Dasal (October 21, 2019)

29th Sunday in Ordinary Time

“Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary.”

Ang pagdarasal ay napakahalaga ngunit may mga pagkakataon na ang tingin sa pagdarasal ay “NEED-FILLER at PROBLEM-SOLVER lamang. May mga pagkakataon pa nga na ang pagdarasal sa Diyos ay ginagawa bilang “LAST RESORT” kapag di na kaya ng sariling kakayanan at alanganin na ang kalagayan.

May dalawang aklat ako tungkol sa panalangin. Ang una ay ang OPENING TO GOD ni Fr. Thomas Green. Ang ikalawa ay ang INTIMACY WITH GOD.

Sa unang aklat, ilan sa mga diin dito ay ang katotohanang ang DASAL ay PAKIKIPAGUGNAYAN sa DIYOS (Encounter with God). Hindi ito tungkol sa pagdulog upang manghingi lamang sa Diyos. Sabi ng may-akda, ang dasal ay ang ating pakikipagugnayan sa Diyos tungo sa malalim na pakikipagkaibigan at pagmamahal sa Diyos.
Ikalawa, mahalaga ang ang sinasabi ni San Pablo kay Timoteo tungkol sa Sslita nag Diyos. Sinasabi ng aklat na ito ng Salita ng Diyos ay dapat gamitin sa pagdarasal sapagkat sa pamamagitan nito makikilala natin ang Panginoong Jesus at maunawaan natin ang kanyang kalooban. Kaya sa ating pagdarasal mahalagang bigyang pansin natin ang Salita ng Diyos at pagnilayan ito.

Ang ikalawang aklat naman ay compilation ng mga dasal. Ano ang kaugnayan ng mga dasal sa pamagat nitong Intimacy with God. Ang pagdarasal ay maghahatid sa atin upang magkaroon tayo ng ENCOUNTER o UGNAYAN sa Diyos. Kaya huwag tayong magsawa at lagi sa tayong magdasal wag tayong manghinawa at manalangin sa Diyos. Buksan at itaas natin ang ating mga puso sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal.

Panginoon turuan mo po kaming magdasal.

Amen.

St. Luke the Evangelist (October 18, 2019)

Friday, 28th Week in Ordinary Time

Sa araw na ito, inaalaala natin ang kapistahan ni San Lukas. MATUTO nawa tayo sa kanyang halimbawa at magabayan tayo nito.

L-OVE Ipinakita ni San Lukas ang kanyang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. Sumama siya at nakiisa siya sa mga paglalakbay ni San Pablo at gayundin isa siya sa mga sumulat ng Mabuting Balita.

U-NDERSTAND Inunawa at tinanggap niya ang ipinahayag ng Panginoon at sinundan niya ito. Kaya nga hanggang sa huli ang kanyang paglilingkod. 

K-RISTO Sa Panginoong Jesu-Kristo siya humuhugot ng lakas upang patuloy siyang makapaglingkod. Hindi naman madali aang kanilang misyon ngunit dahil biyaya ng Panginoon nalampasan niya ang lahat ng sagabal.

E-NCOURAGE Hinihikayat at inaanyayahan tayo ni San Lukas na magbasa o makinig ang Salita ng Diyos upang tayo ay magabayan, maliwanagan at mapagpla nito. Hinikayat din tayo na maging tagapagpahayag din tayo ng Mabutong Balita.

Katulad ni San Lukas, mainlove din tayo kay Lord na siyang pinaghuhugutan natin ng mga biyaaya, maunawaan din natin ang kanyang salita at mahikayat pa tayo na makinig at tagapagpahayag ng Salita ng Diyos sa salita at gawa.

Amen.

Pananalig (October 17, 2019)

Thursday, 28th Week in Ordinary Time

“Ano tao’y pinawalang sala dahil sa pananalig kay Kristo at hindi sa pagtupad ng kautusan.”

Sa unang pagbasa binibigyan ng Panginoon ng diin na ang kapatawaran ay dahil sa PANANALIG at HINDI sa PAGSUNOD sa kautusan.

Bigyang pansin natin ang mga salitang Pananalig at gayundin Pagsunod.

