Di ba mukha namang di pinagpala iyon…
Sa kabila nito dapat ay makita natin na ang patuloy na pagpahayag sa atin ng Panginoon ay pagtawag sa atin na manatiling magtiwala at kumapit sa kanya sapagkat kapag tayo ay nasa ganitong sitwasyon. Huwag sana tayong bibitaw sa kanya kundi manatili tayong kumakapit sa kanya at nagtitiwala, tiyak pagpapalain niya tayo.

Mga kapatid, be positive at stay positive. Tandaan nariyan ang Panginoon para sa atin.

Amen.

Sabi-sabi/ Superstitious Belief (September 10, 2019)

Tuesday, 23rd Week in Ordinary Time

“Mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Kristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at mga tuntunin ng sanlibutan”

Naalala ko ng namatay ang aking ama, marami din ang dumating at nakiramay. Napansin ko din ang superstitious belief ng mga matatanda at may pagkakataon pa na pinagsasabihan ako kaugnay nito. Sa inis ko sa pinagsasabi nila, napagsabihan ko sila na mali ang sinasabi nila at wala iyon basehan. Gayundin pinaaalalahan ko sila iyon ay Kristiyanong pagtitipon para sa ama kong pumanaw kaya walang lugar ang superstitious belief dun. 

Nakakapagtaka lamang kung bakit maraming Katoliko pa din ang tumatangkilik magpasahanggang ngayon sa mga supertitious belief. Sa unang pagbasa ipinahahayag ni San Pablo na mag-ingat tayo sa mga katulad nito sapagkat ito ay makapaglihis sa atin totoo at tamang katuruan.

Ikaw naniniwala ka ba sa mga supertitious belief? Hanggang kailan mo ito paniniwalaan at tatanggapin gayong hayagan tayong pinaaalalahanan ni San Pablo na mag-ingat sa katulad nito. Ano ba ang mas mahalaga sa iyo, ang mga sabi-sabi ng kung sino na wala namang naidudulot na maganda o ang Salita ng Diyos.

Manalangin tayo.

Panginoon, liwanagan mo po ang aming isipan upang huwag kaming madala ng mga mapanlinlang na sabi-sabi at sa halip pahalagahan ang iyong salita at mauting paggawa.

Amen.

Tuyot (September 9, 2019)

Monday, 23rd Week in Ordinary Time

“Stretch out your hand.”

Sa ating Ebanghelyo, tinawag ng Panginoon ang lalaking tuyot ang kamay. Sa harap ng lahat, kahit na ito ay araw ng Sabat o Pamamahinga ay pinagaling niya siya.

2 pagninilay…

Una, ang ginawa ng Pangioon ay pagtawag niya sa mga taong nandoon at ngayon sa atin na IUNAT DIN NATIN ANG ATING MGA KAMAY. Panawagan ito na maging BUKAS-PALAD sana tayo sa Panginoon sa paglalaan ng panahon sa pananalangin at pagninilay at gayundin sa ating mga kapwa sa pagtulong anuman ang makayanan natin.

Ikalawa, ginawa ng Panginoon ang pagpapagaling sa Araw ng Pamamahinga na sa kanilang kultura ay bawal ang gumawa. Ipinapahayag ng Panginoon dito na ang paggawa ng mabuti… paglalaan ng panahon sa Diyos at pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras o panahon. 

Mga kapatid, huwag nating hayaang maging mistulang tuyo ang ating mga kamay. Matutunan sana natin na magbahagi ng biyayang ating natanggap mula sa Panginoon.

Amen.

Alagad (September 8, 2019)

23rd Sunday in Ordinary Time
(Ala Jore at 2ko)

“Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple.”

Upang maging disipulo ng Panginoon kailangan pasanin ang KRUS. Ano nga ba ang panawagan ng krus sa atin?

– (horizontal line of the cross represents “subtraction”)

Tinatawag tayo ng Panginoon na isubtract/i-minus/alisin sa buhay natin ang mga bagay na humahadlang sa ating pagsunod o pagtugon sa Panginoo bilang mga alagad. Tanggalin ang katamaran, kayabangan, pagiging mataas. Sabi pa nga sa Ebanghelyo maging ang ama at ina, mga kapatid, asawa at anak dapat ay huwag maging hadlang.

