Blessings

Tuesday, 12th Week in Ordinary Time

Pinagpala ng Diyos si Abram dahil sa kanyang pagsunod. 
Ganoon naman talaga kapag marunong kang sumunod sa Diyos kahit na kung minsan mahirap ngunit kapag marunong sumunod ang lahat ay nagiging maayos at mabuti. 
Di ka man yumaman, di ka man maging sikat, di ka man magkaroon ng maraming ari-arian ngunit ang buhay ay nagiging mas maayos, mas matiwasay at malaya sa kapahamakan.
Ito ang karanasan ni Abram(Abraham) simula nung makinig siya at sumunod siya sa Diyos. Pinagpala siya ng higit sa lahat.

Mga kapatid, huwag lang nating basta isipin ang umasenso o yumaman. Unahin nating sundin ang kalooban ng Diyos. Mamuhay tayo ng maayos at mabuti. Mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos

Panginoon, ipadama mo po sa amin ang katiwasayan at ligaya dulot ng iyong presensiya at pagsunod sa iyo. Salat man sa mga materyal na pangangailangan magiging maayos, tahimik at masaya ang aming buhay kung ikaw ay kasama.

Amen.

Leave a comment