Ang PANANALIG ay mahalaga sa Kaligtasan dahil salitang ito ay may malalalim na kahulugan. Ito ay nangangahulugang PANINIWALA, PAG-UNAWA, PAGTANGGAP at may PAGSUNOD sa kalooban ng Diyos.

Ito ay may malaking kaibahan sa PAGSUNOD sapagkat ito ay maaring paggawa lamang ng bagay na inutos. Maari din naman na ito paggawa dahil sa may pressure at takot kaya ito ay maaring mababaw.

Mga kapatid, ikaw paano tumutugon sa Diyos? Ito ba ay basta pagsunod lamang? Sana maging mas malalim tayo… Sana maging mas malaalim tayo. MANALIG tayo.

Amen.

Correction (October 16, 2019)

Wednesday, 28th Week in Ordinary Time

“Teacher, by saying this you are insulting us too.”

Sa ating Ebanghelyo, kinakausap ng Panginoon ang mga Pariseo at mga Eskriba. Ipinakikita niya sa kanila ang kanilang mga pagkukulang at mga pagkakamali. Nakakalungkot lamang dahil sa halip na tingnan at pagnilayan ang kanilang mga pagkakamali at mga pagkukulang ay na-insulto sila sa Panginoon at nagtanim ng galit sa Kanya. Di nila nakita ang pagnanais ng Panginoon na sila ay mas maging mabuti at maayos sa harap ng mga tao at Diyos.

May mga pagkakataon po na itinutuwid tayo ng ating kapwa sa ating mga pagkakamali. Sana matuto po tayong makinig kaysa magalit. Maaring sila ay instrumento ng Diyos upang tayo ay maging mas mabuti at maayos. Kapag tayo ay itinutuwid ninuman magandang umupo tayo at pagnilayan natin ang ating mga sarili upang makita natin kung totoo nga ang mga sinasabi at kung totoo ay matanggap at magdesisyon na magbago.

Tandaan po natin ito;
“NEVER HATE CORRECTION,
for those who correct you 
TRULY LOVE YOU.
They are willing to displease you 
and possibly lose your FRIENDSHIP 
rather than see you 
DESTROYED.”

Ganoon ang Diyos sa atin. Ayaw niyang makita tayong Sira dahil sa mahal niya tayo. Kaya magpapadala siya ng mga taong nagmamahal din sa atin na tutulong at gagabay sa atin. 

Panginoon, tulungan mo po kaming makita ang mga dapat pa naming baguhin sa buhay namin at tulungan mo po kaming magbago.

Amen.

Paninindigan (October 15, 2019)

Tuesday, 28th Week in Ordinary Time

Isang balita sa UK ang tumawag ng aking pansin. Ito ay tungkol sa isang paaralan na naparalisa ang operasyon dahil 80% ng nga mag-aaral ay di pinapasok ng kanilang magulang at kasabay pa nito ay ang mga magulang na nagrarally sa tapat ng paaralan dahil sa lessons na di akma para sa mga bata at maaaring makasira sa kamalayan ng kanilang mga anak. Itinuturo kasi sa paaralang iyon ang LGBT lessons. Para sa kanila ito ay taliwas sa katuruan nila bilang Muslim. Nagrarally sila… nagrereklamo sila dahil sa kanilang paninindigan sa tama at mabuti.

Sana ganoon din tayong mga binyagang Katoliko. Sana ay naninindigan din tayo sa ating pananampalataya. Tularan natin si San Pablo sa unang pagbasa na tahasang ipinahayag ang kanyang pananampalataya. Itinuro niya ito at ipinahayag saan man siya mapunta. Katulad niya HUWAG NATING IKAHIYA ANG MABUTING BALITA. HUWAG SANA TAYONG MANAHIMIK LAMANG. Magsalita tayo at ituro natin ang totoo, tama at mabuti. Ito rin ang makikita natin sa Ebanghelyo ng walang takot o pag-aalinlangan na pinagsabihan ng Panginoon ang mga Pariseo upang ituwid sila upang malaman din nila ang dapat pa nilang gawin para sa kanilang kabutihan.

Mga kapatid, sana tularan din po natin ang mga kapatid nating Muslim na hindi natakot magsalita laban sa maling katuruan o ipinatutupad sa komunidad. Tularan natin sila na naninindigan sa katotohanan.

