Worker (May 1, 2019)

Feast of St. Joseph the Worker

Si San Jose ay isang mangagawa. siya ay karpintero. Sa katunayan kilala siya ng mga tao kaya nga sa ating Ebanghelyo ngayon, siya ay kinilala bilang ama ng Panginoon… sinabi nila, “siya si Jesus ang anak ng karpinterong si Jose.”

Ngunit hindi lamang siya isang mangagawa. Mangagawa din siya ng Diyos. Siya ay tumugon sa paanyaya ng Diyos para sa isang natatanging misyon. Ito ang tumayong ama ng Panginoong Jesus at asawa ng Mahal na Birhen at tagapagtaguyod ng pamilyang ito. 

Mga kapatid, tayo din ay inaanyayahan ng Diyos na maging mangagawa niya. Nawa’y sa ating pamilya maipahayag natin ang higit na pag-unawa at pagmamahal. Sa lugar na pinagtratrabahuhan at pamayanang ginagalawan, tayo nawa ay magsilbing huwaran sa mabuti at maayos ng paggawa at gayundin paglilingkod. At kung saan man tayo naroroon, maging tagapagpahayag din tayo ng Mabuting Balita sa Salita at Gawa.

Mga kapatid, tularan natin si San Jose isang totoo at mabuting mangagawa ng Diyos.

Amen.

Leave a comment