+ (cross represents “addition”) 

Tinatawag tayo sa pamamagitan ng unang pagbasa na dagdagan natin ang ating kaalaman tungkol sa Diyos at sa kanyang kalooban. Sa pagkakaroon ng kaalaman at kaunawaan nagkakaroon ng saysay ang ating pagtitiyaga na magpakabuti at sakripisyo. 

× ( kapag itinagilid ang Krus it represents “multiplication”)

Ang pag-oo sa Panginoon ay hindi isahang oo. Ito ay nagangahulugang paulit-ulit at araw-araw na pagtugon o pag-oo sa kanya. We multiply Good Deeds that signify our yes to Him.

Upang maging alagad ng Panginoon, may mga dapat tanggalin o i-minus, idagdag at i-multiply.

Humingi tayo ng tulong sa Panginoon upang tayo ay tunay na maging mga alagad niya.

Amen.

Compare (September 6, 2019)

Friday, 22nd Week in Ordinary Time

The scribes and Pharisees said to Jesus, “The disciples of John the Baptist fast often and offer prayers, and the disciples of the Pharisees do the same; but yours eat and drink.”

Bakit sila nagkukumpara? 
Anong mapapala ng pagkukumpara?
Bakit kailangan pang silipin ang kanilang kapwa?

Mga kapatid, maganda ang ipinapaalala sa atin nito… sa halip na magkumpara tayo at tingnan ang ating kapwa… ang isipin natin ay kung paano magiging maayos ang ating relasyon sa Diyos at kung anu-ano ang mga tama at dapat gawin upang maipakita natin sa Kanya ang ating pagmamahal.

Amen.

Tulong (September 5, 2019)

Thursday, 22nd Week in Ordinary Time

“Put out into deep water and lower your nets for a catch…
When they had done this, they caught a great number of fish and their nets were tearing.”

Isang ale ang nakausap ko… sabi ko bakit di po kayo nagsisimba? Sabi naman niya, busy po kasi, madaming asikasuhin. Kailangan ko po kasing kumita para sa aking pamilya.

May mga pagkakataon na ipinahuhuli natin ang Diyos at inuuna natin ang iba pang bagay. Sa ating Ebanghelyo ipinapaalala sa atin na MAS MABUTING UNAHIN ANG DIYOS kaysa iba pang isipin at mga bagay. Katulad ni San Pedro tinangap niya ang Panginoong Jesus sa kanyang bangka, nakinig siya sa kanyang pangaral at sumunod siya sa kanya. Dahil doon ay pinagpala siya ng kanyang pangangailangan.

Isa sa mga itinuro ni San Agustin ay ang kasabihan niyang… “BELIEVE AND EVERYTHING WILL FOLLOW.” Maniwala tayonsa Kanya… magtiwala at ipagkatiwala natin sa kanya ang ating buhay at tiyak kasama ng ating pagtitiyag, pagpapalain niya tayo.

Mga kapatid, mahalaga nga na gawin natin ang dapat gawin ngunit sana huwag makalimutan ang Diyos. Unahin siya at idulog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Amen.

May Kailangan (September 4, 2019)

Wednesday, 22nd Week in Ordinary Time

“At sunset, all who had people sick with various diseases brought them to him.”

Sa ating Ebanghelyo, ang mga tao ay tumungo sa kinaroroonan ng Panginoon at nagtiyaga hanggang sa makalapit sila sa Kanya dala dala ang kanilang mga may sakit. Lumapit sila sa Panginoon dahil may kailangan sila sa Kanya. Ikaw? Lumalapit ka ba sa Panginoon kung may kailangan ka lang sa Kanya? 

Mga kapatid, lumapit sana tayo sa Panginoon. May kailangan man tayo sa kanya o wala… may hinihingi man tayo o wala, marapat lamang na lumapit tayo sa kanya at manatili sa kanya sapagkat ito ang panawagan niya at siyang makakabuti sa atin.

Patuloy tayong tinatawag ng Panginoon… nawa’y lumapit sana tayo sa kanya at manatili tayosa kanya.

Amen.

Biyaya (September 3, 2019)

Tuesday, 22nd Week in Ordinary Time

“Come out of him! Then the demon threw the man down in front of them and came out of him without doing him any harm.They were all amazed…”

Madaling ma-amazed sa malalaking biyaya ng Diyos katulad ng nasa ebanghelyo natin ngayon ngunit huwag lamang sana tayong nakatingin sa malalaking biyaya… tinatawag din tayong tingnan at ma-amazed maging sa mga maliliit na biyaya ng Diyos na mas madalas na tinatanggap natin. 