Panginoon, buksan mo po ang aking isipan upang malaman ko kung ano ang tama at mabuti at buksan mo po ang aking piso upang tanggapin at matutong manindigan dito.

Amen.

Tanda/Sign (October 14, 2019)

Monday, 28th Year in Ordinary Time

Sa ating Ebanghelyo, pinag-uusapan ang jasamaan ng mga tao at ang pagpapadala ng Diyos ng Tanda upang tawagin ang pansin o gisingin sila mula sa kanilang kinasasadlakan. Sa Lumang Tipan si Solomon at si Jonas ang ilan sa mga tanda na ipinadala ng Diyos. Gayundin sa ating Ebanghelyo ipinahahayag ng Panginoon na siya ay higit kaysa sa kanila… siya ang Dakilang Tanda… ang Anak ng Diyos na dumating para sa kaligtasan ng lahat.

Sa panahon natin ngayon na patuloy pa din ang pag-iral ng kasamaan, kailangan pa din natin ng mga tanda upang magsilbing gabay at paalala sa ating kapwa. Huwag na tayong maghanap ng iba pa… hayaan nating maging tanda din tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng ating maayos na pamumuhay at sa pamamagitan ng paninindigan sa tama, mabuti at totoo sa ating kapwa. Hayaan nating ang ating halimbawa at gayundin kung kailangan ang ating salita ang maging tanda ng presensiya ng Diyos sa kanila upang magpaalala at gumabay sa kanila.

Panginoon tulungan mo po akong mamuhay ayon sa iyong kalooban at maging mabuting halimbawa sa aking kapwa.

Amen.

Sunday Mass (October 13, 2019)

28th Sunday in Ordinary Time

“And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him.”

Marahil nagtatanong tayo… Bakit nga ba tayo nagsisimba tuwing araw ng Linggo? Ang pinakamadaling paraan para sagutin ito ay sa pagsagot na ito ay UTOS NG DIYOS, kaya ito ay isang OBLIGASYON na dapat sundin. Kapag obligasyon lang ang tingin natin dito, ibig sabihin mababaw ang dahilan ng ginagawa natin.

Tatlong bagay ang dapat nating makita, sa tulong ng ating Ebanghelyo ngayon, kung bakit tayo dapat magsimba tuwing araw ng Linggo.

Una, dahil kailangan natin ang Diyos. Katulad ng 10 ketongin kailangan natin ang tulong ng Diyos. Magsisimba tayo sapagkat dumudulog tayo upang para ss ating mga pangangailangan.

Ikalawa, dahil kailangan natin ng gabay ng Panginoon na ipinapahayag sa pamamagitan ng mga pagbasa at gayundin homiliya. Ang salitang ito ay nagsisilbing liwanag sa ating paglalakbay upang di tayo mapahamak. Katulad ng 10 ketongin makinig tayo sa sinasabi ng Panginoon, unawain ang kanyang instruction at gawin natin ito para sa ating kabutihan.

Ikatlo, pinagpala tayo ng Diyos. Yan ang isa sa mga bagay na di natin maitatanggi. Naging mabuti siya sa atin nga katulad ng samaritano, isa sa mga pinagaling, papurihan natin ang Diyos at taos puso tayong magpasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa sa Banal na Misa.

Mga kapatid, gawin nating makabuluhan ang pagsimba natin tuwing Linggo. Huwag sa nating tingnan ang Linggo bilang araw ng pagtupad lamang sa utos o obligasyon. Sana maging pagkakataon ito ng pagtanggap sa biyaya ng Diyos. 

Amen.

KKK (October 11, 2019)

Friday, 27th Week in Ordinary Time

Naniniwala ka ba na Kasangga/Kakampi/Kaisa mo ang Diyos? 

Ang ating ebanghelyo ngayon ay nagpapatunay na KKK natin ang Diyos. Di niya hahayaang tayo ay maalipin ng demonyo… at ng kung ano man pwedeng umalipin sa atin. Iniaadya niya tayo sa kapahamakan. Ipagtatanggol niya tayo at pinagpapala pa ngunit ang tanong, KKK din ba tayo ng Diyos? Anu-ano ang konkretong ginagawa mo para maipakita ito at maiparamdam ito sa kanya? Tandaan di sapat ang sabihing KKK natin siya, higit sa lahat dapat ito ay nakikita sa gawa.

