Bunga (October 26, 2019)

Saturday, 29th Week in Ordinary Time

“For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none.”

Ang puno ng Igos/fig tree ay isa sa mga favored na tanim sa lugar nila. Kailangan nito ng malawak na lugar at magandang lupa para lumago ito at mamunga. Favored siya sapagkat pinagtitiyagaan siyang lumago. Ayon sa sa mga komentaryo, ang unang tatlong taon ng bagong tanim na igos ay hindi pinakikinabangan. Kapag namunga ito sa ikaapat na taon, ito ay dapat ialay sa Panginoon. Tanging sa ikalimang taon lamang ito mapakikinabangan ng nagtanim nito. Kaya nga matagal bago talagang mapakinabangan ang bunga nito.

Sa ating ebanghelyo ngayon, bukod sa apat na taon na paghihintay, tatlong taon pang delayed ang pamumunga ng igos. Samakatuwid, pitong taon na itong di namumunga. Sa mata ng may-ari ito ay walang pakinabang ngunit ang magsasaka ay di pa sumusuko at patuloy na nagtyatyaga at nagnanais mamunga.

Maihahalintulad natin ang ating mga sarili sa puno ng igos. Tayo ay mga pinagpala/favored ng Diyos at hindi natin ito maitatanggi. Ngunit ang tanong… 
Namumunga na ba tayo? 
Anu-ano nga ba ang mabubuting nagawa ko na at ginagawa ko tanda ng aking pamumunga?
Tandaan po natin, katulad ng magsasaka ay matiyagang naghihintay ng ating bunga.

Mga kapatid, hilingin natin sa Panginoon na tulungan niya tayong mamunga. Hilingin natin sa kanya na maging tuloy-tuloy ang ating pamumunga para sating kabutihan at kabutihan ng mga taong natutulungan natin.

Amen.

Leave a comment