Good Friday of the Passion of the Lord
“Diyos ko, Diyos ko
Bakit mo ako Pinabayaan?”
Ang salitang “Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan” ay mga salitang lubos na nagiging makabuluhan kapag tayo ay may hindi magandang karanasan at may mabigat na pasanin sa buhay. Naniniwala ako na marami sa atin may ganitong saloobin dahil sa Covid 2019 at marahil nagtatanong pa kung bakit hinayaaan ng Diyos na Mangyari ito.
Habang pinagninilayan ko ang Huling Salitang ito ng Panginoong Jesus, naalala ko ang kwento ng mga Israelita noong naroon sila sa Disyerto. Tandaan natin sa loob ng Apatnapung Taon(40 years) sila ay nanatili sa Disyerto. Sa mga panahong nasa iyon, sila ay sinamahan ng Diyos. Hindi niya sila pinabayaan at paulit-ulit niyang ipinakita sa kanila ang kanyang pagkalinga at pagmamahal. Ang problema lamang ay kapag nakakaranas sila ng anumang discomfort sa buhay agad silang nagrereklamo, agad silang nawawala sa sarili at agad silang nakakalimot ng mga kababalaghan at mabubuting bagay ginawa ng Diyos para sa kanila.
Mga kapatid, malamang dumadaan tayo sa isang mahirap na sitwasyon ngunit tandaan natin na hindi ito nangangahulugang pinababayaan tayo ng Diyos. Katulad ng nangyari sa mga Israelita, ang Diyos ay patuloy na nakikilakbay sa atin… paulit-ulit din niyang ipinakikita ang kanyang paggabay at pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng mga taong nagsasakripisyo sa atin… ang mga frontliners sa larangan ng medesina, sa larangan ng mga nagpaptupad batas at gayundin pamamagitan ng mga nagaasikaso sa mga basic needs natin mga nagtitinda ng pagkain at gamot, mga nasa banko at iba pa). Gayundin ang simbahan na paulit-ulit na nagbibigay sa atin ng lakas sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ating lahat at gayundin sa paulit-ulit ding paganyaya sa atin na sama-sama sana tayong magdasal.
Sa panahong ito, bagamat nahihirapan tayo sa kakibang sitwasyon wag sana nating kalilimutang manatiling positibo. Huwag sana tayong manatiling nagrereklamo at huwag na huwag iisiping PINABABAYAAN TAYO NG DIYOS.
Sabi nga, huwag lamang tayong manatiling nakatingin sa DILIM dahil dilim lamang ang makikita natin niyan… bagkos hanapin natin ang liwanag at doon tayo tumingin ng makita natin ang kagandahan ng paligid natin (lalo na ngayong may pandemic)
Totoo tao tayo, nahihirapan, iyon din ang Panginoon na naging tao din, ang kanyang pagsigaw na Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan ay tanda ng paikikiisa niya sa atin tanda na nakita din niya ang ating mga pinagdaraaanang o pagdaraanang hirap… ngunit HINDI DESPERASYON AT KAWALAN NG PANANAMPALATAYA. Tandaan po natin sa huli pagkatapos niyang sabihin ito at bago siya malagutan ng hininga, sinabi niya, AMA, SA MGA KAMA’y IPINAGTATAGUBIKIN KO ANG AKING ESPIRITU… tanda ng MATINDING PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA sa DIYOS.
Uulitin ko po ang mga katagang ito ay hindi desperasyon o kawalan ng pag-asa at pananampalataya ngunit tanda ng pakikiisa sa atin ng Panginoon na nagsasabing alam ko, nauinawaan ko ang pinagdaraanan ninyo.
Sa pagninilay nating ito tandaan natin ang Salitang VIRUS at magbigay ito ng pag-asa sa atin. Gagamitin ko ang salitang ito upang bigyang diin ang kaloob niyang biyaya sa atin at ang kahalagajan ng ating pakikiiisa sa Biyayangbkanyang kaloob.
V-ICTORY – tagumpay ang dulot ng pagpapakasakit, pagkamataya at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Ito rin ang inooffer sa atin ng Panginoon… ang tagumpay laban sa Covid 19. Ito ay mangyayari kung tayo ay mananatiling kumakapit sa Diyos. All of this will pass… all of this will end. Kaya kumapit tayo sa Diyos. Huwag tayong bibitaw sa kanya. Ang ating Diyos ay ang ating tanggulan, hinding -hindi niya tayo iiwanan hanggang sa huli (Mt. 20:28) Sana tumugon tayo sa panawagan ng simbahan na MAGKAISA TAYO BILANG ISANG SIMBAHAN AT PAMILAY NG DIYOS SA PAGDARASAL.