Be aware that you are blessed… count your blessings and be thankful to God.

Amen.

Priority (September 2, 2019)

Monday, 22nd Week in Ordinary Time

“Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day.”

Kapag araw ng Sabbath hindi pinalalagpas ng Panginoon ang pumunta sa Sinagoga upang makinig sa Salita ng Diyos at gayundin para sambahin ang Diyos. Bahagi na ito ng kanyang buhay. Di na ito maiaalis sa kanya sapagkat malinaw sa kanya napakahalaga ng pakikipag-ugnayan sa Diyos at pag-aaral upang maunawaan ang Salita ng Diyos.

Ito din sana ang matularan natin… ang maging bahagi ng buhay natin at maging prioridad na natin ang Diyos. Maipahayag natin sa kanya ang ating oagpapahalaga at pagkilalla sa kanya sa pamamagitan ng pagdarasal, pagsisimba at iba pang mga practices na makapagpapalalim sa ugnayan natin sa Panginoon. 

Mga kapatid, tularan natin ang ating Panginoon Jesus na ginagawa niya laging PRIORITY ang kanyang AMA kaysa ibang bagay o asikasuhin.

Amen.

Facts About the Diocese (September 1, 2019)

45th Anniversary of the Diocese of Daet
35th Anniversary of the Dedication of the Cathedral of the Most Holy Trinity

By virtue of the Apostolic Letter entitled Requirit Maximopere, dated May 27, 1974, Pope Paul VI granted the request of His Exellency Teopisto V. Alberto to erect the Diocese of Daet.

Sept 1, 1984 Dedication and erection of the Cathedral 10 years after the Diocese’s erection.

1st Bishop: Most Rev. Celestino R. Enverga
2nd Bishop: Most Rev. Benjamin Almoneda
3rd Bishop: Most Rev. Gilbert A. Garcera
4th Bishop: Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon

Remember what Pope Francis said about the Church…

“It is not possible to love Christ but without the Church, to listen to Christ but not to Church, to belong to Christ but outside the Church. For the the Church is herself God’s great Family, which brings Christ to us”

May we continue to Pray for the church especially for the the local church of the Diocese of Daet, Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon, the bishop of the diocese and the clergy. May this church and her servants continue to lead the people to a deeper loving relationship with JESUS.

Amen.

Tamadot (August 31, 2019)

Saturday, 21st Week in Ordinary Time

“…out of fear I went off and buried your talent in the ground. Here it is back. His master said to him in reply, ‘You wicked, lazy servant!”

Sa Ebanghelyo… ipinakita ng panginoon na di naman talaga TAKOT ang issue kundi ang KATAMARAN. Sabi ng isang kasabihan “ang taong tamad ay walang patutunguhan.” Totoo ito sa hindi lamang sa buhay natin bagkos maging sa ating pananampalataya. Kapag di tayo kumilos… kapag di tayo naglaan ng panahon at effort para sa ating Panginoon… wala tayong patutunguhan. Tandaan sabi sa Sulat ni Santiago ang pananampalatayang walang kasamang pagkilos ay isang patay na mpananampalataya. Ang gusto ng Panginoon ay BUHAY na PANANAMPALATAYA.

Kaya huwag tatamad-tamad at huwag papatay-patay. Tanggapin natin ang mga biyayang kaloob sa atin at gamitin natin ito, kumilos tayo at paglungkuran Siya sa iba’t-ibang pamamaraan.

Amen.

More (August 30, 2019)

Friday, 21st Week in Ordinary Time

“As you received from us how you should conduct yourselves to please God—and as you are conducting yourselves—you do so even more”

Madalas kong naririnig ang kantyaw kapag gumagawa ng mabuti ang isang kapwa… “o baka lumampas ka niyan sa langit.” 

Mga kapatid, kailan man di tayo lalagpas sa langit kahit na gaano man tayo kabuti ngunit dapat tandaan na ang PAGPAPAKABANAL/ PAGGPAPAKABUTI ay panawagan ng Diyos na dapat tugunin. Sabi ng Panginoong Jesus BE HOLY AS THE FATHER IS HOLY. Mahalaga ang pagpapakabuti/pagpapakabanal dahil naipapahayag natin sa pamamagitan nito ang ating pagtanggap at pagmamahal sa kanya.

