Tuesday, 6th Week of Easter
“About midnight, while Paul and Silas were praying and singing hymns to God as the prisoners listened”
May iba’t-ibang uri at mabenta ang mga energy drink sa atin. Marami kasi ang umiinom nito dahil kailangan ng enerhiya upang matapos/magawa ang trabaho.
Hindi din kasi biro ang buhay ngayon. Talagang kailangan maghanap-buhay.
Totoo din ito pagdating buhay pananampalataya. Hindi madali ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Madalas nga nakakapanghina at nakakapagod kase minsan kahit na anong pagpapabuti tayo pa ang masama. Sa pagtupad sa kalooban ng Diyos, mahalagang may source din tayo ng lakas. Ang tanging source nito ay walang iba kundi ang PAGDARASAL. Ito ang energy drink ng ating kaluluwa/espiritu. Ito ang ipinakikita sa atin nina Pablo at Silas sa unang pagbasa. Di sila napapagod at pinanghihinaan kahit na nga sila ay pisikal na sinasaktan dahil sa ang lakas nila ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pagdasal.
Unahin natin sa araw-araw natin ang pagdarasal para sa mas maayos na pagsunod sa kanya. Magdasal tayo ng mas madalas at maging matiyaga sa pagdadasal lalo na sa PAGSISIMBA… ang pinakamataas na uri ng ating dasal.
Panginoon, bigyan mo po kmi ng lakas at sigla sa pagtupad ng pang araw-araw naming obligasyon at upang masunod namin lagi ang kalooban mo.
Amen.