I-NITIATIVE – sabi ng iba, wala daw magawa… ang boring dahil nasa bahay lamang. Kung di tayo mag-iisip kung patatalo tayo sa katamaran at papaalipin sa mga gadgets at iba pa, talagang walang mangyayari at walang magagawa.
Nakakatuwa sapagkat kapansin-pansin ang pagdating ng mga donasyon sa simbahan at pamahalaan, dagdag tulong sa mga mamamayan na naghihirap at nangangailangan, may donasyon mga protective gears para sa mga frontliners para may magamit silang proteksyon, ang iba naman ay pagpapadala ng mga pagkain para sa kanila. Nakakatuwa din iba namang pamilya na buo at sama-samang nagdarasal sa kani-kanilang tahanan. Ang iba naman ay nagpopost ng mga Salita ng Diyos na nagbibigay ng inspirasyon at nakapagpapalakas ng loob. Ang lahat ng ito ay INITIATIVES na talagang NAKATUTULONG. Sana tayong lahat ay magkaroon ng INITIATIVE upang makatulong sa ating pamayanan na nagdaraan sa Krisis.
R-ESPECT – Respeto din sa ating mga namumuno at nagpapatupad ng mga alituntunin. Ang dami ko ng Balitang narinig. Nagagalit sa mga nasa checkpoint, naiinis sa sa mga curfew at iba pang ipinagbabawal at ipinatutipad. Tandaan po sana natin na ang lahat ng ito ay para sa atin din naman. Tulong ito para ma-contain o maiwasang kumalat ang covid 19. Kaya sa halip na mainis at magalit… irepesto ang mga namumuno at nagpapatupad sa pamamagitan ng pagsunod.
U-NDERSTAND – mahalagang isipin at pag-aralang mabuti ang mga nangyayari upang maunawaan natin ang ating sitwasyon. Madaling Irespeto ang mga alituntunin at sundin ito… madaling mag-isip ng mga initiatives kung nauunawaan natin ang ating sitwasyon. Kaya bilang isang mamamayan at mananampalataya sikaping maunawaan ang ating siywasyon. Siguraduhing tama ang mga impormasyong ating tatanggapin at Iwasan ang mga fake news at magpadala nito dahil sa dagdag lamang ito sa kaguluhan sa ating buhay nating mga tao.
S-ECURE – Alamin natin ang mga basic needs natin. Alam natin ngayon na ang mga resources natin ay lahat palabas, konti ang papasok. Isipin natin ang mga bagay na lubos nating kailangan. I-secure natin ang ating mga sarili ng mga Basic at iwasan ang ibang kagastusan sapagkat di din natin alam kung hanggang kailan natin mararanasan ang Krisis na ito. May lupa magtanim ng mga maaring pakikinabangan maari itong makabawas sa gastusan. Sabi nga “we need to ne resourceful to be able to help and provide for ourselves.” Huwag lamang tayong umasa sa iba. Sabi nga NASA DIYOS ANG AWA NASA TAO ANG GAWA. Tulungan natin ang ating mga sarili… may kasabihan tayo “tinutulungan ng Diyos ang mga atongbtinutulungan ang kanilang mga sarili.”
Mga kapatid, taliwas sa maaring iniisip natin ngayong dumadaan tayo sa pandemic… tandaan natin;
“HINDING HINDI TAYO PINABABAYAAN NG DIYOS.” ALAM niya ang ating sitwasyon.” Kaya magtiwala tayo sa kanya at kasabay nito ay HUWAG DIN TAYO MAGPABAYA.
Kapag tayo’y nagtiwala sa kanya magtatagumpay tayo laban sa krisis na ito (VICTORY).
Para magtagumpay tayo mahalaga din na TUMULONG tayo (INITIATIVES).
Para magtagumpay, tangkilikin natin ang gabay ng mga namumuno (RESPECT through obedience).
Para magtagumpay, unawain nating mabuti ang sitwasyon. (UNDERSTAND)
Para magtagumpay, asikasuhin din natin ang ating sarili. Tulungan natin ang aging mga sarili. (SECURE)
Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan. Ito ay mga salita ng pagdamay sa atin. Salita ng Panginoong Jesus na nagsasabing;
“Alam ko ang pinagdadaanan ninyo… HINDING-HINDI ko kayo pababayaan.”
Ito ay mga salitang nag-aanyaya sa atin na MAGTIWALA at MANAMPALATAYA sa DIYOS at KUMILOS tayo sa kabila ng isang mahirap na sitwasyon.
Panginoon, salamat po sa pakikiramay mo sa amin. S iyong panaghoy nararamdaman namin na kaisa ka namin at kasama ka namin. Patuloy mo po kaming samahan at huwag na huwag iiwan.
Amen.