Wednesday, 20th Week in Ordinary Time
Isa sa pinakagandang advice na narinig ko ay ang mga katagang bilangin mo ang mga biyayang natanggap mo… “count your blessings” ika nga. Nakatulong ito upang makita ko na ako ay pinagpala ng napakamaraming bagay at sa iba’t-ibang pagkakataon. Nakatulong ito para maiwasan ang inggit at gayundin makuntento sa kung anong meron ako.
Ito din ang nais kong ibahagi. Bilangin mo lagi, tingnan mo lagi at pahalagahan mo ang biyayang kaloob ng Diyos sa iyo at huwag mong ikumpara mo ang biyaya ng iba sa biyaya na iyong tinanggap at makikita mo pinagpala ka pala dahil mahal ka ng Diyos.
Panginoon, salamat po sa mga biyayang kaloob mo sa amin at salamat po sa mga darating pa.
Amen.