Monday, 22nd Week in Ordinary Time
“Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day.”
Kapag araw ng Sabbath hindi pinalalagpas ng Panginoon ang pumunta sa Sinagoga upang makinig sa Salita ng Diyos at gayundin para sambahin ang Diyos. Bahagi na ito ng kanyang buhay. Di na ito maiaalis sa kanya sapagkat malinaw sa kanya napakahalaga ng pakikipag-ugnayan sa Diyos at pag-aaral upang maunawaan ang Salita ng Diyos.
Ito din sana ang matularan natin… ang maging bahagi ng buhay natin at maging prioridad na natin ang Diyos. Maipahayag natin sa kanya ang ating oagpapahalaga at pagkilalla sa kanya sa pamamagitan ng pagdarasal, pagsisimba at iba pang mga practices na makapagpapalalim sa ugnayan natin sa Panginoon.
Mga kapatid, tularan natin ang ating Panginoon Jesus na ginagawa niya laging PRIORITY ang kanyang AMA kaysa ibang bagay o asikasuhin.
Amen.