Panginoon, salamat po dahil sa kabila ng aming mga kahinaan, kasangga, kakampi at kaisa mo pa rin kmi.

Amen.

Sobra (October 10, 2019)

Thursday, 27th Week in Ordinary Time

Ano ang magiging reaksyon mo kapag may lumapit sa iyo ang kapamilya, kaibigan at kung sino na nagdedemand o humihingi sa iyo ng malaking bagay o sobra-sobra/labis? O kaya naman humuhingi sa iyo ng anumang di tama?

Mga kapatid, totoo ang Diyos ay mabuti… ang Diyos ay bukas-palad. Totoo din na walang imposible sa Diyos ngunit tandaan din sana natin kung tayo ay dudulog sa kanya sana isipin din natin na ang hihingiin natin ay iyong MAKABUBUTI at TAMA para sa atin at hindi sobra-sobra ang hinihingi natin. 

Anu-ano pa ba ang idinudulog mo sa Diyos? Tinugon na ba niya iyon? Kung tinugon na magpasalamat sa Diyos kung hindi pa, baka kailangang nating tanungin ang ating sarili. Tama at makabubuti ba ang hinihingi ko? Hindi ba ako nagmamalabis? Napapanahon ba ang hinihingi ko?

Panginoon, tulungan mo po kami sa aming mga pangangailangan sa araw-araw.

Amen.

Boring (October 9, 2019)

Wednesday, 27th Week in Ordinary Time

May mga pagkakataon na nararamdaman natin na boring ang pagdarasal. Bakit kaya? 

Kapag tayo ay nakikipag-usap sa ating kapwa at kapag tayo lamang ang salita ng salita at hindi natin sila hinahayaang makatugon, magcomment o magreact man lamang in the long run mabobored sila sa atin at saka mararamdaman natin na di tayo napapansin at di na sila interesado sa atin. Ito rin ang mararamdaman natin kapag sa pagdarasal natin, salita lamang tayo ng salita ngunit di tayo tumatahimik upang bigyan ng puwang ang Diyos. 
Sabi ni St. Pope John Paul II, 
“Man achieves the fullness of prayer not when he expresses himself, but when he let God be most fully present in prayer.” Kaya nga baga ang Panginoong Jesus ay tumutungo sa mga ilang na lugar… sa mga tahimik na lugar upang doon siya ay magkaroon ng pagkakataon na hindi lamang upang sabihin sa Diyos ang kanyang saloobin kundi makinig din sa kanya.

Ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa Diyos. Upang maging maayos ang pakikipag-usap sa Diyos, mahalagang pagkatapos natin magsalita ay manahimik tayo, namnamin natin ang presensiya ng Diyos at sa katahimikan hayaan natin siyang magsalita at gabayan tayo upang magkaroon tayo ng mga mahahalagang reflections at realizations.

Panginoon, magsalita ka at ako po ay handang makinig.

Amen.

Banta (October 8, 2019)

Tuesday, 27th Week in Ordinary Time

“Forty days more and Nineveh shall be destroyed,” when the people of Nineveh believed God; they proclaimed a fast and all of them, great and small,put on sackcloth.”

Dahil ba sa banta ni Jonas ng pagkawasak ng Nineveh kaya sila nagsisi? 

Mga kapatid, lagi naman tayong inaanyayahan ng Panginoon na magsisi, magbago at sundin na ang loob niya. Sana naman ay tumugon tayo ngunit sana ang pagtugon natin ay hindi dahil sa BANTA at TAKOT kundi dahil sa PAGMAMAHAL natin sa Diyos.
Sabi nga, “if today you hear God’s word harden not your hearts.” Huwag sana tayong magmatigas, huwag tayong maghintay na mapagbantaan pa atvlalo na huwag na nating hintayin pang may pangit na mangyari bago magbago.

Panginoon tulungan mo po kami tumugon sa iyo ng may buong pagmamahal.

Amen.

Our Lady of the Holy Rosary (October 7, 2019)

Monday, 27th Week in Ordinary Time

“The LORD, however, hurled a violent wind upon the sea, and in the furious tempest that arose the ship was on the point of breaking up. Then the mariners became frightened and each one cried to his god.”

