Mary (April 14, 2020)

Tuesday within the Octave of Easter

Mary is looking for Jesus and Jesus who is risen from the dead came to her.

Tularan natin si Maria Magdalena. Simula ng siya ay tulungan ng Panginoon hindi na siya lumayo sa kanya…Hinahanap-nanap na niya siya kaya sinundan niya siya habang siya ang nangangaral, habang buhat niya ang krus hanggang sa kalbaryo kung saan siya naipako at namatay… at sa ating Ebanghelyo hanggang sa libingan sinundan niya Siya at hinanap.

Tularan din sana natin si Maria Magdalena palaging hinahanap ang Panginoong Jesus.

Hanapin natin siya… tawagin natin siya lalo na sa panahon na tayo ay nahihirapan, nanghihina at gayundin kapag nalilito. Magpasalamat naman kung tayo ay nasa maayos na kalagayan.Sundan natin siya at huwag tayong magsasawang maghintay sa kanya sapagkat katulad ng karanasan ni Maria, siya rin ay darating upang pawiin ang mga nagpapahirap sa atin.

Panginoon narito po kami na nagtitiwala at naghihintay sa iyo.

Amen

Leave a comment