Thursday, 2nd Week of Easter
“Whoever does accept his testimony certifies that God is trustworthy.”
Naniniwala ka ba sa ipinahayag at patunay ng ating Panginoong Jesus?
Tinatanggap mo ba ito?
Kung naniniwala ka at tinatanggap mo ito, magandang ipakita mo ito sa pang-araw araw na pamumuhay mo.
Ipakita sa pamamagitan ng
tamang pag-pili/desisyon…
Tamang pagkilos…
Tamang pakikitungo sa kapwa…
Mga kapatid… ilan sa mga binyagan ang pinapanigan at pinaninindigan ang MALI. Kung minsan pa nga kahit mali ay mas pinaniniwalaan nila dahil sa mga tao na gumagamit ng mga magaganda, emosyonal at mga convincing na pananalita. Pero sa katotohanan kahit anong ganda ng paliwanag… hindi naman nito maitatama ang MALI.
We must never use our emotions as the basis of our judgement kahit na nga ang pagiging praktikal, hindi dapat. Gamitin natin ang ating isip, gamitin nating basehan ang katotohanan at moral na katuruan na hango sa turo ng Panginoon.
Sa mga umiintindi at nakakaintindi, sa mga may pananampalataya, ang itinuturo ng Panginoon… ang kanyang kaolooban ang siyang totoong pinaka-praktikal at tama at mabuti sapagkat ito ay palaging tungo sa kaayusan nating mga tao.
Panginoon ipadala mo po sa amin ang liwanag na kaloob ng Banal na Espiritu upang tulungan niya kaming umunawa at gayundin sumaksi araw araw sa Panginoon.
Amen.