Sa buhay natin mayroon ding dumarating na malalakas na hangin at alon. Kung minsan bagyo talaga ang dumarating. Kapag dumating ito, tularan sana natin ang mga tripulante sa unang pagbasa na NANALANGIN sa DIYOS.
Ngunit tandaan po sana natin hindi lamang sana tayo nagdarasal kapag tayo ay hinahagupit na ng problema at pagsubok. May problema o wala, maayos man ang kalagayan o hindi laging tatandaan magdasal. ASAP ika nga Always Say A Prayer. Lagi tayong makipag-usap sa Diyos sa dasal sapagkat ito ang makatutulong sa atin.

Isa sa mga dasal na maari nating palagiang dadasalin ay ang Rosaryo. Ito ay PAGNINILAY TUNGKOL SA MAHAHALAGANG TAGPO SA BUHAY NG PANGINOON JESUS kasama ang Mahal na Birhen upang mas makilala natin ang siya at mas mapahalagahan natin ang kanyang mga ginawa para sa atin.

Amen.

Patotoo (October 6, 2019)

27th Sunday in Ordinary Time

“HUWAG MONG IKAHIYA ANG PAGPAPATOTOO TUNGKOL SA PANGINOON…

Kailan ka huling nakipagkwentuhan sa mga kaibigan mo tungkol sa mga pagpapala at kabutihan ng Diyos sa iyo? 

Tiyak na marami kang karanasan na tinulungan ka ng Panginoon, iniadya sa kapahamakan at tukso. Marami kang karanasan na tinulungan ka ng Panginoon sa iyong mga pangangailangan… bakit di mo ito ikwento sa iba ng sa gayon makilala din nila kung gaano kabuti ang Diyos.

Huwag kang mahiya o kaya naman matakot na magpatotoo sabi ni San Pablo. Sa katotohanan kailangan pa natin ng marami pang tagapagpatotoo o tagapagpahayag ng kabutihan ng Diyos. 

Kailan ka magsisimulang magkwento sa mga kaibigan mo? Kailan ka magsisimulang magpahayag ng KABUTIHAN NG DIYOS sa kapwa mo?

Panginoon, gawin mo akong instrumento mo upang maipahayag ang katotohan tungkol sa kabutihan mo.

Amen.

Report (October 5, 2019)

Saturday, 26th Week in Ordinary Time

The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even the demons are subject to us because of your name.”

Sa ating Ebanghelyo, nagreport ang mga disipulo ng Panginoon sa mga na-acomplish o nagawa nilang kabutihan sa ngalan niya.

Ikaw at ako, may mairereport kaya tayo sa Panginoon mamayang gabi sa pagdasal natin na nagawa nating kabutihan para sa araw na ito? 

Maganda sigurong habang maaga pa ay maghanap tayo ng pagkakataon o mas maganda gumawa tayo ng mga pagkakataon para tayo ay makagawa ng mabuti. Di naman kailangan sobrang laki, kahit maliit at ito ay galing sa puso… gayundin malimit tiyak it ay ikalulugod ng Diyos… ito ay patungo sa kanya sa langit.

Panginoon turuan mo po akong maging buka-palad sa iyo at sa aking kapwa.

Amen.

WHAT GOOD CAN I DO TODAY? WHAT GOOD MUST I DO EVERYDAY?

Ibahagi (October 3, 2019)

Thursday, 26th Week on Ordinary Time

Ang mga disipulo ng Panginoon ay sinugo niya upang magdala ng Kapayapaan at Biyaya ng Panginoon. Dahil sa kanila, marami ang napagpala at nabiyayaan.

Ito rin ang panawagan sa iyo at sa akin na mga nagmamahal at tagasunod ng Panginoong Jesu-Kristo. Maging tagapagdala ng KAPAYAPAAN at BIYAYA sa ating mga kapwa. Maging pagpapala tayo sa ating mga kapwa.

Maiparamdam sana natin sa ating kapwa ang presensiya ng Panginoon sa pamamagitan ng ating magandang pakikitungo at pagbabahagi ng mga biyayang pwede nating maibahagi.

be a blessing today…

Amen.