Feast of St. Augustine
Isang give-away ang aking natanggap noong August 5 mula sa aming obispo sa pagdiriwang namin ng kapistahan ni St. John Marie Vianney. isang ballpen ito na may qoutation mula kay St. John. Sabi ng nakuha ko… “the saints did not all begin well, but all ended well”
Kung pagninilayan ang buhay ni San Agustin, matutuklasan na totoo ito. Sa simula kasi, ang kanyang prioridad ay ang kanyang sarili at kanyang paghahangad ng karunungan at makamundo niyang pamumuhay ngunit sa huli nakita natin na iniwan niya ang lahat at inialay niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Panginoon.
Marami sa atin ang nahihiyang lumapit sa Diyos… “makasalanan kase ako at baka di na niya ako mapapatawad sa bigat/dami ng kasalanan ko…” sabi ng iba. Ngunit kung titingnan natin ang buhay ni San Agustin, makikita na ang Diyos ay laging nakatingin sa atin ng may pagmamahal. Bukas siyang lagi sa posibilidad na magbago tayo. Tinitingnan niya hindi ang ating mga pagkadapa bagkos ang ating pagbangon mula dito at pagbalik sa kanya.
Totoo, ang ilan sa atin ay may pangit na simula… ang ilan sa atin ay may nakakahiyang nakaraan… ngunit ang ating Diyos ay nariyan para sa atin para tanggapin tayo. Ang kulang lang ay gawin natin ang ginawa ni San Agustin na iniwan ang mga ito at nagsimila muli sa tulong ng biyaya ng Diyos.
Magsimula tayong muli… piliin natin at gawin nating priority ang Panginoon at tiyak pagpapalain niya tayo sa kabila ng lahat.
Amen.