Ano o anu-ano ang ang igigive-up ko simula ngayon bilang pagpapahayag pagnanais na maging banal?

Panginoon tulungan mo po sana ako na maging mas mabuting anak mo.

Amen.

Sa Totoo Lang (August 29, 2019)

The Passion of St. John the Baptist

Si San Juan Bautista ay pinatay dahil sa kanyang walang takot na pagsasalaysay ng katorohanan. Nanindigan siya sa tama at totoo at dahil dito siya ay ipinakulong at ipinapatay

Mga kapatid, sa panahon natin ngayon makikita natin na marami na ang walang paninindigan sa KATOTOHANAN at maging sa MABUTI. Ang mas binibigyang pansin na ngayon ay kung ano ang GUSTO at NARARAMDAMAN at ipinagpipilitan ito. Mga kapatid, tandaan po natin HINDI LAHAT NG GUSTO NATIN AY TAMA. Marami sa mga ito ay makasarili. Katulad ng DIVORCE, ABORTION at SAME-SEX MARRIAGE, pagbalik-baliktarin man natin ang mundo ito ay MALI na “nakalulungkot man sabihin ngunit kailangan tanggapin na ito ang ginugusto at ninanais ng marami.

Ikaw? Saan ka ba maninindigan? sa Tama o mabuti ba o sa tanging gusto mo lang.

San Juan Bautista, ipanalangin mo po kami upang katulad mo makita at maunawaan atmanindigan din kami sa tama at mabuti at iwaksi ang mali.

Amen.

Simula (August 28, 2019)

Feast of St. Augustine

Isang give-away ang aking natanggap noong August 5 mula sa aming obispo sa pagdiriwang namin ng kapistahan ni St. John Marie Vianney. isang ballpen ito na may qoutation mula kay St. John. Sabi ng nakuha ko… “the saints did not all begin well, but all ended well”

Kung pagninilayan ang buhay ni San Agustin, matutuklasan na totoo ito. Sa simula kasi, ang kanyang prioridad ay ang kanyang sarili at kanyang paghahangad ng karunungan at makamundo niyang pamumuhay ngunit sa huli nakita natin na iniwan niya ang lahat at inialay niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Panginoon.

Marami sa atin ang nahihiyang lumapit sa Diyos… “makasalanan kase ako at baka di na niya ako mapapatawad sa bigat/dami ng kasalanan ko…” sabi ng iba. Ngunit kung titingnan natin ang buhay ni San Agustin, makikita na ang Diyos ay laging nakatingin sa atin ng may pagmamahal. Bukas siyang lagi sa posibilidad na magbago tayo. Tinitingnan niya hindi ang ating mga pagkadapa bagkos ang ating pagbangon mula dito at pagbalik sa kanya.
Totoo, ang ilan sa atin ay may pangit na simula… ang ilan sa atin ay may nakakahiyang nakaraan… ngunit ang ating Diyos ay nariyan para sa atin para tanggapin tayo. Ang kulang lang ay gawin natin ang ginawa ni San Agustin na iniwan ang mga ito at nagsimila muli sa tulong ng biyaya ng Diyos.

Magsimula tayong muli… piliin natin at gawin nating priority ang Panginoon at tiyak pagpapalain niya tayo sa kabila ng lahat.

Amen.

Hero (August 26, 2019)

Monday, 21st Week in Ordinary Time

“Woe to you, blind guides”

Araw ngayon ng ating mga bayani. Araw ito ng mga taong kinilala dahil sa kanilang kagitingan at pagmamalasakit sa Bayan. Araw din ito upang pukawin ang ating mga isip at puso na katulad nila magmalasakit din tayo at maging magiting sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay kasama ang paglilingkod sa kapwa.

Paano nga tayo magiging mga bayani sa panahon natin ngayon?

Una ay sa pagkaroon ng paninindigan sa tama at mabuti

ikalawa, tayo ang unang -unang magsabuhay ng tama at mabuti 

Ikatlo, maging halimbawa at gabay ng ating kapwa upang sila man ay makapamuhay ng maayos at mabuti.

Panginoon tulungan mo po kmi at gabayan palagi lalo na sa oras ng pagsubok at tentasyon.

Amen.