“Commit your life to the Lord, and he will help you.”
Maraming pagsubok ang dumarating sa buhay natin. Walang nakakaligtas dito kahit nga ang mga matapat na lingkod ng Diyos ay dumaan sa pagsubok. Kung kaya’t ang paalala sa unang pagbasa ay ihanda ang sarili sa mga pagsubok kung maglilingkod sa Diyos. Ihanda ang sarili sa mga pagsubok.
Sa Ebanghelyo naman ay narinig natin ang kapahayagan ng Panginoon na Siya rin ay dadaan sa pagsubok; maging Siya na Panginoon ay hindi rin ligtas.
Mga kapatid, sa oras ng pagsubok ay lagi nating dapat tandaan ay ang Salmo Responsorio. Mag- commit tayo sa Diyos, ipagkatiwala natin ang ating mga sarili sa Kaniya at tiyak na tayo ay hindi pababayaan at Kaniyang tutulungan.
Panginoon, tulungan at gabayan mo po kami upang malampasan namin ang mga pagsubok na dumaraan sa aming buhay.
Amen.