Wednesday, 28th Week in Ordinary Time
“Teacher, by saying this you are insulting us too.”
Sa ating Ebanghelyo, kinakausap ng Panginoon ang mga Pariseo at mga Eskriba. Ipinakikita niya sa kanila ang kanilang mga pagkukulang at mga pagkakamali. Nakakalungkot lamang dahil sa halip na tingnan at pagnilayan ang kanilang mga pagkakamali at mga pagkukulang ay na-insulto sila sa Panginoon at nagtanim ng galit sa Kanya. Di nila nakita ang pagnanais ng Panginoon na sila ay mas maging mabuti at maayos sa harap ng mga tao at Diyos.
May mga pagkakataon po na itinutuwid tayo ng ating kapwa sa ating mga pagkakamali. Sana matuto po tayong makinig kaysa magalit. Maaring sila ay instrumento ng Diyos upang tayo ay maging mas mabuti at maayos. Kapag tayo ay itinutuwid ninuman magandang umupo tayo at pagnilayan natin ang ating mga sarili upang makita natin kung totoo nga ang mga sinasabi at kung totoo ay matanggap at magdesisyon na magbago.
Tandaan po natin ito;
“NEVER HATE CORRECTION,
for those who correct you
TRULY LOVE YOU.
They are willing to displease you
and possibly lose your FRIENDSHIP
rather than see you
DESTROYED.”
Ganoon ang Diyos sa atin. Ayaw niyang makita tayong Sira dahil sa mahal niya tayo. Kaya magpapadala siya ng mga taong nagmamahal din sa atin na tutulong at gagabay sa atin.
Panginoon, tulungan mo po kaming makita ang mga dapat pa naming baguhin sa buhay namin at tulungan mo po kaming magbago.
Amen.