Wednesday, 27th Week in Ordinary Time
May mga pagkakataon na nararamdaman natin na boring ang pagdarasal. Bakit kaya?
Kapag tayo ay nakikipag-usap sa ating kapwa at kapag tayo lamang ang salita ng salita at hindi natin sila hinahayaang makatugon, magcomment o magreact man lamang in the long run mabobored sila sa atin at saka mararamdaman natin na di tayo napapansin at di na sila interesado sa atin. Ito rin ang mararamdaman natin kapag sa pagdarasal natin, salita lamang tayo ng salita ngunit di tayo tumatahimik upang bigyan ng puwang ang Diyos.
Sabi ni St. Pope John Paul II,
“Man achieves the fullness of prayer not when he expresses himself, but when he let God be most fully present in prayer.” Kaya nga baga ang Panginoong Jesus ay tumutungo sa mga ilang na lugar… sa mga tahimik na lugar upang doon siya ay magkaroon ng pagkakataon na hindi lamang upang sabihin sa Diyos ang kanyang saloobin kundi makinig din sa kanya.
Ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa Diyos. Upang maging maayos ang pakikipag-usap sa Diyos, mahalagang pagkatapos natin magsalita ay manahimik tayo, namnamin natin ang presensiya ng Diyos at sa katahimikan hayaan natin siyang magsalita at gabayan tayo upang magkaroon tayo ng mga mahahalagang reflections at realizations.
Panginoon, magsalita ka at ako po ay handang makinig.
Amen.