Serve (August 20, 2019)

Tuesday, 20th Week in Ordinary Time

Ang unang pagbasa at ang ebanghelyo ay parehong nagsasalita sa pagtawag at paglilingkod sa Diyos.

Katulad nina Gideon at mga disipulo ng ating Panginoon tayo din ay tinatawag na maglingkod. Totoo na nariyan ang pakiramdam na di tayo karapat-dapat ngunit huwag tayong panghinaan ng loob… huwag matakot… huwag mangamba.

Tandaan kung tayo ay maglilingkod, ang isipin natin hindi yung unworthiness natin kase wala namang worthy dahil lahat ay makasalanan. Ang isipin natin ay kung ano magagawa at maibibigay at kung paano tayo makapaglilingkod sa ganitong kalagayan.

Lord, make me less unworthy… teach me how to serve you as we should.

Amen.

Leave a comment